Mga Patakaran, Pamantayan, at Panuntunan Para sa Batsilyer ng Sining sa Filipino

CHED Memorandum Kautusan Blg. 022-17Other Rules and Procedures

The CHED Memorandum Order No. 022-17 establishes policies, standards, and guidelines for the Bachelor of Arts in Filipino, in accordance with Republic Act No. 7722, known as the Higher Education Act of 1994. It emphasizes the importance of outcomes-based education, allowing higher education institutions (HEIs) to design curricula tailored to their specific contexts while ensuring they meet minimum competency standards. The curriculum comprises 131 units and includes foundational courses, discipline-specific courses, regional languages, and a thesis component. Institutions must seek government approval before implementing such programs, adhering to guidelines that promote quality education and academic freedom. The memorandum mandates compliance within three years for existing programs and details specific roles for faculty and resource requirements to support effective teaching and learning.

May 9, 2017

CHED MEMORANDUM KAUTUSAN BLG. 022-17

PAKSA  :  Mga Patakaran, Pamantayan, at Panuntunan Para sa Batsilyer ng Sining sa Filipino

 

Alinsunod sa mga angkop na probisyon ng Batas Republika Blg. 7722, na kilala sa taguring "Batas sa Lalong Mataas na Edukasyon ng 1994," na nagsasakatuparan ng sistemang gumagarantiya ng kalidad batay sa inaasahan at itinataguyod sa bisa ng CHED Memorandum Kautusan Blg. 46 serye 2012, at sa bisa ng kapasiyahan ng Komisyon en banc Blg. 231-2017, na may petsang Marso 28, 2017, ang sumusunod na patakaran, pamantayan, at panuntunan (PPP) ay pinagtitibay at inihahayag ng Komisyon. HTcADC

ARTIKULO I

Introduksiyon

SEKSIYON 1. Rasyonal. — Batay sa Patnubay sa Implementasyon ng CMK Blg. 46 serye 2012, ang PPP na ito ay nagsasakatuparan ng "pagbabago tungo sa pagkatuto ayon sa pamantayang pangkakayahan at/o minithing kalalabasan ng pagkatuto." Tinitiyak nito ang mga pangunahing kasanayang inaasahan sa Batsilyer ng Sining sa Filipino anuman ang uri ng MEI na pinagtapusan ng mga mag-aaral. Bilang pagkilala sa minimithing kalalabasan ng pagkatuto at sa uri ng mga MEI, ang PPP na ito ay nagbibigay ng "sapat na kaluwagan sa MEI na isaayos ang kanilang kurikulum alinsunod sa pagtataya kung paanong higit na mabisang matatamo ang mga minimithing kalalabasan ng pagkatuto sa kanilang partikular na konteksto at misyon ng institusyon. . . "

ARTIKULO II

Awtoridad na Magpatupad ng Programa

SEKSIYON 2. Pagkilala ng Gobyerno. — Lahat ng pribadong lalong mataas na edukasyong institusyon na nagbabalak na maghain ng Batsilyer ng Sining sa Filipino ay dapat munang humingi ng kaukulang awtoridad mula sa Komisyon, alinsunod sa naturang PPP. Lahat ng MEI na mayroon nang programang Batsilyer ng Sining sa Filipino ay inaatasang magtuon sa pagbabago tungo sa pagkatuto ayon sa pamantayang pangkakayahan at/o minithing produkto ng pagkatuto sa nasabing mga PPP, at dapat humingi ng pahintulot para sa gayong pagbabago. Ang mga Estadong Unibersidad at Kolehiyo (EUK) at lokal na kolehiyo at unibersidad ay dapat na mahigpit na sumunod sa mga probisyon ng naturang patakaran at pamantayan.

ARTIKULO III

Pangkalahatang Probisyon

Batay sa Seksiyon 13 ng Batas Republika 7722, ang mataas na edukasyong institusyon ay may kalayaang akademiko sa mga inhahain nitong kurikulum subalit kinakailangang tumutupad ito sa minimum na kahingian para sa mga espesipikong programang akademiko, mga kahingian ng batayang edukasyon at ng mga espesipikong kursong propesyonal. CAIHTE

SEKSIYON 3. Ang sumusunod na mga artikulo ay nagsasaad ng mga minimum na pamantayan at iba pang kinakailangan at mga tagubilin. Ang minimum na mga pamantayan ay nangangahulugang minimum na set na ninanais na kalalabasan ng programa na nakasaad sa Artikulo IV, Seksiyon 7.

Nagdisenyo ang CHED ng isang kurikulum upang matamo ang minimithing programa. Ang kurikulum na ito ay makikita sa Artikulo 5 Seksiyon 8 bilang halimbawang kurikulum. Ang bilang ng mga yunit ng kurikulum na ito ay itinakda bilang "minimum na kailangang yunit" sa ilalim ng Seksiyon 13 ng RA 7722. Sa pagdisenyo ng kurikulum, gumamit ang CHED ng isang mapang pangkurikulum na makikita sa Artikulo V, Seksiyon 9 bilang halimbawa.

Sa paggamit ng lapit na nakasentro sa mag-aaral/batay sa minimithing produkto, tinukoy din ng CHED ang mga angkop na pamamaraan ng pagsasakatuparan ng kurikulum na nasa Artikulo V, Seksiyon 10. Ang mga halimbawang silabus na nasa Artikulo V, Seksiyon 11 ay nagpapakita ng pamamaraang ito.

Batay sa kurikulum at mga paraan ng pagsasakatuparan nito, tinukoy ng CHED ang mga kailangang resorses para sa aklatan, laboratoryo, at iba pang pasilidad at mga kahingiang pantao para sa pamamahala at pagtuturo.

