Pinagtitibay ang Kapasiyahan para sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Filipino Sign Language (FSL) Batay sa Batas Republika Blg. 11106
Noong Disyembre 6, 2021, pinagtibay ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Batas Republika Blg. 11106, na nagtatakda ng Filipino Sign Language (FSL) bilang Pambansang Senyas na Wika ng mga Bingi sa Pilipinas. Ang batas ay nag-uutos sa paggamit ng FSL sa lahat ng transaksyon ng gobyerno, sa mga paaralan, at sa media, upang isulong ang inklusibidad at pag-unawa. Ang KWF, na itinatag sa ilalim ng Batas Republika Blg. 7104, ay may tungkulin na bumuo ng mga patakaran at programa para sa pagpapalaganap at pagpapayaman ng Filipino at iba pang mga wika sa bansa. Ang IRR ay binuo sa pakikipagtulungan ng iba't ibang ahensya at organisasyon upang masiguro ang epektibong implementasyon ng batas.
Quick Answers
- What is Pinagtitibay ang Kapasiyahan para sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Filipino Sign Language (FSL) Batay sa Batas Republika Blg. 11106 about?
- Noong Disyembre 6, 2021, pinagtibay ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Batas Republika Blg. 11106, na nagtatakda ng Filipino Sign Language (FSL) bilang Pambansang Senyas na Wika ng mga Bingi sa Pilipinas. Ang batas ay nag-uutos sa paggamit ng FSL sa lahat ng transaksyon ng gobyerno, sa mga paaralan, at sa media, upang isulong ang inklusibidad at pag-unawa. Ang KWF, na itinatag sa ilalim ng Batas Republika Blg. 7104, ay may tungkulin na bumuo ng mga patakaran at programa para sa pagpapalaganap at pagpapayaman ng Filipino at iba pang mga wika sa bansa. Ang IRR ay binuo sa pakikipagtulungan ng iba't ibang ahensya at organisasyon upang masiguro ang epektibong implementasyon ng batas.
- What type of law is KWF Kapasiyahan ng Kalupunan ng Komisyoner Blg. 21-35, s. 2021?
- Pinagtitibay ang Kapasiyahan para sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Filipino Sign Language (FSL) Batay sa Batas Republika Blg. 11106 (KWF Kapasiyahan ng Kalupunan ng Komisyoner Blg. 21-35, s. 2021) is a Philippine Implementing Rules and Regulations enacted by the Congress of the Philippines.
- When was Pinagtitibay ang Kapasiyahan para sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Filipino Sign Language (FSL) Batay sa Batas Republika Blg. 11106 enacted?
- Pinagtitibay ang Kapasiyahan para sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Filipino Sign Language (FSL) Batay sa Batas Republika Blg. 11106 (KWF Kapasiyahan ng Kalupunan ng Komisyoner Blg. 21-35, s. 2021) was enacted on Dec 6, 2021.
- What is the citation for Pinagtitibay ang Kapasiyahan para sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Filipino Sign Language (FSL) Batay sa Batas Republika Blg. 11106?
- Pinagtitibay ang Kapasiyahan para sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Filipino Sign Language (FSL) Batay sa Batas Republika Blg. 11106, KWF Kapasiyahan ng Kalupunan ng Komisyoner Blg. 21-35, s. 2021, Dec 6, 2021 (Philippines)
Law Information
- Reference Number
- KWF Kapasiyahan ng Kalupunan ng Komisyoner Blg. 21-35, s. 2021
- Date Enacted
- Subcategory
- Civil Service
- Jurisdiction
- Philippines
- Enacting Body
- Congress of the Philippines
Full Law Text
Disyembre 6, 2021
KWF KAPASIYAHAN NG KALUPUNAN NG KOMISYONER BLG. 21-35, S. 2021
PINAGTITIBAY ANG KAPASIYAHAN PARA SA IMPLEMENTING RULES AND REGULATIONS (IRR) NG FILIPINO SIGN LANGUAGE (FSL) BATAY SA BATAS REPUBLIKA BLG. 11106
SAPAGKAT, alinsunod sa Artikulo XIV ng 1987 Konstitusyon partikular sa Seksiyon 6-9, na nagsasaad sa patakaran ng Pamahalaan na magtaguyod ng wikang Filipino bilang wikang pambansa at opisyal na wika ng Pilipinas;
SAPAGKAT, alinsunod din sa itinatadhana na patakarang Pampamahalaan na lumikha ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pamamagitan ng Batas Republika 7104, s. 1991 upang magpatupad ng patakarang Pampamahalaan sa pagtitiyak at pagtataguyod ng patuluyang pagpapaunlad, pagpapayaman, at pagpapalaganap ng Filipino na Wikang Pambansa ng Pilipinas, at magsasaalang-alang sa mga wikang katutubo at sa iba pang mga wikang ginagamit ng mga Pilipino;
