A Resolution Approving and Adopting the Amended "Kodigo ng mga Patakaran sa Pagpapatupad ng Proyekto sa Pagpapaunlad sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa"
On September 4, 2002, the Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) approved the amended "Kodigo ng mga Patakaran sa Pagpapatupad ng Proyekto sa Pagpapaunlad sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa," which provides updated guidelines for the National Government Center Eastside Development Project (NGC-EDP). This resolution follows a series of consultations aimed at enhancing the existing policies to ensure they reflect current needs and priorities for housing and development. The amended code emphasizes the rights of qualified beneficiaries, including those who have lived in the area since 1994, and outlines the procedures for selecting beneficiaries and distributing housing lots. It also establishes a framework for the management and implementation of the project, ensuring community involvement and adherence to legal standards. The policies will take effect 15 days after approval.
Quick Answers
- What is A Resolution Approving and Adopting the Amended "Kodigo ng mga Patakaran sa Pagpapatupad ng Proyekto sa Pagpapaunlad sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa" about?
- On September 4, 2002, the Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) approved the amended "Kodigo ng mga Patakaran sa Pagpapatupad ng Proyekto sa Pagpapaunlad sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa," which provides updated guidelines for the National Government Center Eastside Development Project (NGC-EDP). This resolution follows a series of consultations aimed at enhancing the existing policies to ensure they reflect current needs and priorities for housing and development. The amended code emphasizes the rights of qualified beneficiaries, including those who have lived in the area since 1994, and outlines the procedures for selecting beneficiaries and distributing housing lots. It also establishes a framework for the management and implementation of the project, ensuring community involvement and adherence to legal standards. The policies will take effect 15 days after approval.
- What type of law is HUDCC Resolution No. 003-02?
- A Resolution Approving and Adopting the Amended "Kodigo ng mga Patakaran sa Pagpapatupad ng Proyekto sa Pagpapaunlad sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa" (HUDCC Resolution No. 003-02) is a Philippine Other Rules and Procedures enacted by the Congress of the Philippines.
- When was A Resolution Approving and Adopting the Amended "Kodigo ng mga Patakaran sa Pagpapatupad ng Proyekto sa Pagpapaunlad sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa" enacted?
- A Resolution Approving and Adopting the Amended "Kodigo ng mga Patakaran sa Pagpapatupad ng Proyekto sa Pagpapaunlad sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa" (HUDCC Resolution No. 003-02) was enacted on Sep 4, 2002.
- What is the citation for A Resolution Approving and Adopting the Amended "Kodigo ng mga Patakaran sa Pagpapatupad ng Proyekto sa Pagpapaunlad sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa"?
- A Resolution Approving and Adopting the Amended "Kodigo ng mga Patakaran sa Pagpapatupad ng Proyekto sa Pagpapaunlad sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa", HUDCC Resolution No. 003-02, Sep 4, 2002 (Philippines)
Law Information
- Reference Number
- HUDCC Resolution No. 003-02
- Date Enacted
- Category
- Other Rules and Procedures
- Subcategory
- Housing and Urban Development Coordinating Council
- Jurisdiction
- Philippines
- Enacting Body
- Congress of the Philippines
Full Law Text
September 4, 2002
HUDCC RESOLUTION NO. 003-02
A RESOLUTION APPROVING AND ADOPTING THE AMENDED "KODIGO NG MGA PATAKARAN SA PAGPAPATUPAD NG PROYEKTO SA PAGPAPAUNLAD SA SILANGANG BAHAGI NG SENTRO NG PAMAHALAANG PAMBANSA"
WHEREAS, Presidential Fidel Ramos issued in 1998 Proclamation No. 1169 excluding the remaining 238 hectares (East Side) from the operation of Proclamation No. 1826 and declaring the same as mixed use for government complexes, buildings and offices, socialized housing units and other purposes; HTcADC
WHEREAS, on 30 August 2000 the Project Management Board adopted the "Kodigo ng mga Patakaran sa Pagpapatupad ng Proyekto sa Pagpapaunlad sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa" providing the guidelines and policies for the implementation of the NGC-EDP;
WHEREAS, Memorandum Order No. 9, s. 2001 amended Memorandum Order No. 76, s. 1999 which amended Memorandum Order No. 471, s. 1998, creating the NGC Eastside Development Committee and providing the guidelines for the implementation of Proclamation No. 1168.
WHEREAS, the NGC-EDC in a meeting held on 16 January 2002, agreed to amend the existing Code of Policies to enhance its contents by updating and deleting outmoded and inconsistent provisions, respectively;
WHEREAS, a series of workshops/consultations participated by EDC member agencies and people's organizations representatives, was conducted to review and amend the existing Code of Policies;
WHEREAS, based on the results of the workshops/consultations held an amended "Kodigo ng mga Patakaran sa Pagpapatupad ng Proyekto sa Pagpapaunlad sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa" has been drafted;
WHEREFORE, BE IT RESOLVED AS IT IS HEREBY RESOLVED to approve and adopt the amended "Kodigo ng mga Patakaran sa Pagpapatupad ng Proyekto sa Pagpapaunlad sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa" as the new set of policies governing the implementation of the NGC-EDP.
DONE in the City of Quezon this 4th day of September 2002.