SEKSIYON 4. Ang mga MEI ay pinahihintulutang magdisenyo ng mga kurikulum na naaangkop sa kanilang mga sariling konteksto at misyon sa pasubaling maipamamalas nila ito upang matamo ang kinakailangang minimum na set ng minimithing produkto kahit pa man gumamit ng ibang pamamaraan. Gayundin may kalayaan sila sa pagpapatupad ng kanilang kurikulum batay sa ispesipikasyon sa pagtatalaga ng tao at mga pisikal na kailangan hangga't naipapakita nila na ang pagtatamo ng mga minimithing produkto ng programa at layuning pang-edukasyon ng programa ay tinitiyak ng iminumungkahing alternatibong pamamaraan.

Magagamit ng MEI ang CHEDImplementation Handbook for Outcomes-Based Education (OBE) and the Institutional Sustainability Assessment (ISA) bilang gabay sa pagtupad ng mga Seksiyon 17 hanggang 22 ng Artikulo VII.

ARTIKULO IV

Mga Detalye ng Program

SEKSIYON 5. Deskripsiyon ng Programa. —

5.1. Pangalan ng Digri

Ang programang ito ay tatawaging Batsilyer ng Sining sa Filipino.

5.2. Kalikasan ng Disiplina ng Pag-aaral

Sumasabay ang Filipino sa mga pagbabagong nagaganap sa daigdig at natural lamang na mapag-aralan ito nang lampas sa dating hanggahang itinakda sa pagtuturo nito. Ang pag-aaral ng Filipino ay maiuugnay sa iba pang disiplina, nang sa gayon ay magamit ang Filipino hindi lamang sa mga nakagawiang saklaw nito. Tinutugon ng programang AB Filipino ang itinatadhana ng Konstitusyong 1987 ukol sa wika, at inihahanda ang mga estudyante para sa mga trabaho at serbisyo na pawang kailangan ng mga Pilipino sa hinaharap. aScITE

Ang mga kurso sa programang ito ay lilinang sa kahusayan ng mga mag-aaral sa komunikasyon, malawak na kaalaman sa teorya at praktika ng wika, malikhaing pag-iisip, at mapanuring pananaliksik. Maihahanda ang mga mag-aaral sa mga sumusunod na trabaho: mananaliksik, mamamahayag, guro, kritiko, manunulat, tagasalin, editor, tagapamahala, entrepreneur, at iba pa.

5.3. Mga Layunin ng Programa

Kabilang ngunit hindi limitado sa mga layunin ng programa ang sumusunod:

5.3.1. Malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa wikang Filipino na magagamit nila sa iba't ibang konteksto at mga pangunahing dominyo;

5.3.2. Mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa interdisiplinaryong pananaw sa pag-aaral ng Filipino;

5.3.3. Malinang ang malikhain at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral na magagamit sa kanilang propesyon at pakikipag-ugnayan sa komunidad, lokal man, nasyonal o internasyonal at;

5.3.4. Makapagsagawa ng mapanuring pananaliksik na makapagpapaunlad sa disiplinang Filipino;

5.3.5 Makapagbukas ng oportunidad para sa praktikal na aplikasyon ng mga kasanayan at kaalamang natamo.

5.4. Mga Tiyak na Trabaho ng mga magtatapos

Inaasahan na ang mga magtatapos ng Batsilyer ng Sining sa Filipino ay maaaring maging mananaliksik, mamamahayag, guro, kritiko, manunulat, tagasalin, editor, tagapamahala, entrepreneur, at iba pa.

5.5. Mga Kaugnay na Disiplina

Agham Panlipunan

Lingguwistika, Pamamahayag, Araling Pangmidya, Edukasyon, Sikolohiya, Antropolohiya, Sosyolohiya, Kasaysayan, Agham Pampolitika

Humanidades

Pilosopiya, Malikhaing Pagsulat, Sining Pagtatanghal, Araling Pangwika, Araling Pampanitikan, Araling Kultural, Komunikasyon, Pagsasalin HEITAD

SEKSIYON 6. Mga Resulta ng Programa. —

Ang minimum na pamantayan para sa Batsilyer ng Sining sa Filipino ay ang sumusunod:

6.1. Katangiang taglay ng lahat ng programa sa anumang uri ng paaralan.

Ang mga gradweyt ay dapat magtaglay ng sumusunod na kakayahan:

6.1.1. Nakatatalakay ng mga bagong idea at kalakaran sa larangan ng pagsasanay (PQF Antas 6 deskriptor);

6.1.2. Nakapagpapahayag nang mabisa sa Filipino sa anyong pasalita at pasulat:

6.1.3. Nakapagtatrabaho nang mag-isa sa mga pangkat na multi-disiplinaryo at multi-kultural; Nakaaangkop sa mga gawaing multidisiplinal at multikultural na mga pangkat;

6.1.4. Nakakikilos nang may pagkilala sa mga pananagutang propesyonal, istoriko, at etiko;

6.1.5. Naitataguyod at naipalalaganap ang yamang historikal at kultural ng bansa.

6.2. Karaniwang katangiang taglay ng disiplina. Katangiang taglay sa pangkalahatan ng disiplina. Ang mga gradweyt ng programa ay dapat na:

6.2.1. Nakatutukoy at nakapagpapamalas ng pangangailangan kakayahan sa panghabambuhay na pagkatuto

6.2.2. Nakatutukoy ng iba-ibang perspektibo at mga ugnayan ng mga teksto at konteksto

6.2.3. Nakagagamit ng analitikal at kritikal na mga kasanayan sa pag-aaral ng teksto

6.2.4. Nakatatalakay at/o nakalilikha ng iba't ibang malikhaing anyo at uri;

6.2.5. Nakapagpapamalas ng mga kasanayan sa pananaliksik na nakatuon sa mga disiplina sa ilalim ng humanidades;

6.2.6. Nakagagamit ng mga angkop na teorya at metodolohiya sa paraang mapanuri at malikhain;

6.2.7. Nakapagsusuri ng papel ng humanistikong edukasyon sa paghubog ng tao at lipunan.

6.3. Katangiang taglay ng isang tiyak na sub-disiplina at medyor.

Ang nakapagtapos sa program ay dapat na:

