Ang mga Produktong Kosmetiko at ang Kapakanan ng mga Mamimili
The FDA Advisory No. 007-13 emphasizes the importance of consumer safety regarding cosmetic products in the Philippines, aligning with the ASEAN Cosmetic Directive. It outlines that cosmetics, meant for external use on various body parts, must undergo FDA evaluation and possess a notification certificate to ensure they meet safety and quality standards. Consumers are encouraged to report any adverse reactions or issues with cosmetic products, including unusual odors or changes in appearance, either through the FDA website or directly at their office. Personal information provided during complaints will be kept confidential, and the FDA will communicate the outcomes of any actions taken regarding reported issues.
Quick Answers
- What is Ang mga Produktong Kosmetiko at ang Kapakanan ng mga Mamimili about?
- The FDA Advisory No. 007-13 emphasizes the importance of consumer safety regarding cosmetic products in the Philippines, aligning with the ASEAN Cosmetic Directive. It outlines that cosmetics, meant for external use on various body parts, must undergo FDA evaluation and possess a notification certificate to ensure they meet safety and quality standards. Consumers are encouraged to report any adverse reactions or issues with cosmetic products, including unusual odors or changes in appearance, either through the FDA website or directly at their office. Personal information provided during complaints will be kept confidential, and the FDA will communicate the outcomes of any actions taken regarding reported issues.
- What type of law is FDA Advisory No. 007-13?
- Ang mga Produktong Kosmetiko at ang Kapakanan ng mga Mamimili (FDA Advisory No. 007-13) is a Philippine Other Rules and Procedures enacted by the Congress of the Philippines.
- When was Ang mga Produktong Kosmetiko at ang Kapakanan ng mga Mamimili enacted?
- Ang mga Produktong Kosmetiko at ang Kapakanan ng mga Mamimili (FDA Advisory No. 007-13) was enacted on Apr 8, 2013.
- What is the citation for Ang mga Produktong Kosmetiko at ang Kapakanan ng mga Mamimili?
- Ang mga Produktong Kosmetiko at ang Kapakanan ng mga Mamimili, FDA Advisory No. 007-13, Apr 8, 2013 (Philippines)
Law Information
- Reference Number
- FDA Advisory No. 007-13
- Date Enacted
- Category
- Other Rules and Procedures
- Subcategory
- Cosmetic Products
- Jurisdiction
- Philippines
- Enacting Body
- Congress of the Philippines
Full Law Text
April 8, 2013
FDA ADVISORY NO. 007-13
| SUBJECT | : | Ang mga Produktong Kosmetiko at ang Kapakanan ng mga Mamimili |
Ang FDA, bilang ahensiya ng Kagawaran ng Kalusugan na nangunguna sa pangangalaga ng kapakanan ng mga mamimili, ay ibig ipaalam na ang pamantayan ng kalidad o pagiging ligtas ng isang kosmetiko o cosmetic ay nakapaloob sa "ASEAN Cosmetic Directive" (ACD). Ang ACD ay naaayon sa kasunduan na pag-aarmonya ng pamantayan hinggil sa kosmetiko ng mga miyembro ng samahan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya (ASEAN), kung saan miyembro ang Pilipinas.
Ang kosmetiko ay anumang sangkap o preparasyong inilaan upang mailagay sa iba't ibang panlabas na bahagi ng katawan, mga ngipin o loob ng lukab ng bibig na may layon na malinisan at mapabango ang mga ito. Ito rin ay ginagamit para mabago ang hitsura o maproteksiyonan ang ilang bahagi ng katawan. Ang kosmetiko ay ginagamit din bilang pabango at para panatilihin ang mabuting kalagayan ng katawan na malinis, malusog at kaaya-aya.
Ang mga kosmetiko ay ginagamit lamang para sa mga panlabas na parte ng katawan tulad ng balat, buhok, kuko, labi, bibig, ngipin at panlabas na bahagi ng ari. Lahat ng impormasyon tungkol sa tamang paggamit ng produkto ay mababasa sa label o etiketa ng produkto.
Para sa kaligtasan ng mamimili, mahalaga na ang kosmetiko ay dumaan sa pagsusuri ng FDA ng Pilipinas. Ang mga produkto ay dapat may pabatid o notification certificate mula sa FDA. Ang pabatid na ito ay isang katibayan na pinapayagan ng FDA na ang isang produkto ay maaring gamitin o ibenta sa Pilipinas. Ang mga mamimili ay nakakatiyak na ang produkto ay ginawa ayon sa alituntunin ng Good Manufacturing Practice. Ang mga mamimili ay may karapatang maghain ng reklamo laban sa mga kompanya kung magkaroon man ng hindi inaasahang epekto o reaksyon dulot ng produkto. DISaEA
Kung mayroong napansin na pamumula o pangangati ng balat matapos gumamit o maglagay ng lotion, sabon, pabango, shampoo, conditioner, make-up gaya ng blush-on, face foundation, mascara, at lipstick, ito ay hindi normal. Kung mayroong naranasan na pagbubutlig ng balat o anit pagkatapos magpaayos, magpakulot, magpaunat o magpakulay ng buhok, ito ay dapat ipapaalam sa FDA.