(SGD.) SEC. MICHAEL T. DEFENSORHUDCC
(SGD.) MS. MARIETA NACIONALKOSA
Signed by representativeSEC. PERCIVAL CHAVEZPCUP
(SGD.) MS. NORMA DELA TORRESAMA-SAMA
Signed by representativeSEC. TERESITA DELESNAPC
Signed by representativeMR. ROBERTO MARAÑOSANAPA
MAYOR FELICIANO BELMONTEQuezon City
(SGD.) MS. TERESITA BUSADREBAHAI
ATTACHMENT
Kodigo ng mga Patakaran sa Pagpapatupad ng Proyekto sa Pagpapaunlad sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa (National Government Center Eastside Development Project)
Artikulo I
Kadahilanan
Nagpapahayag ng mahalagang pangako si Pangulong Corazon C. Aquino na lubos na bigyang-pansin ang maralitang tagalungsod ayon sa itinatadhana ng Saligang Batas ukol sa Katarungang Panlipunan at mga Karapatang Pantao. Gumawa siya ng hakbang upang iayon sa batas ang pagmamay-ari ng lupa na pinaninirahan ng mga kasalukuyang umuokupa rito.
Sa ganitong diwa, bilang tagapamahala ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa (National Government Center) o NGC ay binuo ng Kagawaran ng mga Pagawang-Bayan at Pambansang Lansangan (Department of Public Works and Highways) o DPWH ang National Government Center Development Council (NGC-DC) o Lupon sa Pagpapaunlad ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa noong 23 Enero 1987. Ito'y isinagawa upang pakinggan at isaalang-alang ang petisyon ng mga tunay na naninirahan sa NGC, na ang layunin ay ipamahagi at paunlarin ng pamahalaan ang mga pook na kasalukuyan nilang pinaninirahaan. Nagpasya ang Lupon na magpatibay ng isang programang mapapagbigyan ang kahilingan ng mga naninirahan sa NGC kaalinsabay ang orihinal na planong pagtayuan ang pook na ito ng mga gusali na gagamiting tanggapan ng iba't-ibang ahensiya ng pamahalaan.
Sa bisa ng rekomendasyon ng Lupon sa Pagpapaunlad ng NGC at ayon na rin sa:
Batas Komonwelt Blg. 3038, na pinagtibay noong Marso 9, 1922 na nagbibigay-kapangyarihan sa Kalihim ng Pagsasaka at Likas Yaman na ipagbili o paupahan ang pampublikong lupa ng Pilipinas ayon sa itinatadhana ng sinusugang Batas ng Lupaing Pampubliko (Public Land Act as amended);
Batas Republika Blg. 730, na pinagtibay noong Hunyo 8, 1952 na nagbibigay-pahintulot sa pagbebenta ng mga pampublikong lupain na hindi na dadaanin pa sa subastang pampubliko sa mga kwalipikadong aplikante na dapat ay mga mamamayang Pilipino na nasa wastong gulang at hindi nagmamay-ari ng anumang lote sa bayan o lungsod na kanyang pinaninirahan; at,
Proklamasyon Blg. 1826, na ibinababa ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong 1979, na nagtatalaga ng pook para sa Sentro ng Pamahalaang Pambansa sa Lungsod Quezon at nagsasaad rin na itinatakda ang nasabing pook bilang pagmamay-ari at yaman ng ating bansa.
Proklamasyon Blg. 137 na ibinaba ni Pangulong Corazon C. Aquino upang ihiwalay sa pagpapatupad ng Proklamasyon Blg. 1826 ang isang bahagi ng lupain (150 ektarya) sa NGC at nagpapahayag na ang nasabing bahagi ng lupain ay bukas upang ipamahagi sa pamamagitan ng tuwirang pagbebenta sa mga tunay na naninirahan sa nasabing pook mula Pebrero 1986.
Batas Republika Blg. 7279, kilala bilang Batas ng Kaunlarang Panlungsod at Pabahay ng 1992, na nagtatakda nang makatwirang paggamit ng lupa at pagpapaunlad ng mga lupaing lungsod upang ito'y ganap na mapakinabangan para sa layuning pabahay at komersiyal na pangangailangan.
Proklamasyon Blg. 1169 na itinakda ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagbibigay-pagkakataon sa mga tunay na naninirahan sa nasabing pook mula taong 1994 upang paunlarin at gamitin para sa abot-kayang pabahay at humigit-kumulang 238 ektaryang lupa sa Silangang bahagi ng NGC. Kaakibat nito, itinakda din niya ang Memorandum Order No. 471 na lumikha sa National Government Center EDC (NGC-EDC) upang mamahala sa pagsasakatuparan ng National Government Center Eastside Development Project (NGC-EDP).
Ibinaba naman ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada ang Memorandum Order No. 76 na nag-aatas sa pagbabago ng National Government Center EDC (NGC-EDC) at dito'y pinalitan ang dating NGC-EDC ng Project Management Board (PMB). Dito rin ay isinasaad na ang nasabing EDC ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).
Inamendahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Memorandum Order No. 9, s. 2001 ang M.O. 76 na nag-aatas ng reorganisasyon ng NGC EDC (NGC-EDC) at ang paglilipat ng pangangasiwa nito sa Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).
Ang Kodigo ng mga Patakarang ito ay binalangkas, itinatag at ipapatupad sa pagpili at paglalaan ng mga lote at pabahay sa mga tunay na tagapakinabang upang matiyak ang pagpapatupad sa bagong programang pagpapaunlad ng Silangang Bahagi ng NGC alinsunod sa plano ng NGC Eastside Development Committee (NGC EDC) at ng mga tao, at upang mapangalagaan ang interes ng mga kwalipikadong tagapakinabang ng programa.
Artikulo II
Kahulugan ng mga Salita
Para sa Layunin ng Kodigong ito:
Seksyon 1. Bahay. — Anumang istruktura na sadyang gamit lamang para sa layuning paninirahan.
Seksyon 2. Beneficiary Qualification Stub (BQS). — Dokumentong iginagawad ng NGC-EDP PMO sa mga pumasa o natukoy ng tagapakinabang ng proyekto.