6.3.1. Nakatutukoy at nakapagpapakita ng pangangailangan sa kakayahan sa panghabambuhay na pagkatuto;

6.3.2. Nakatutukoy ng iba-ibang perspektibo at mga ugnayan ng mga teksto at konteksto; aDSIHc

6.3.3. Nagagamit nang angkop ang Filipino para sa mga tiyak na larang gaya ng negosyo, kalakalan, disenyo ng produkto at anunsiyo;

6.3.4. Nakagagamit ng analitikal at kritikal na mga kasanayan sa pag-aaral ng mga teksto;

6.3.5. Nakapagpapayo sa mga ahensiya o institusyon kung paanong epektibong magagamit ang Filipino para sa talastasan, kampanya, networking, at iba pa;

6.3.6. Nakapagsusulat at nakapag-eedit pang malinaw, masinop, at malawak sa Filipino, bukod sa naihahayag ang iniisip o nadarama sa malikhaing paraan;

6.3.7 Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik na nakatuon sa mga disiplina sa ilalim ng humanidades;

6.3.8. Nakagagamit ng angkop na mga teorya at metodolohiya sa paraang mapanuri at malikhain;

6.3.9. Nakapagsusuri ng papel ng humanistikong edukasyon sa paghubog ng tao at lipunan.

6.4. Karaniwang katangiang taglay sa pahalang na uri, gaya ng ipinakahulugan sa CMK Blg. 46, serye 2012.

6.4.1 Ang mga gradweyt ng propesyonal na institusyon ay nakapagpapamalas ng pagkiling sa serbisyo sa isang propesyon;

6.4.2. Ang mga gradweyt ng kolehiyo ay nakalalahok sa mga samot-saring trabaho, gawaing pagpapaunlad, at publikong diskurso, lalo bilang tugon sa mga pangangailangan ng mga pamayanang pinagsisilbihan;

6.4.3. Ang mga gradweyt sa kolehiyo ay nakikilahok sa paglikha ng bagong karunungan o sa mga proyektong pampananaliksik at pagpapaunlad.

SEKSIYON 7. Mga Halimbawang Panukat sa mga Gawain. —

Ang mga nagtapos sa programang ito ay inaasahang matatamo ang sapat at angkop na mga kaalaman at kasanayan na magagamit sa personal at propesyonal na buhay at maibabahagi sa kanyang komunidad at bansa. Kaugnay nito sila ay inaasahang: ATICcS

Minimithing Resulta

Halimbawang Panukat sa Gawain

a) Nakatutukoy at nakapagpapakita ng pangangailangan sa kakayahan sa panghabambuhay na pagkatuto.

• Natutukoy ang mga kasanayang lumilinang at naghahanda sa panghabangbuhay na pagkatuto.

b) Nakatutukoy ng iba-ibang perspektibo at mga ugnayan ng mga teksto at konteksto.

• Nailulugar ang iba-ibang perspektiba at napag-uugnay ang mga teksto at konteksto.

c) Nagagamit nang angkop ang Filipino para sa mga tiyak na larang gaya ng negosyo, kalakalan, disenyo ng produkto at anunsiyo.

• Naiaangkop ang Filipino sa mga tiyak na larang gaya ng negosyo, kalakalan, disenyo ng produkto at anunsiyo.

d) Nakagagamit ng analitikal at kritikal na mga kasanayan sa pag-aaral ng mga teksto.

• Nagagamit ang analitikal at kritikal na mga kasanayan sa lalong malalim na pagsusuri ng mga teksto.

e) Nakapagpapayo sa mga ahensiya o institusyon kung paanong epektibong magagamit ang Filipino para sa talastasan, kampanya, networking, at iba pa.

• Naisasagawa ang minimithing kalalabasan ng programa bilang indibidwal o kabilang sa pangkat.

f) Nakapagsusulat at nakapag-eedit nang malinaw, masinop, at malawak sa Filipino, bukod sa naihahayag ang iniisip o nadarama sa malikhaing paraan.

• Nakapagsusulat at nakapag-eedit nang malinaw at masinop ng mga tekstong Filipino at nakapagpapahayag nang malikhain ng iniisip o nadarama.

g) Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik na nakatuon sa mga disiplina sa ilalim ng humanidades

• Nakabubuo ng pananaliksik sa mga disiplina sa ilalim ng humanidades

h) Nakagagamit ng angkop na mga teorya at metodolohiya sa paraang mapanuri at malikhain.

• Nagagamit ang angkop na mga teorya at metodolohiya sa paraang mapanuri at malikhain sa mga gawaing pampananaliksik

i) Nakapagsusuri ng papel ng humanistikong edukasyon sa paghubog ng tao at lipunan.

• Naisasakatuparan ang minimithing kalalabasan ng programa sa mga aktuwal na proyektong nakaugat sa humanistikong edukasyon.

ARTIKULO V

Kurikulum

SEKSIYON 8. Deskripsiyon ng Kurikulum. —

Ang Batsilyer ng Sining sa Filipino ay may kabuuang 131 yunit.

Binubuo ang kurikulum ng limang bahagi hindi kabilang ang P.E at NSTP at ito ay ang sumusunod: 1) Kurikulum ng Batayang Edukasyon (alinsunod sa CMK 20 s 2013); 2) Mga Batayang Kurso (12 yunit) 3) Mga Kurso sa Disiplina (42 yunit); 4) Mga Wikang Rehiyonal (6 yunit); 5) Mga Elektib (12 yunit); 6) Tesis (6 yunit).