Inaabisuhan ang lahat ng mamimili na bumili ng mga kosmetiko na may pahintulot ng FDA at sa mga lehitimong tindahan lamang. Hinihikayat lahat ng mamimili na kung nakaranas ng hindi inaasahang epekto o reaksyon, kahit hindi nakasunod sa direction for use o tamang paggamit ng produkto, ipagbigay alam agad sa FDA. Mga produktong kulang sa timbang o laman, may masamang amoy at kakaibang hitsura, o may pagbabago sa kulay ay nararapat na ireklamo sa FDA.
Lahat ng reklamo ay maaring ipadala sa pamamagitan ng eReport sa FDA website (http://www.fda.gov.ph/ereport) o hindi kaya mag-email sa [email protected], o itawag sa mga numerong 857-1900 o 165-332. Maaari ring pumunta sa FDA, Civic Drive, Filinvest Corporate City, Alabang Muntinlupa City. Para sa mga mamimili na mula sa probinsiya, maaring makipag-ugnayan sa mga empleyado ng FDA sa naturang Center for Health Development (CHD) sa mga rehiyon.
Para maaksiyunan agad ng FDA, ang mga mamimili ay pinapakiusapan na ilahad ang mga sumusunod sa kanilang reklamo o ulat:
(1) Ang pangalan at contact number at address ng nagrereklamo;
(2) Ang kanilang edad at kasarian;
(3) Ang pangalan ng produkto na inirereklamo na ayon sa etiketa o label;
(4) Ang pangalan ng tindahan kung saan at kailan binili ang produkto at kung maari ay magbigay ng kopya ng resibo ng pinagbilhan;
(5) Ang detalye ng reklamo, ulat o naging banta sa kalusugan na naranasan o naramdamang kakaiba matapos gamitin ang produkto; at
(6) Ang mga hakbang na ginawa para malunasan o magamot ang kondisyon, at kung sino ang nagbigay ng pangunang lunas. HITAEC
Ang lahat ng mamimili ay nakakasiguro na ang impormasyong ibibigay tungkol sa katauhan o reklamo na idudulog sa FDA ay ituturing na lingid sa kaalaman ng iba. Lahat ng mga aksiyon at desisyon na ginawa ng FDA hinggil sa reklamo ay agad ipapaalam sa naghain ng reklamo.
(SGD.) KENNETH Y. HARTIGAN-GO, MDActing Director IV Food and Drug Administration
Cite This Law
Ang mga Produktong Kosmetiko at ang Kapakanan ng mga Mamimili, FDA Advisory No. 007-13, Apr 8, 2013 (Philippines)
Ang mga Produktong Kosmetiko at ang Kapakanan ng mga Mamimili, FDA Advisory No. 007-13 (Phil. 2013)
Related Laws
- A Resolution Approving and Adopting the Amended "Kodigo ng mga Patakaran sa Pagpapatupad ng Proyekto sa Pagpapaunlad sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa"HUDCC Resolution No. 003-02 • Sep 4, 2002 • Other Rules and Procedures
- Mga Patakaran, Pamantayan, at Panuntunan Para sa Batsilyer ng Sining sa FilipinoCHED Memorandum Kautusan Blg. 022-17 • May 9, 2017 • Other Rules and Procedures
- Implementasyon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ng Komisyon sa Wikang FilipinoDILG Memorandum Sirkular Blg. 019-17 • Feb 2, 2017 • Other Rules and Procedures
- Binagong mga Tuntunin at Regulasyong Nagpapatupad sa Batas Republika Blg. 7104IRR of RA 7104 • Dec 20, 2016 • Implementing Rules and Regulations
- Pinagtitibay ang Kapasiyahan para sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Filipino Sign Language (FSL) Batay sa Batas Republika Blg. 11106KWF Kapasiyahan ng Kalupunan ng Komisyoner Blg. 21-35, s. 2021 • Dec 6, 2021 • Implementing Rules and Regulations
- Binagong mga Tuntunin at Regulasyong Nagpapatupad sa Batas Republika Blg. 7104IRR-RA 7104 • Feb 13, 2013 • Implementing Rules and Regulations
Browse More Other Rules and Procedures
Explore other laws in the Other Rules and Procedures category.
View All Other Rules and ProceduresNeed Help Understanding This Law?
Ask our AI assistant to explain provisions, implications, or related laws.
Ask AI About This Law