Seksyon 3. Kabahagi o Nakikisukob. — Sinumang sambahayan bukod pa sa may-ari ng istruktura na naninirahan o gumagamit ng istruktura o bahay nang libre.
Seksyon 4. Karapatan ng Unang Pagkakataon sa Pagbili. — Ang karapatan ng mga kwalipikadong naninirahan na nakatala, gaya ng mga kaparte, katiwala, at umuupang istruktura na nabigyan ng unang pagpili na makuha o mabili ang nasabing istruktura nang higit sa lahat ng iba pang sambahayang kabilang sa sensus ng NGC-Eastside noong 1994 at sa Occupancy Verification taong 2000.
Seksyon 5. Kasamang Nagmamay-ari. — Ang sambahayan o pamilya na kasamang nagmamay-ari ng istruktura ng iba pang kwalipikadong tagapakinabang.
Seksyon 6. Katiwala ng May-ari. — Anumang sambahayang tunay na naninirahan, nagpapanatili at namamahala ng istruktura para sa totoo nguni't nawawalang may-ari ng bahay.
Seksyon 7. Katiyakan sa Paninirahan. — Tumutukoy sa antas ng proteksiyon laan sa kwalipikadong mga tagapakinabang ng Programa laban sa paglabag o di-makatarungan, di-makatwiran at di-malinaw na pagpapaalis o pamamahagi, sa bisa ng karapatan ng pagmamay-ari, kasunduang paupa, usuprukto at iba pang kasunduan.
Seksyon 8. Homeowners Association (HOA). — Tumutukoy sa mga samahang itinatag ng mga pamayanan sa NGC Eastside upang manguna at kumakatawan sa buong kasapian sa usaping palupa sa mga tukoy na pook, at pormal na kinikilala ng tanggapan ng NGC-EDP.
Seksyon 9. Iligal na Istruktura. — Anumang bagong tayo, idinagdag o inilipat sa loob ng itinakdang hangganan na sakop ng NGC-Eastside Development Project pagkatapos ng isinagawang 2000 Occupancy Verification nang walang sulat-pahintulot mula sa tanggapan ng NGC-Eastside Development Project Administration Office. aScITE
Seksyon 10. Istruktura. — Anumang pasilidad na itinayo upang maging suporta, silungan o proteksyon sa mga tao, hayop, kagamitan, at iba pang pag-aari. Kasama ang mga gusali katulad ng simbahan, ospital, paaralan at iba pang kauri.
Seksyon 11. Maralita at Walang Bahay na Mamamayan. — Tumutukoy sa mga tao o pamilyang naninirahan sa lungsod at sa mga katulad na mga pook, na ang kita o ang pinagsamang kita ay kabilang sa kategoryang nagdarahop gaya ng ipinakahulugan ng National Economic Development Authority (NEDA) at di nagmamay-ari ng anumang bahay na matitirahan. Kabilang dito yaong naninirahan sa mga barung-barong at walang katiyakan and paninirahan sa nasabing pook at istruktura (sek. 3 (t), Art. 1, R.A. 7279).
Seksyon 12. May-ari ng Istruktura. — Sinumang tao o mga tao na nagtayo o nagpatayo ng isang istruktura.
Seksyon 13. Nakatalang Sambahayan. — Ang sambahayang nakatala sa Opisyal na NGC Census Masterlist na isinagawa noong Abril 1994 at Occupancy Verification sa taong 2000 na isinagawa ng PCUP, NHA, Quezon City Government, NGC-EDP Administration's Office, at POs.
Seksyon 14. National Government Center-Eastside Development Project (NGC-EDP). — Ang proyektong pagpapahusay at pagpapaunlad ng pook na ang sukat at saklaw ay itinakda ng Proklamasyon Blg. 1169 na tinutukoy rito bilang pook ng proyekto.
Seksyon 15. National Government Center Eastside Development Project-Project Management Office (NGC-EDP PMO). — Ang tanggapang nilikha sa ilalim ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) sa bisa ng Memorandum Order 471 na inamyendahan ng Memorandum Oders No. 76, s. 1999 at No. 09, s. 2001 upang magpatupad ng proyekto sa NGC-Eastside at magbibigay ng teknikal, administratibo, pinansyal na serbisyo sa EDC.
Seksyon 16. Nawawalang May-ari ng Istruktura (Absentee Houseowner). — Sinumang may-ari ng istruktura sa NGC Eastside na hindi na naninirahan doon o umalis sa nabanggit na pook sa loob ng anim (6) na buwan nang walang sulat-pasabi sa tanggapan ng NGC-EDP o mga tanggapan na sadyang itinalaga upang mangasiwa at mangalaga sa kapakanan ng mga residente bago matapos ang opisyal na 1994 Census at/o 2000 Occupancy Verification.
Seksyon 17. Nawawalang Naitalang Sambahayan. — Ang sambahayan na lumisan mula sa mga tinatakang istruktura o bahay at umalis sa pook ng proyekto sa loob ng anim na buwang (6) singkad nang walang sulat-pasabi sa tanggapan ng NGC-Eastside Development Project-Project Management Office (NCG-EDP PMO).
Seksyon 18. Pabatid. — Opisyal na sulat-talastas na may karampatang lagda ng Tagapangasiwa o Administrator o ng kanyang inatasang kinatawan sa sinumang residente ng NGC-EDP.
Seksyon 19. Pagbaklas ng Istruktura. — Ang awtorisadong hakbang ng pagtanggal ng anumang pisikal na istruktura o idinagdag na bahagi nito.
Seksyon 20. Pagdadagdag (Extension). — Anumang pataas o pahalang na pagpapaunlad sa kasalukuyang istruktura.