Balangkas ng Kurikulum ETHIDa

Kurikulum ng Batayang Edukasyon

36

Mga Batayang Kurso

12

Mga Kurso sa Disiplina

42

Wikang Rehiyonal

6

Elektib

12

Praktikum

3

Tesis

6

PE/NSTP

14

 

 

Kabuuang bilang ng yunit

131

SEKSIYON 9. Halimbawang Kurikulum. —

9.1. Nilalaman Pangkalahatang Edukasyon, mga batayang kurso, mga kurso sa disiplina, elektib, at iba pa.

Kurikulum ng Batayang Edukasyon 36 yunit

Mga Batayang Kurso 12 yunit

1. Batayang Estruktura ng Wikang Filipino

2. Mga Teorya sa Pag-aaral ng Wika

3. Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino

4. Kasaysayan ng Wikang Pambansa mula sa Iba't ibang Perspektiba

Mga Kurso sa Disiplina 42 yunit

1. Historikal na Pag-unlad sa Pag-aaral ng Wikang Filipino

2. Wika, Lipunan at Kultura

3. Pagsasaling Teknikal

4. Pagsasaling Pangmidya

5. Pagsasaling Pampanitikan

6. Berbal at Di-Berbal na Komunikasyon sa Filipino

7. Kalakaran at Tunguhin sa Pag-aaral ng Wika

8. Mga Barayti at Baryasyon ng Wikang Filipino

9. Sintaks at Semantiks ng Wikang Filipino

10. Ponolohiya at Morpolohiya ng Wikang Filipino TIADCc

11. Kritikal na Pagbasa at Pagsulat sa Disiplina

12. Diskurso

13. Tawid-bansang Pag-aaral ng Filipino

14. Leksikograpiya

Mga Elektib

Alinman sa sumusunod na kaugnay na disiplina: 12 yunit

Agham Panlipunan

Lingguwistika, Pamamahayag, Araling Pangmidya, Edukasyon, Sikolohiya, Antropolohiya, Sosyolohiya, Kasaysayan, Agham Pampolitika

Humanidades

Pilosopiya, Malikhaing Pagsulat, Sining Pagtatanghal, Araling Pangwika, Araling Pampanitikan, Araling Kultural, Komunikasyon, Pagsasalin

Ang mga unibersidad at kolehiyong may espesyalisasyon sa ilang larang, gaya ng inhenyeriya, agham, paghahayupan, disenyo, at iba ay inaasahang iaangkop ang kani-kanilang asignatura para sa unti-unting akomodasyon ng Filipino.

Ang mga silabus para sa mga elektib ay maaaring ibigay ng kinauukulang departamento sa piniling disiplina.

Wikang Rehiyonal 6 yunit

Alin man sa sumusunod na mga pangunahing 19 na wikang rehiyonal maliban sa katutubong wika ng mag-aaral:

1. Bikol

2. Sebwano

3. Hiligaynon

4. Iloko

5. Kapampangan cSEDTC

6. Pangasinan

7. Waray

8. Mëranaw

9. Tausug

10. Magindanawon

11. Boholanon

12. Chabacano

13. Ibanag

14. Ivatan

15. Aklanon

16. Kinaray-a

17. Yakan

18. Surigawon

19. Tagalog

Kabilang ngunit hindi limitado sa mga wikang Asyano:

Mandarin, Hapon, Koreano, Bahasa Malaysia, Bahasa Indonesia, Thai, Vietnamese, Arabic at iba pa.

Praktikum

3 yunit

Tesis

6 yunit

PE at NSTP

14 yunit

 

Kabuuang bilang ng yunit

131 yunit

9.2. Halimbawang programa ng pag-aaral

Ang programa ng pag-aaral dito ay halimbawa lamang. Maaaring gamitin ng mga MEI ang halimbawang ito at baguhin alinsunod sa kanilang mga pangangailangan sa pasubaling natutugunan ang minimum na mga kailangan na gaya ng tiniyak sa Artikulo 5. Maaari rin silang magdagdag ng iba pang mga kurso na makapagpapayaman sa programa. AIDSTE

UNANG TAON

Mga Kurso

Bilang ng

Yunit

Lek.

Lab.

 

GE 1

3

0

3

GE 2

3

0

3

GE 3

3

0

3

GE 4

3

0

3

GE 5

3

0

3

Kasaysayan ng Wikang Pambansa mula sa Iba't ibang Perspektiba

3

0

3

PE 1

 

 

2

NSTP 1

 

 

3

Kabuuan

18

0

23

 

Ikalawang Semestre

Mga Kurso

Bilang ng

Yunit

Lek.

Lab.

GE 6

3

0

3

GE 7

3

0

3

GE Elektib 1

3

0

3

Buhay at mga Akda ni Rizal/Life and Works of Rizal

3

0

3

Historikal na Pag-unlad sa Pag-aaral ng Wikang Filipino

3

0

3

Wika, Lipunan, at Kultura

3

0

3

PE 2

 

 

2

NSTP 2

 

 

3

Kabuuan

18

0

23

 

IKALAWANG TAON

Mga Kurso

Bilang ng

Yunit

Lek.

Lab.

GE 8

3

0

3

Batayang Estruktura ng Filipino

3

0

3

Wikang Rehiyonal/Asyano 1

3

0

3

GE Elektib 2

3

0

3

GE Elektib 3

3

0

3

Berbal at Di-Berbal na Komunikasyon sa Filipino

3

0

3

PE 3

 

 

2

Kabuuan

18

0

20

 

Ikalawang Semestre

Mga Kurso

Bilang ng oras bawat Linggo

Yunit

Lek.

Lab.

Ponolohiya at Morpolohiya ng Wikang Filipino

3

0

3

Sintaks at Semantiks ng Wikang Filipino

3

0

3

Mga Teorya sa Pag-aaral ng Wika

3

0

3

Mga Barayti at Baryasyon ng Wikang Filipino

3

0

3

Kalakaran at Tunguhin sa Pag-aaral ng Wika

3

0

3

Wikang Rehiyonal/Asyano 2

3

0

3

PE 4

 

 

2

Kabuuan

18

0

20

 

IKATLONG TAON

Mga Kurso

Bilang ng

Yunit

Lek.