SAPAGKAT, inaatas ng Batas Republika Blg. 7104, s. 1991 ang mandato ng KWF na isagawa ang mga gawain, at tungkulin batay sa sumusunod:
(a) Magbalangkas ng mga patakaran, plano, at programa upang matiyak ang higit at patuluyang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas;
xxx xxx xxx
(b) Magtakda ng mga tuntunin, regulasyon, at patnubay upang isakatuparan ang mga patakaran, mga plano, at mga programa nitó;
xxx xxx xxx
(d) Magpanukala ng mga patnubay at pamantayan para sa mga anyuing lingguwistiko at pagpapahayag sa lahat ng opisyal na komunikasyon, publikasyon, teksbuk, at iba pang materyales sa pagbasa at pagtuturo;
xxx xxx xxx
(g) Tawagan ang alinmang kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, o alinmang kasangkapan ng Pamahalaan, o alinmang pribadong entidad, institusyon, o organisasyon para sa kooperasyon at tulong sa pagtupad ng mga gawain, tungkulin, at pananagutan nitó;
(h) Magsagawa sa mga antas na pambansa, rehiyonal, at lokal ng mga pagdinig pampubliko, kumperensiya, seminar, at iba pang mga pangkatang talakayan upang umalam at tumulong sa paglutas ng mga suliranin at mga isyung may kaugnayan sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas;
(i) Bumuo at magpatibay ng mga patnubay, pamantayan, at sistema para sa pagmomonitor at pagrereport ng pagganap nitó sa mga antas na pambansa, rehiyonal, at local; at magsumite sa Opisina ng Pangulo at sa Kongreso ng mga taunang ulat ng pagsulong hinggil sa implementasyon ng mga patakaran, mga plano, at mga programa nitó.
SAPAGKAT, ang Batas Republika Bilang 11106 na naglalayong kilalanin ang awtentikong senyas ng Pilipino sa pamamagitan ng ingklusibo at kolektibong pagpapayaman sa binalangkas na Implementing Rules and Regulations mula sa iba't ibang ahensiyang pribado at pampamahalaan;
SAPAGKAT, bahagi ng simulain ng Batas Republika Bilang 11106 sa Seksiyon 13 na nagsasaad na:
An Act Declaring Filipino Sign Language as the National Sign Language of the Filipino Deaf and the Official Sign Language of Government in All Transactions involving the Deaf, and Mandating its Use in Schools, Broadcast Media, and Workplaces, the following Rules and Regulations are hereby promulgated.
SAPAGKAT, umaalinsunod ito sa mandato ng KWF partikular sa: (g) Tawagan ang alinmang kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, o alinmang kasangkapan ng Pamahalaan, o alinmang pribadong entidad, institusyon, o organisasyon para sa kooperasyon at tulong sa pagtupad ng mga gawain, tungkulin, at pananagutan nitó;
Kaya sa pagtatakda ng batas, isinagawa ng mga tukoy na stakeholder na balangkasin ang IRR na kinabibilangan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD); Sign Linguistics; University of the Philippines FSL Task Force; Philippine Federation of the Deaf (PFD); Philippine Commission on Women (PCW); Philippine National Association of Sign Language Interpreters (PNASLI); Commission on Human Rights (CHR); Bureau of Curriculum Development (BCD); Early Childhood Care and Development Council (ECCDC); Technical Education and Skills Development Authority (TESDA); Department of Health (DOH); Department of Justice (DOJ); Government Procurement Policy Board (GPPB), National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Education (DepEd); Commission on Higher Education (CHED), Supreme Court (SC); Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB); Office of Civil Defense (OCD); Civil Service Commission (CSC); Department of the Interior and Local Government (DILG); Local Government Academy (LGA); Department of Budget and Management (DBM); Philippine Statistics Authority (PSA); Department of Health (DOH); Presidential Human Rights Committee Secretariat (PHRCS) at National Anti-Poverty Commission (NAPC).