Seksyon 21. Pagtatak (Tagging). — Ang opisyal na pagtatala ng mga istruktura sa NGC Eastside Development Project sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tatak o tag sa nasabing mga istruktura sa loob ng takdang panahon.
Seksyon 22. Pamahalaang Lokal. — Tumutukoy sa pamahalaang lokal ng Lungsod Quezon.
Seksyon 23. Pederasyon. — Grupo o kalipunan ng mga homeowners' associations (HOAs) na kabilang/kasapi sa Eastside Development Committee (ECC).
Seksyon 24. Propesyonal na Iskuwater. — Tumutukoy sa mga tao o pangkat na sumasakop ng lupa nang walang hinihinging pahintulot sa may-ari ng lupa, gayung may sapat na kita para sa matuwid na pabahay. Tumutukoy din ang salita sa mga tao na dating binigyan na ng lupa o bahay ng pamahalaan ngunit binenta, pinaupahan, o inilipat ang nasabing bahay o lote sa iba upang ilegal na naninirahan sa parehong pook o sa ibang pook ng lungsod at di-tunay na naninirahan at pumasok sa lupang nakalaan para sa panlipunang pabahay. Hindi tumutukoy ang salita sa mga tao o pangkat na umuupa ng lupa at bahay mula sa mga propesyunal na iskuwater o sindikato sa iskuwating. (sek. 3 (m), Art. 1, R.A. 7279)
Seksyon 25. Recalcitrant (Pala-Suway). — Tumutukoy sa mga indibidwal, sambahayan o grupo na sa kabila ng paghikayat upang makisangkot at makiisa sa mga pagpaplano at pagsasakatuparan ng iba't-ibang gawaing nauukol sa implementasyon ay patuloy at nananatiling walang pagtugon at hindi sumasang-ayon sa programang pampamayanan.
Seksyon 26. Sambahayan. — Pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bahay, at may kasunduan sa iisang paraan ng paghahanda at pag-konsumo ng pagkain.
Seksyon 27. Sindikato sa Iskuwating. — Tumutukoy sa mga pangkat ng tao, naninirahan man sa pook ng NGC Eastside o hindi, na nagtayo ng bahay-iskuwater para sa pagkakitaan o pagtubuan. (sek. 3 (s), Art. 1, R.A. 7279)
Seksyon 28. Tagapakinabang (Beneficiary). — Ang mga indibidwal o sambahayang nakaabot sa pamantayan hinggil sa kwalipikasyon ng tagapakinabang na itinakda ng NGC-ED Project Administration's Office.
Seksyon 29. Tau-tauhan (Dummy). — yaong tao o mga tao na nagpapagamit o nagpagamit sa isa o grupo ng mga tao upang ang huli ay maging kwalipikadong tagapakinabang ng NGC-EDP.
Seksyon 30. Umuupa (Renter). — Alinmang sambahayang nagbabayad sa may-ari ng istruktura upang makapanirahan o magamit ang istruktura o bahay.
Seksyon 31. Validation. — Proseso ng pagtitiyak sa mga kwalipikadong taga-pakinabang ng programa ng NGC-EDP batay sa mga pinanghahawakang dokumento.
Artikulo III
Saklaw
Saklaw nitong Kodigo ng mga Patakaran ang lahat ng bagay at gawaing kaugnay sa pagpapaunlad ng National Government Center-Eastside Development Project (NGC-EDP) alinsunod sa Proklamasyon ng Pangulo Blg. 1169 at M.O. 9, s. 2001 na may tiyak na pagtukoy sa kwalipikasyon at pagpili ng mga benepisaryo gayundin sa pamamahagi at pagkakaloob ng pag-aari ng lote.
Artikulo IV
Prinsipyong Sinasandigan
Ang pagpapatupad ng proyektong palupa at pangkaunlaran sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa (National Government Center-Eastside) ay ginagabayan ng mga sumusunod na prinsipyo:
Seksyon 1. Na yamang ang Saligan Batas ay gumagarantiya sa pabahay at disenteng mataas na antas ng kabuhayan para sa bawat Pilipino, ang NGC-EDP ay babalangkas ng mga programa at plano ayon sa pagtiyak ng ika-aangat ng sosyo-ekonomikong kalagayan sa buhay ng mga benepisaryo sa loob ng itinalagang pook-pabahay alinsunod sa malusog, ligtas at kaaya-ayang kapaligiran ayon sa batas.
Seksyon 2. Na hihikayatin at pananatilihin ang pakikiisa at pakikisangkot ng Pamayanan sa pagpaplano at pagsasakatuparan ng iba't-ibang gawain ukol sa NGC-EDP sa pamamagitan ng mga pampamayanang samahan, mga non-governmental organizations (NGOs), mga ahensiya ng pamahalaan at mga maykapangyarihang katuwang sa programa.
Seksyon 3. Na sa pagpapatupad ng proyekto, sisikaping ipatupad ang "maximum retention, minimum dislocation" na pamamaraan. Ang "maximum" na tinutukoy ay batay sa sukat na itinatakda ng Kodigo.
Artikulo V
Pahayag ng Patakaran
Nakasalig sa Katwiran at Saklaw, mahigpit na ipatutupad ang mga sumusunod na patakaran ayon sa napagkasunduan, kabilang ang:
Seksyon 1. Na ang pangunahing layunin ng NGC-EDP gaya ng nakasaad sa Artikulo 13, seksyon 9 ng Saligang Batas ay mamahagi ng pag-aari ng lupa at tustusan ang angkop na programang pabahay ayon sa kakayahan ng mga kwalipikadong tagapakinabang.