Lab.

Elektib 1

3

0

3

Pagsasaling Pampanitikan

3

0

3

Kritikal na Pagbasa at Pagsulat sa Disiplina

3

0

3

Leksikograpiya

3

0

3

Tawid-Bansang Pag-aaral ng Filipino

3

0

3

Kabuuan

15

0

15

 

Ikalawang Semestre

Mga Kurso

Bilang ng

Yunit

Lek.

Lab.

Elektib 2

3

0

3

Diskurso

3

0

3

Pagsasaling Teknikal

3

0

3

Pagsasaling Pangmidya

3

0

3

TOTAL

12

 

12

 

IKAAPAT NA TAON

Mga Kurso

Bilang ng oras bawat Linggo

Yunit

Lec.

Lab.

Elektib 3

3

0

3

Tesis 1

3

0

3

Metodo ng Pananaliksik sa Wikang Filipino

3

0

3

TOTAL

9

 

9

 

Ikalawang Semestre

Mga Kurso

Bilang ng

Yunit

Lec.

Lab.

Elektib 4

3

0

3

Tesis 2

3

0

3

Praktikum

3

0

3

TOTAL

9

 

9

Lagom:

 

Unang Taon

Unang Semestre

23

 

Ikalawang Semestre

23

Ikalawang Taon

Unang Semestre

20

 

Ikalawang Semestre

20

Ikatlong Taon

Unang Semestre

15

 

Ikalawang Semestre

12

Ikaapat na Taon

Unang Semestre

9

 

Ikalawang Semestre

9

 

 

 

Kabuuang bilang ng yunit

 

131

Tesis SDAaTC

Metodo at Pananaliksik

Pagsulat at pagdepensa ng panukalang tesis sa gabay ng tagapayo.

Tesis

Pagdepensa ng tesis sa mga piling panel.

SEKSIYON 10. Halimbawang Mapa ng Kurikulum (Tingnan ang Annex A). —

Ang Mapang pangkurikulum ay isang matrix kung saan nakatala ang mga magkakaugnay na kurso na may isa o higit pang minimithing bunga ng programa.

Ang mga MEI, EUK, at lokal na kolehiyo at unibersidad ay bubuo ng kompletong mapang pangkurikulum ng kanilang umiiral at kasalukuyang kurikulum sa Batsilyer ng Sining sa Filipino. Sumangguni sa Annex A para sa halimbawa ng mapa ng kurikulum na may minimum na set ng bunga ng programa.

SEKSIYON 11. Halimbawang Paraan ng Pagpapatupad ng Kurikulum. —

Lektura — isinasagawa ng guro upang ipaliwanag ang mga konsepto at mahingi ang opinyon ng mga mag-aaral.

Diskusyon sa klase — talakayan sa pagitan ng guro at mag-aaral kaugnay ng paksa.

Talakayang Panel — pagtalakay ng isang piniling grupo tungkol sa isang paksa mula sa iba't ibang perspektiba at pagbahagi nito sa klase.

Debate — pagtatalo ng dalawang grupo sa klase kaugnay ng isang isyu.

Multimedia Presentation — paggamit ng iba't ibang anyo at format — e.g., grapiko, audio, video, web, atbp, upang lalong malinaw ang leksiyon at maging aktibo ang diskusyon sa klase.

Pag-uulat — paglalahad ng iba't ibang impormasyon kaugnay ng paksa. Maaaring indibidwal o grupong gawain ito.

Portfolio — pagbuo ng koleksiyon ng mga gawain ng isang mag-aaral na isinagawa bilang kahingian ng kurso. Magiging batayan ito ng pagtatasa sa kaalaman at kakayahan ng mag-aaral.

Panayam/Interbyu — pakikipag-usap nang harapan sa isang piniling eksperto/resource person upang makuha ang kanyang opinyon, pananaw, atityud, atbp., sa paksang tinatalakay.

Reaksiyong papel — paggawa ng pagsusuri sa isang napakinggan, nabasa, napanood na gawain o akda.

Pananaliksik — pagbuo ng isang pag-aaral sa isang partikular na paksa na binibigyang halaga ang mga konsepto, batayang konseptuwal at teoretikal, metodolohiya, datos, at mga sanggunian. AaCTcI

Field Work — imersiyon sa isang komunidad o lugar upang matamo ang mga kaalamang hindi makukuha sa mga libro sa pamamagitan ng interbyu, obserbasyon, pakikisangkot, atbp.

SEKSIYON 12. Mga Halimbawang Silabus at Paglalarawan ng Kurso (Tingnan ang Annex B).

ARTIKULO VI

Iba pang mga Kailangan

SEKSIYON 13. Tagapangasiwa ng Programa. —

13.1. Ang Dekano/Direktor/Tagapangulo ay dapat full time na tagapangasiwa ng programa.

13.2. Ang Dekano/Direktor/Tagapangulo ay dapat magtaglay ng sumusunod na katangian:

a) Filipino ang pagkamamamayan;

b) Dapat may Masterado at/o Doktorado sa:

Wikang Filipino/Lingguwistika at iba pang Kaugnay na Disiplina.

c) Dapat nagkaroon ng karanasan sa pangangasiwa sa loob ng kahit tatlong (3) taon man lamang o katumbas na gawain o pangangasiwa.

13.3. Ang mga pangkalahatang tungkulin/pananagutan ng Dekano/Direktor/Tagapangulo ay:

a) Tiyaking may kalidad ang pagsasakatuparan ng programa at nakikipag-ugnayan sa iba pang disiplina, institusyong lokal at internasyonal

b) Tiyaking may sapat na kaalaman o espesyalisasyon ang gurong magtuturo ng mga kurso

c) Tiyaking may sapat na materyales o kagamitang panturo at pasilidad ang departamento

d) Tiyaking nakapagsasagawa ng regular na ebalwasyon ng programa at ng mga guro

e) Tiyaking nakapagsasagawa ng regular na pagmamasid sa klase ng mga guro

SEKSIYON 14. Kaguruan. —

14.1. Mga Katangian acEHCD

a) Dapat ay may Masterado/Doktorado sa Wikang Filipino/Lingguwistika at iba pang Kaugnay na disiplina; at

b) May katibayan ng kasiya-siyang pagtuturo sa nasabing disiplina sa loob ng tatlong (3) taon.