SAPAGKAT, itinatadha pa ng Batas Republika 11106 na pamumunuan ng KWF ang pagtataguyod ng naturang batas at isagawa ang mga nararapat, dekreto, at panuntunang dapat ipatupad batay sa Implementing Rules and Regulations (IRR) na hango sa mga ahensiyang tinukoy ng batas sa pagbalangkas nito;
SAPAGKAT, ang nabuong IRR ay sumasalamin sa mga layunin at sa angkop na kapakinabangang pampubliko at sa pangangalaga sa Filipino Sign Language bilang Pambansang Senyas na wikang ginagamit ng Pilipino para sa mga bingi at di-bingi sa mga diskursong tutukuyin ng mga ahensiya sa pagpapatupad nito.
PINAGTITIBAY sa huli, bilang pagpapatibay, aming inilalakip ang aming mga lagda bilang selyo ng aming buong pagsang-ayon at pagpapatibay ng IRR na ito ngayong 6 Disyembre 2021 sa KWF Pulungang De Veyra, Gusali Watson, Malacañang, San Miguel, Maynila.
(SGD.) KOM. ARTHUR P. CASANOVA, PhDTagapangulo
(SGD.) KOM. BENJAMIN M. MENDILLO, JR.Komisyoner para sa Wikang Ilokano
(SGD.) KOM. CARMELITA C. ABDURAHMANKomisyoner para sa mga Wika ng Samar-Leyte
(SGD.) KOM. ALAIN RUSS G. DIMZONKomisyoner para sa Wikang Hiligaynon
(SGD.) KOM. HOPE S. YUKomisyoner para sa Wikang Sebwano
(SGD.) KOM. ANGELA E. LORENZANAKomisyoner para sa Wikang Bikol
(SGD.) KOM. ABRAHAM P. SAKILIKomisyoner para sa mga Wika ng Muslim Mindanao
(SGD.) KOM. JIMMY B. FONGKomisyoner para sa mga Wika ng Kahilagaang Pamayanang Kultural
PINATUTUNAYAN NG NAKALAGDA SA ITAAS NA ANG KAPASIYAHAN BLG. ___ AY PINAGTIBAY NG KALUPUNAN NG MGA KOMISYONER NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
(SGD.) ARTHUR P. CASANOVA, PhDTagapangulo
Cite This Law
Pinagtitibay ang Kapasiyahan para sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Filipino Sign Language (FSL) Batay sa Batas Republika Blg. 11106, KWF Kapasiyahan ng Kalupunan ng Komisyoner Blg. 21-35, s. 2021, Dec 6, 2021 (Philippines)
Pinagtitibay ang Kapasiyahan para sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Filipino Sign Language (FSL) Batay sa Batas Republika Blg. 11106, KWF Kapasiyahan ng Kalupunan ng Komisyoner Blg. 21-35, s. 2021 (Phil. 2021)
Related Laws
- Binagong mga Tuntunin at Regulasyong Nagpapatupad sa Batas Republika Blg. 7104IRR of RA 7104 • Dec 20, 2016 • Implementing Rules and Regulations
- Binagong mga Tuntunin at Regulasyong Nagpapatupad sa Batas Republika Blg. 7104IRR-RA 7104 • Feb 13, 2013 • Implementing Rules and Regulations
- Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 11057 (Personal Property Security Act)IRR of RA 11057 • Oct 10, 2019 • Implementing Rules and Regulations
- Mga Patakaran, Pamantayan, at Panuntunan Para sa Batsilyer ng Sining sa FilipinoCHED Memorandum Kautusan Blg. 022-17 • May 9, 2017 • Other Rules and Procedures
- Implementasyon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ng Komisyon sa Wikang FilipinoDILG Memorandum Sirkular Blg. 019-17 • Feb 2, 2017 • Other Rules and Procedures
- A Resolution Approving and Adopting the Amended "Kodigo ng mga Patakaran sa Pagpapatupad ng Proyekto sa Pagpapaunlad sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa"HUDCC Resolution No. 003-02 • Sep 4, 2002 • Other Rules and Procedures
Browse More Implementing Rules and Regulations
Explore other laws in the Implementing Rules and Regulations category.
View All Implementing Rules and RegulationsNeed Help Understanding This Law?
Ask our AI assistant to explain provisions, implications, or related laws.
Ask AI About This Law