Seksyon 2. Na ang isinagawang census ng mga pamilya at pagtatatak ng mga bahay noong 1994 at 2000 Occupancy Verification ang magiging pangunahing batayan sa pagtatakda ng talaan ng mga tagapakinabang ng proyekto.
Seksyon 3. Na anumang pamamaraan ng paglilipat ng mga karapatan ng tagapakinabang sa ipinagkakaloob na lupa/bahay ay dapat sa kwalipikadong benepisyaryo lamang at naaayon sa R.A. 7279 at sa Mga Saklaw ng Kasunduan at mga panuntunan na pinagtibay ng NGC-EDP Project Management Office (PMO).
Seksyon 4. Na tanging mga tunay at kwalipikadong residente, hindi nagmamay-ari o kasamang nagmamay-ari sa anumang lupa hindi lamang sa loob ng Metro Manila kundi sa alinmang panig ng Pilipinas kabilang na ang mga lupaing inilaan sa anumang programang pabahay ng pamahalaan, ang magkakaroon ng pagkakataon na makakuha at magmay-ari ng lupa/bahay sa NGC-EDP.
Seksyon 5. Na pagkakaloohan ang bawa't kwalipikadong sambahayan ng isang lote na may sukat na minimum 35 sq. m at maximum na 60 sq. m. lamang.
Seksyon 6. Na ang malawakang plano ng pagpapaunlad para sa NGC-EDP na pinagtibay ng mga tagapakinabang at ng mga kalahok na ahensiya ng pamahalaan ang ipatutupad ng Tagapangasiwa na bibigyang diin ang tuwirang pagsasaayos ng pook. HEITAD
Seksyon 7. Na magbabalangkas ang HUDCC ng mga patakaran at pamamaraan ng pagtukoy ng mga tagapakinabang mula sa hanay ng mga kawani na gubyerno (government personnel).
Seksyon 8. Na medium-rise building (MRB) na tipo ng pabahay ang igagawad sa mga tagapakinabang mula sa hanay ng mga kawani na gubyerno na kung saan ang lugar ay itatakda ng pinagtibay na NGC-Eastside Master Development Plan.
Seksyon 9. Na maglalaan ang EDC ng mga pamamaraan para sa pagpapairal ng mga angkop na parusa sa mga paglabag sa anumang nabanggit na patakaran sa loob ng saklaw ng mga umiiral na batas.
Artikulo VI
Pagpili ng mga Tagapakinabang
Seksyon 1. Ang census o ginawang pagtatak noong 1994 at Occupancy Verification na isinagawa mula Setyembre hanggang Nobyembre 2000 ang magiging pangunahing batayan sa pagtatakda ng maaaring gawaran na mga tagapakinabang ng proyekto, maging sila man ay may-ari ng istruktura/bahay, kabahagi/katiwala o umuupa. Gayunman, hindi garantiya ang pagbibigay ng tandang numero para mapaglaanan ng lupa.
Seksyon 2. Batayan sa kwalipikasyon ng lahat na potensyal na tagapakinabang ng programa ang sumusunod bilang dagdag sa nabanggit sa Seksyon 1, Art. VI ng kodigong ito:
a. Yaong patuloy na naninirahan sa pook na saklaw ng NGC-EDP at hindi lumisan o lumabas sa pook na ito magmula noong 1994 o taon ng panimulang paninirahan hanggang sa kasalukuyan:
b. Yaong hindi nagmamay-ari ng anumang lupa sa lungsod o lalawigan;
k. Yaong hindi benepisaryo ng anumang proyektong pabahay ng pamahalaan;
d. Yaong hindi propesyonal na iskuwater o kasapi ng sindikato ng iskwating tulad ng tinutukoy sa R.A. 7279; at
e. Mamamayang Pilipino batay sa kapanganakan o sa paraan ng Naturalisasyon.
Seksyon 3. Yaong pumasa sa validation na isasagawa ng NGC-EDP PMO batay sa sumusunod na proseso:
a. Pre-validation ng HOA
b. Validation ng PMO base sa probisyon ng Kodigo ng mga Patakaran.
Kung sa proseso ng pagba-validate ay may matukoy na problema sa mga dokumentong isinumete ng potensyal na benepisyaryo, ang naturang aplikasyon para maging tagapakinabang ng proyekto ay ipapailalim sa pagsusuri ng Arbitration, Reconciliation and Awards Committee (ARAC).
k. Ang mga pangalan ng mga natukoy na tagapakinabang ay iaanunsyo sa pamamagitan ng pagpapaskil ng mga listahan ng natukoy na tagapakinabang sa mga istratehikong lugar sa erya. Bibigyan ng sipi ng naturang listahan ang mga pederasyong kanilang kinabibilangan at mga miyembro ng EDC. Binibigyan ng tatlumpong (30) araw simula sa pagkakalathala/anunsyo ng mga natukoy na tagapakinabang na iapila ang naturang kwalipikasyon.
d. Pagbibigay ng Beneficiary Qualification Stub (BQS) o anumang katunayan na pagiging kwalipikadong benepisyaryo sa proyekto.
Seksyon 4. Bibigyan ng pagkakataon ang mga sambahayan na hindi na-census noong 1994 at/o hindi nasakop ng isinagawang 2000 Occupancy Verification na mapabilang sa tagapakinabang ng proyekto sa pamamagitan ng Census Inclusion na isasagawa ng ARAC.