14.2. Load

Ang kabuuang yunit na ituturo ng gurong full time o part time ay pamamahalaan ng mga patakarang pang-institusyon na umaalinsunod sa mga hinihingi ng CHED.

14.3. Kalagayan ng Pag-eempleo

May tatlong full time na permanenteng guro na may espesyalisasyon sa Wikang Filipino/Lingguwistika at iba pang kaugnay na disiplina ang kagawaran.

SEKSIYON 15. Aklatan. —

Ang pasilidad at mga kagamitan ng silid-aralan ay dapat na nakatutugon sa kasalukuyang kahingian para sa mga silid-aklatan. Ang silid-aklatan ay dapat na laging may koleksiyong napapanahon at angkop na mga teksbuk at mga sanggunian na inilaan para sa mga batayang kurso ng kurikulum. Ang resorses ng silid-aklatan ay dapat na tumutugon sa ipinatutupad na kurikulum upang lubos na matamo ang inaasahang resulta ng programa para sa Batsilyer ng Sining sa Filipino.

SEKSIYON 16. Pasilidad at Kagamitan. —

16.1. Mga Kailangang Silid-aralan

Ordinaryong silid-aralan na may chalk at pisara

16.2. Mga Kailangang Laboratoryo at Kaugnay na kasangkapan

Laboratoryong Pang-multimedia

Laboratoryong Pangwika

16.3. Silid at Kagamitang Audio-visual at ICT

Overhead projector at iskrin, video player, T.V./LCD

ARTIKULO VII

Pagpapatupad ng mga MEI

Gamit ang CHED Implementation Handbook for OBE and ISA bilang reperensiya, bubuuin ng HEI ang mga sumusunod at isusumite sa CHED kapag sila'y mag-aaplay ng permiso para sa isang bagong programa:

SEKSIYON 17. Kompletong set ng mga bunga ng programa, kasama ang mungkahing bunga ng programa EcTCAD

SEKSIYON 18. Mungkahing kurikulum at rasyonal kalakip ang maps ng kurikulum

SEKSIYON 19. Mungkahing panukat sa mga gawain (performance indicators) sa bawat bunga. Mungkahing sistema ng panukat para sa bawat antas ng pagtatamo ng bawat gawain.

SEKSIYON 20. Mungkahing silabus na outcomes-based sa bawat kurso

SEKSIYON 21. Mungkahing sistema ng pagtataya at ebalwasyon

SEKSIYON 22. Mungkahing sistema ng Patuloy na Pagpapaunlad ng Kalidad (Continuous Quality Improvement) ng programa.

Para sa mga umiiral nang programa, magsasagawa ng regular na pagmomonitor at ebalwasyon ang Komisyon ng Lalong Mataas na Edukasyon sa pagsunod ng mga Mataas na Edukasyong Institusyon sa Mga Patakaran, Pamantayan, Panuntunan na ito gamit ang instrumentong outcomes-based assessment.

ARTIKULO VIII

Mga Probisyon sa Pagpapalit, Pagpapawalang-Bisa

SEKSIYON 23. Mga Probisyong Transitoryo. —

Ang mga MEI na binigyan ng permiso para sa Batsilyer ng Sining sa Filipino ay kailangang ganap na makatupad sa lahat ng hinihingi sa CMK na ito, sa loob lamang ng tatlong (3) taon pagkaraan ng petsa ng pagkabisa nito. Ang mga pamantasan at kolehiyo ng bansa (mga EUK) at mga pambayang kolehiyo at pamantasan (mga LCU) ay dapat sumunod sa mga hinihingi nito.

Ang mga mag-aaral na kasalukuyang nagpatala sa programang Batsilyer ng Sining sa Filipino ay pahihintulutang makatapos sa ilalim ng lumang kurikulum. Gayunman, ang mga mag-aaral na magpapatala sa programang binanggit sa itaas simula sa taong pampaaralan 2018-2019 ay sakop ng CMK na ito.

SEKSIYON 24. Mga Katakdaan ng Pagpapawalang-Bisa. —

Alinmang tadhana ng Kautusang ito, na maaaring mapawalang-bisa pagkaraan, ay hindi makakasalungat sa iba pang tadhana.

Lahat ng ipinalabas na kautusan ng CHED o bahagi niyon na hindi umaayon sa tadhana ng CMK na ito ay ipapalagay na binago o pinawawalang-bisa.

SEKSIYON 25. Mga Katakdaan ng Pagkabisa. —

Ang CMK na ito ay magkakabisa simula sa unang semestre ng Taong Pampaaralan 2018-2019 pagkaraan ng labing limang (15) araw pagkatapos mailathala sa isang opisyal na pahayagan o sa isang pahayagang may pangkalahatang sirkulasyon. SDHTEC

Lungsod Quezon, Pilipinas, May 9, 2017.

Para sa Komisyon:

(SGD.) PATRICIA B. LICUANAN, Ph.D.