Artikulo VII
Prayuritisasyon sa Pagpili ng Tagapakinabang at Pagkakaloob
Seksyon 1. Magiging batayan ang sumusunod na pamantayan sa pagtatakda sa usapin ng prayuritisasyon ng mga kwalipikadong tagapakinabang kaugnay sa pagkakaloob ng lote, bahay, at iba pang pagpapaunlad sa loob ng pook ng NGC-EDP:
| 1st Priority | - | Nagmamay-ari ng istruktura na na-census noon 1994 at nasakop ng isinagawang 2000 Occupancy Verification |
| 2nd Priority | - | Nagmamay-ari ng istruktura na nasakop ng isinagawang 2000 Occupancy Verification |
| - | Nagmamay-ari ng istruktura na nakatira mula 1994 hanggang 2000 na sumailalim sa Census Inclusion na isinagawa ng ARAC | |
| 3rd Priority | - | Nakikisukob (Sharer), Umuupa (Renter) at katiwala ng may-ari (Caretaker) na na-census noon 1994 at nasakop ng isinagawang 2000 Occupancy Verification |
| 4th Priority | - | Sharer, Renter at Caretaker na nasakop ng isinagawang 2000 Occupancy Verification |
| - | Sharer, Renter at Caretaker na nakatira mula 1994 hanggang 2000, na sumailalim sa Census Inclusion na isinagawa ng ARAC |
Artikulo VIII
Paraan sa Pagpapatupad ng Proyekto
Seksyon 1. Magbubuo ang NGC-EDP ng Pangkalahatang Plano sa Pagpapaunlad (Master Development Plan) sa NGC-Eastside na siyang pagbabatayan ng mga Community Development Plans (CDP) ng bawat Homeowners' Associations (HOA). Ang naturang NGC-Eastside Master Development Plan ay dapat pagtibayin ng EDC.
Seksyon 2. Ang pagbubuo ng CDP ay isasagawa lamang ng mga HOA kung sila ay may mga kwalipikadong miyembro na. Ang nabuong CDP ay dapat naaayon sa NGC-Eastside Master Development Plan. Ito ay magiging pinal lamang at ii-endorso ng PMO sa DENR-LMS kung ito ay sinang-ayunan ng pangkalahatang kasapian ng HOA.
Seksyon 3. Ang pamamahagi o disposisyon ng mga "generated lots" sa mga nabuong CDP ng mga HOA ay pamamahalaan ng PMO. Ibabatay ang pamamahagi nito sa prinsipyong "proximity" sa kasalukuyang kinatitirikan ng bahay ng kwalipikadong tagapakinabang. Ang desisyon ng PMO ay maaaring iapila sa LTTT o ARAC.
Seksyon 4. Kung sa pagpapatupad ng proyekto ay may matitira pang lote na maaaring igawad sa mga tagapakinabang na nabibilang sa 3rd at 4th priorities, ang sukat ng lote na maigagawad sa kanila ay 35 sq. meters lamang. Kung hindi sasapat ang mga "generated lots", ang pagkakaloob ay ibabatay sa tagal ng paninirahanan sa NGC-Eastside.
Seksyon 5. Sa mga kaso ng pagmamay-ari ng higit sa isang istruktura (Multiple Structure Owner o MSO) sa loob ng NGC — Eastside bibigyan ng NGC-EDP ng pagkakataon ang mga may-ari na maipagbili ang kanilang mga istruktura sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng proyekto kung ang naturang istruktura/mga istruktura ay hindi tatamaan ng anumang proyektong pangkaunlaran sa lugar batay sa pinal at pinagtibay na Master Development Plan at CDP. Pangunahing bibigyan ng karapatan na makabili ang mga kwalipikadong benepisyaryo kasalukuyang umuukopa o tumitira sa naturang istruktura.
Kinakailangan na ang naturang istruktura/mga istruktura ay naipalista sa PMO at napabilang sa talaan ng mga istrukturang maaaring ipagbili. Ipababatid sa Tagapangasiwa ng NGC-EDP ng mga may-ari ng mga istruktura ang kanilang pagnanais na mapabilang sa mga talaan ng mga istrukturang maaaring ipagbili tatlumpung araw (30 days) mula nang maglabas ng sulat-kautusan o Pabatid kaugnay sa disposisyon ng MSO ang PMO. Ang pinal na listahan ng mga istrukturang maaaring ipagbili sa mga kwalipikadong tagapakinabang ay pagtitibayin ng EDC.
Artikulo IX
Ang National Government Center Eastside Development Committee (NGC-EDP)
Seksyon 1. Batay sa bisa ng Memorandum Order No. 471, s. 1998 at inamyendahan ng Memorandum Orders No. 76, s. 1999 at No. 09, s. 2001, ang NGC-EDP ang siyang mamumuno at pangunahing magtitiyak sa pagpapatupad ng NGC Eastside Development Project.
Seksyon 2. Ang pagtatakda ng mga polisiya at patakaran sa pagpapatupad ng NGC-EDP, at pagsasagawa ng mga pinal na disisyon kaugnay ng mga kaso at usapin na may kinalaman sa pagpapatupad ng proyekto ang mga pangunahing kapangyarihan at tungkulin ng EDC.
Seksyon 3. Batay sa Memorandum Order No. 9, ang EDC ay binubuo ng mga sumusunod:
| Chairman | - | Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) |
| Vice-Chairman | - | National Anti-Poverty Commission (NAPC) |
| Members | - | Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) |
| - | Quezon City Local Government Heads, concerned People's Organizations (POs) at Non-Governmental Organizations (NGOs) |
Artikulo X
Lupon Tagapamagitan, Tagapagkasundo, at Tagapagkaloob (LTTT o ARAC)
Seksyon 1. Ang Lupon Tagapamagitan, Tagapagkasundo at Tagapagkaloob (LTTT) o Arbitration, Reconciliation and Awards Committee (ARAC) ang siyang may kapangyarihang pakinggan at pagpasyahan ang mga kaso kabilang ang sumusunod:
a. Petisyon/Kahilingan para mapasama/masaklaw sa 1994 census at/o 2000 Occupancy Verification (Census Inclusion);
b. Petisyon para sa diskwalipikasyon ng tagapakinabang sanhi ng paglabag dito sa Kodigo ng mga Patakaran, iba pang patakaran na pinagtibay ng EDC at/o anumang umiiral na batas o makatwirang utos ng Tagapangasiwa ng Proyekto;
k. Apela mula sa pasya ng Tagapamahala hinggil sa mga usapin sa pagpili ng tagapakinabang at kwalipikasyon;
d. Mga pagtatalo at alitan sa mga usapin ng Pagpili ng mga Tagapakinabang at Pagkakaloob alinsunod sa mga Alituntunin at Pamantayan hinggil sa Prayuritisasyon ng Kwalipikadong Tagapakinabang sa ilalim ng Kodigong ito;
e. Pagtatalo hinggil sa paglalaan ng mga lote/bahay at sa pagkakaloob; at,
g. Pagpapasya sa pagbebenta nang higit sa isang istruktura.
Seksyon 2. Ang LTTT o ARAC ay binubuo ng mga sumusunod:
| Chairman | - | Housing and Urban Development Council | |
| Mga Kasapi | - | Kinatawan ng Pamahalaan | |
| • | Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) | ||
| • | National Housing Authority (NHA) | ||
| • | Quezon City Local Government Unit (QC LGU) | ||
| Kinatawan ng Samahang Pampamayanan | |||
| • | Konpederasyon ng mga Samahan sa NGC-Eastside (KOSA) | ||
| • | Samahang Nagkakaisa sa Palupa (SANAPA) | ||
| • | Sama-sama |
Upang matiyak ang tuluy-tuloy na daloy (continuity) ng pagpupulong ng LTTT or ARAC, magtutukoy ang bawat kasapi nito ng opisyal na permanente at kahaliling kinatawan.
Ang Project Management Office ang siyang tatayo bilang o magsisilbing Secretariat ng LTTT o ARAC.
Seksyon 3. Sa bawat deliberasyon o pagpupulong ng LTTT o ARAC, ang presidente o mga presidente ng HOA o mga HOAng pinag-uusapan ay dapat anyayahan upang magbigay-linaw sa mga puntong pinag-uusapan o kailangang pagdesisyunan.
Seksyon 4. Anumang pasya ng LTTT o ARAC ay mungkahi lamang at kailangang pagtibayin ng EDC. Kapag pinagtibay na ng EDC, ito ay magiging pinal at ipatutupad sa lahat ng kinauukulang partido maliban kung ito ay inapela sa loob ng tatlumpong (30) araw matapos matanggap ang sulat pasya sa kinauukulang ahensya o tanggapan ng gubyerno.
Seksyon 5. Na ang Panloob na Alituntunin at Pamamaraan ng LTTT o ARAC ay babalangkasin ng mga kasapi nito at ihahain sa EDC para pagtibayin.
Artikulo XI
Diskwalipikasyon
Magiging batayan ang mga sumusunod para sa diskwalipikasyon sa karapatan ng pagiging tagapakinabang ng NGC-EDP nang walang balakid sa pagsasampa ng Lupon ng angkop na aksyong legal.
Seksyon 1. Ang naitalang sambahayan na iniwanan ang pook ng proyekto sa loob ng anim (6) na sunod-sunod na buwan nang walang sulat-pabatid sa Tagapangasiwa maliban sa mga dahilang force majeure o anumang di-sinasadyang pagkakataon.
Seksyon 2. Patuloy na pagmamay-ari ng higit sa isang istruktura sa loob ng tatlumpung (30) araw matapos matanggap ang babalang ipinadala ng Tagapangasiwa.
Seksyon 3. Pagbebenta, pagpapagamit, o pagbabago (tampering) at pagpapalawak ng sakop ng anumang Tatak na Bilang ng NGC sa ibang sambahayan o mga sambahayan.
Seksyon 4. Paggamit ng huwad at/o di kanya o pag-aaring dokumento upang mapabilang sa mga tagapakinabang ng proyekto.
Seksyon 5. Ang puwersahan o sapilitang pagpapatalsik at walang prosesong isinagawa ng may-ari ng bahay sa isang naitalang sambahayan sa Occupancy Verification sa taong 2000 kasama dito ang mga kwalipikadong umuupa (renter) at kasukob (sharer) na tagapakinabang, maliban kung mayroong kasulatan ng kasunduan sa pagitan ng may-ari at umuupa/kasukob.
Seksyon 6. Tumanggap ng tulong pabahay sa pamahalaan o pribadong organisasyon.
Seksyon 7. Pawawalan ng karapatan ang gumagamit ng tau-tauhan para sa layuning makakuha ng mga karapatan sa lupa o bahay sa ilalim ng NGC-EDP, kasama ang tau-tauhang ginamit at mga kasabwat.
Seksyon 8. Ang naitalang sambahayan na gagawa ng di-awtorisadong pagbabago, konstruksyon, paglilipat o pagdaragdag sa istruktura o bahay, maging yaon mang istruktura o bahay ay lubhang maapektuhan o hindi ng pagsasakatuparan ng planong pagpapaunlad para sa pook NGC sa kabila ng utos na paghinto o pagtigil.
Seksyon 9. Ang sambahayan na nagtayo ng istruktura o bahay matapos ang 2000 Occupancy Verification.
Seksyon 10. Yaong pagkatapos ng karampatang pagdinig, napatunayang sadyang nagkasala, may malisyosong hangarin, at lantarang lumalabag sa anumang makatarungang utos, pasya o patakaran ng Lupon ng Tagapangasiwa.