Tagapangulo

ANNEX A

Mga Halimbawang Mapa ng Kurikulum

a) Nakatutukoy at nakapagpapakita ng pangangailangan sa kakayahan sa panghabambuhay na pagkatuto;

b) Nakatutukoy ng iba-ibang perspektibo at mga ugnayan ng mga teksto at konteksto;

c) Nagagamit nang angkop ang Filipino para sa mga tiyak na larang gaya ng negosyo, kalakalan, disenyo ng produkto at anunsiyo;

d) Nakagagamit ng analitikal at kritikal na mga kasanayan sa pag-aaral ng mga teksto;

e) Nakapagpapayo sa mga ahensiya o institusyon kung paanong epektibong magagamit ang Filipino para sa talastasan, kampanya, networking, at iba pa;

f) Nakapagsusulat at nakapag-eedit nang malinaw, masinop, at malawak sa Filipino, bukod sa naihahayag ang iniisip o nadarama sa malikhaing paraan;

g) Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik na nakatuon sa mga disiplina sa ilalim ng humanidades;

h) Nakagagamit ng angkop na mga teorya at metodolohiya sa paraang mapanuri at malikhain;

i) Nakapagsusuri ng papel ng humanistikong edukasyon sa paghubog ng tao at lipunan; HSAcaE

 

Mga Batayang Kurso

Inaasahang produkto ng programa

 

(a)

(b)

I

(d)

(e)

(f)

(g)

(h)

(i)

1. Batayang Estruktura ng Wikang Filipino

L

L

L/P/O

L/P

L/P/O

L/P/O

P/O

L/P

L/P

2. Mga Teorya sa Pag-aaral ng Wika

L

L

L/P/O

L/P

L/P/O

L/P/O

P/O

L/P

L/P

3. Metodo at Pananaliksik sa Wikang Filipino

L/P/O

L

L/P/O

L/P

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P

L/P

4. Kasaysayan ng Wikang Pambansa mula sa Iba't ibang Perspektiba

L

L

L/P/O

L/P

L/P/O

L/P/O

L/P

L/P/O

L/P

 

Mga Kurso sa Disiplina

Inaasahang produkto ng programa

 

(a)

(b)

(c)

(d)

(e)

(f)

(g)

(h)

(i)

1. Historikal na Pag-unlad ng Pag-aaral ng Wikang Filipino

L

L

L/P/O

L/P

L/P/O

L/P

L/P

L/P

L/P

2. Wika, Lipunan at Kultura

L

L

L/P

L/P

L/P

L/P

L/P

L/P

L/P

3. Pagsasaling Teknikal

L/P

L/P

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P

L/P

4. Pagsasaling Pangmidya

L/P

L/P

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P

L/P

5. Pagsasaling Pampanitikan

L/P

L/P

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P

L/P

6. Berbal at Di-Berbal na Komunikasyon sa Filipino

L/P/O

L/P

L/P/O

L/P

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P

L/P

7. Kalakaran at Tunguhin sa Pag-aaral ng Wika

L

L

L

L/P

L

L/O

L/P/O

L/P

L/P

8. Mga Barayti at Baryasyon ng Wikang Filipino

L/P

L/P

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P

L/P

9. Sintaks at Semantiks ng Wikang Filipino

L/P

L/P

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P

L/P

10. Ponolohiya at Morpolohiya ng Wikang Filipino

L/P

L/P

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P

L/P

11. Kritikal na Pagbasa at Pagsulat sa Disiplina

L/P

L/P

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P

L/P

12. Diskurso

L/P

L/P

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P/O

13. Leksikograpiya

L

L

L/P

L/P

L/P

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P

14. Tawid-Bansang Pag-aaral ng Filipino

L/P

L/P

P/O

L/P

L/P/O

L/P/O

L/P/O

L/P

L

ANNEX B

Mga Halimbawang Silabus

Mga Batayang Kurso

Pamagat ng Kurso

:

Batayang Estruktura ng Wikang Filipino

Paglalarawan ng Kurso

:

Ang kurso ay sumasaklaw sa deskriptibong pag-aaral at pagsusuri sa kayarian ng wikang Filipino sa antas ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks at semantika. Bibigyang-diin ang pagsusuri sa ginagamit na aklat pambalarila batay sa natutuhang makabago at pinalawak na kayarian ng wika. Pangkalahatang layunin ng kurso na mabigyan ng sapat na kaalamang pangkayarian ng Filipino ang mga mag-aaral upang mapaghusay ang kaalaman sa pamamahayag sa Filipino at kaalamang lingguwistika ng mga mag-aaral.

Mga Layunin ng Kurso

:

1. Natutukoy ang mga kahulugan at kalikasan ng mga katawagang panggramatika.

2. Nailalahad ang mga kaalaman sa antas ponolohiya ng wikang Filipino.

3. Nailalahad ang iba't ibang kayarian sa antas morpolohiya ng wikang Filipino.

4. Naipaliliwanag at nasusuri ang iba't ibang bahagi at kayarian ng pangungusap.

5. Nakasusuri ng isang aklat pambalarila batay sa natutuhang kayarian ng wikang Filipino.

Bilang ng Yunit

:

3

Bilang ng oras bawat linggo

:

3

Paunang kursong kailangan

:

Wala

Nilalaman ng Kurso

:

I. Kahulugan at Kalikasan ng Wika

A. Kahulugan at Pananaw sa Wika

B. Mga Teoryang Pangwika

C. Mga Varayti ng Wika

D. Ortograpiya ng Wikang Filipino

II. Metalingguwistikang Pagsusuri ng Wikang Filipino

A. Ponolohiya o Palatunungan

1. Proseso ng pagsasalita

a. Katawagan at Tungkulin ng Pagsasalita

2. Mga Ponema at Alopono

a. Ponemang segmental

b. Ponemang suprasegmental

c. Transkripsiyong ponetiko at ponemiko

B. Morpolohiya (morpema at alomorp)

1. Kahulugan at kalikasan ng morpema

2. Mga Anyo ng Morpema

3. Mga Uri ng Morpema

4. Mga Pagbabagong Morpoponemiko

5. Relasyon ng Morpema at Sintaks: Morposintaksis

6. Pagbubuo ng Salita

C. Morpolohiya (morpema at alomorp)

1. Kahulugan at kalikasan ng morpema

2. Mga Anyo ng Morpema

3. Mga Uri ng Morpema

4. Mga Pagbabagong Morpoponemiko

5. Relasyon ng Morpema at Sintaks: Morposintaksis

6. Pagbubuo ng Salita

D. Sintaks

1. Kahulugan at Kalikasan ng Sintaks

a. Kategorya at Estruktura ng Salita

b. Impleksiyon

2. Parirala

a. Estruktura ng parirala

b. Mga pananda (specifier)

c. Tuntuning estrukturang parirala

3. Pangungusap

a. Batayang Kayarian ng Pangungusap

1). pariralang paksa

2). pariralang panaguri

b. Komplemento

1). Salitang Pangnilalaman

i. nominal (pangngalan, panghalip)

ii. panuring (pang-uri, pang-abay)

iii. pandiwa (pokus, aktor, layon, tagatanggap, ganapan, kagamitan, sanhi, direksiyonal)