Seksyon 11. Ang sambahayang nagsanla o nagbenta, nagpaupa, o sa iba pang paraan ipinamahagi ang kanyang lupa, mga istruktura o bahagi nito o karapatan dito, sa sinuman maliban kung pinahintulutan ng Tagapangsiwa. Gayundin, ang bibili, ang mga napatunayang kasangkot at yaong pumapayag na maging saksi o testigo ay madidiskwalipika sa pagiging tagapakinabang ng Proyekto. Ito ang ibabatay sa mga prosesong isinagawa na at gagawin pa.
Seksyon 12. Yaong napatunayang kasapi ng mga propesyonal na iskuwater at sindikato sa iskuwating alinsunod sa itinatadhana ng R.A. 7279, Art. 1, sek. 3 (m).
Seksyon 13. Yaong mga palasuway o nananadya na tumututol o hadlangan ang mga inayos na lote, maluwag na mga espasyo, at iba pang isinaalang-alang na plano ng Proyekto alinsunod sa pinal at pinagtibay na Community Development Plan (CDP) ng HOA na di tumataliwas sa pinal at pinagtibay na Pangkalahatang Plano sa Pagpapaunlad ng NGC-Eastside (NGC-Eastside Master Development Plan). ATICcS
Artikulo XII
Pagbabaklas ng mga Istruktura
Seksyon 1. Isasagawa ang mga pagbabaklas ng mga istruktura bilang bahagi ng pamamaraan at para sa kapakanan ng publiko at alinsunod sa Kodigo ng mga Patakaran at Alituntunin sa Pagpapaunlad ng NGC-EDP ayon sa mga sumusunod na halimbawa, kabilang:
a. Anumang istrukturang itinayo matapos ang 2000 Occupancy Verification;
b. Anumang istruktura na ibinenta sa hindi kwalipikadong benepisyaryo at walang pahintulot ng NGC-EDP;
c. Anumang istrukturang nakatakda para sa relokasyon mula sa opisyal na planong pagpapaunlad para sa pook NGC at NGC-Eastside Master Development Plan; at,
k. Anumang istrukturang isinaayos, binago, inilipat o itinayo sa kabila ng utos paghinto o pagtigil/demolisyon.
Seksyon 2. Tatalima ang pamamaraan ng pagbaklas sa mga Patakaran at Alituntunin ng Pagpapatupad ng R.A. 7279. Subalit, ang boluntaryong pagbabaklas ang magiging pangunahing pamamaraan ng NGC-EDP sa pagbabaklas ng mga istruktura.
Artikulo XIII
Patakaran at Alituntunin ng Pagpapatupad
Sa pagpapatupad nitong Kodigo ng mga Pakataran, pinahihintulutan ang Tagapangasiwa ng Proyekto na maglabas ng mga alituntunin, kautusan, at patakaran ng pagpapatupad alinsunod sa Kodigong ito.
Artikulo XII n
Sugnay ng Pagpapawalambisa
Lahat ng umiiral na patakaran, kautusan, reglamento o mga bahagi nito na salungat sa Kodigong ito ay pinawawalambisa o binabago nang ayon sa nararapat.
Artikulo XIII
Bisa
Ang Kodigo ng mga Patakaran na ito ay magkakabisa labinlimang (15) araw matapos itong mapagtibay.
Pahayag ng Pagsang-Ayon
Ang panukalang balangkas na ito ay pinagkasunduan at sinang-ayunan ng mga bumubuo ng EDC na kumakatawan sa kapakanan ng mga tagapakinabang sa Proyekto ng Pagpapaunlad sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa, Lungsod Quezon noong ika-04 ng Setyembre 2002 sa bisa ng EDC Resolution No. 3, s. 2002. ETHIDa
(SGD.) SEC. MICHAEL T. DEFENSOR
n Note from the Publisher: Copied verbatim from the official copy.
Cite This Law
A Resolution Approving and Adopting the Amended "Kodigo ng mga Patakaran sa Pagpapatupad ng Proyekto sa Pagpapaunlad sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa", HUDCC Resolution No. 003-02, Sep 4, 2002 (Philippines)
A Resolution Approving and Adopting the Amended "Kodigo ng mga Patakaran sa Pagpapatupad ng Proyekto sa Pagpapaunlad sa Silangang Bahagi ng Sentro ng Pamahalaang Pambansa", HUDCC Resolution No. 003-02 (Phil. 2002)
Related Laws
- Resolution Approving and Adopting the Policy on Job Order and Contract of ServiceGPPB Resolution No. 09-12 • Apr 27, 2012 • Other Rules and Procedures
- Approving and Adopting the 2017 Rules on Merger ProcedurePCC Resolution No. 026-17 • Nov 9, 2017 • Other Rules and Procedures
- Approving and Adopting the Local Government Procurement Manual (LGPM)GPPB Resolution No. 10-14 • May 23, 2014 • Other Rules and Procedures
- Resolution Approving and Adopting Bid Securing Declaration as an Additional Form of Bid SecurityGPPB Resolution No. 03-12 • Jan 27, 2012 • Other Rules and Procedures
- Resolution Approving and Adopting the Revisions on Section 5 to Section 14 of the Amended IRR of the Water Code of the PhilippinesNWRB Resolution No. 09-0916 • Sep 21, 2016 • Other Rules and Procedures
- Approving and Adopting the Guidelines for Extension of Contracts for General ServicesGPPB Resolution No. 08-05 • Apr 28, 2005 • Other Rules and Procedures
Browse More Other Rules and Procedures
Explore other laws in the Other Rules and Procedures category.
View All Other Rules and ProceduresNeed Help Understanding This Law?
Ask our AI assistant to explain provisions, implications, or related laws.
Ask AI About This Law