2) hinango at di pangunahing kayarian ng pangungusap

iv. imbersiyong konstruksiyon

v. mga tanong oo-hindi

vi. tanong alternatibo

vii. tanong kumpirmasyon

viii. tanong ano, sino, paano, saan at bakit

3) Pagsusuri sa kayarian ng pangungusap

E. Mga Kaugnay na babasahin sa Estruktura ng Wika

1. Sumisibol na gramatika

2. Isyung pangwika sa Filipino

Mga Mungkahing Babasahin

:

Batnag, Aurora. Sumisibol na Grammatika, Malay Journal, 2010.

Cena, Resty M. at Nolasco, Ricardo Ma. Duran. Gramatikang Filipino (Balangkasan), The University of the Philippines Press. Quezon City, 2011.

Garcia, Lydia G. Makabagong Gramar ng Filipino, REX Printing Company, Inc. Quezon City, 2000.

Paz, Consuel J., et al. Ang pag-aaral ng Wika. The University of the Philippine Press, 2003.

Ramos, Teresita V. Tagalog Structures. Honolulu: University of Hawaii Press, 1971.

Resuma, Vilma. Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino, Sariling Limbag, Quezon City, 2002.

Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G. Makabagong Balarilang Filipino. Manila: Rex Publishing House, 1984.

Schachter, Paul at Otanes, Fe t. Tagalog Reference Grammar. UCLA, California, 1972.

Mga Kurso sa Disiplina AScHCD

Pamagat ng kurso

:

Pagsasaling Pampanitikan

Paglalarawan ng kurso

:

Saklaw ng kursong ito ang mga pag-aaral hinggil sa pagsasaling pampanitikan, at nagtutuon kung paano magsasalin ng teksto mulang banyagang wika tungo sa Filipino at mga katutubong wika, at mulang mga katutubong wika tungong Filipino o pabalik. Ang salitang pampanitikan ay tumutukoy sa gaya ng tula, nobela, kuwento, dula, sanaysay, at iba pang kauring prosa na maaaring magtaglay ng mga pambihirang katangiang may bahid ng kultura sa isang tiyak na panahon. Magiging bahagi ng kurso ang teorya at praktika sa pagsasaling may kaugnayan sa panitikan, ngunit hindi pipigilin ang malikhaing pagdulog.

Mga layunin ng kurso

:

1. Nababatid ang mga teorya at praktika sa pagsasaling pampanitikan, bukod sa magkaroon ng tiyak na kaalaman hinggil sa lingguwistikong estruktura, gramatika, at estalistang rehistro sa pamamagitan ng pagbabasa, palihan, at pag-aaral sa tunguhang wika [target language].

2. Napauunlad ang kakayahan hinggil sa pagkasangkapan sa mga diksiyonaryo, tesawro, at iba pang pintungan ng impormasyong teknolohiya.

3. Nalilinang ang kakayahan na magsalin ng iba't ibang anyo ng panitikan, at nang maging pamilyar sila sa mayamang panitikan ng iba't ibang pook at kultura.

4. Nababatid ang iba't ibang pagdulog sa pagsasalin, gaya ng pangkatan o solong pagsasalin, kombinasyon ng de-makina at manwal na pagsasalin, at halaga ng pag-eedit ng mga teksto.

Bilang ng yunit

:

3

Bilang ng oras bawat linggo

:

3

Paunang kursong kailangan

:

Wala

Nilalaman ng kurso at mga mungkahing basahin

:

1. Pagsasalin at kasaysayan sa tradisyong Filipino at Silanganin. Paglago at paglaganap ng pagsasalin sa Pilipinas. Pagsipat sa mga tekstong isinalin sa iba't ibang katutubong wika mula sa mga internasyonal na wika.

Almario, Virgilio S., editor. Introduksiyon sa Pagsasalin. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2015.

Almario, Virgilio. Batayang Pagsasalin: Ilang Patnubay at Babasahin para sa Baguhan. Metro Manila, 2016.

Antonio, Lilia F., editor. Apat na Siglo ng Pagsasalin: Bibliyograpiya ng mga Pagsasalin sa Pilipinas (1593-1998), Quezon City: UP Sentro ng Wikang Filipino, 1998.

Añonuevo, Roberto T. "Salin at Salinan: Ilang Panukala sa Pagpapaunlad ng Panitikang Pambansa," na nalathala sa Filipino sa Dominyo ng Kapangyarihan ni Roberto T. Añonuevo. Maynila: UST Publishing Inc., 2013.

Rafael, Vicente L. The Promise of the Foreign: Nationalism and Technics of Translation in the Spanish Philippines. Pasig City: Anvil Publishing, Inc., 2006.

Venuti, Lawrence, editor. Teaching Translation: Program, Courses, Pedagogies. Oxford: Routledge. 2016.

Zafra, Galileo S., editor. Salin-Suri: Panimulang Pagmamapa ng mga Larangan ng Pag-aaral ng Pagsasalin sa Pilipinas, Ikatlong Sourcebook ng SANGFIL. Quezon City: UP-Sentro ng Wikang Filipino, 2009.

2. Pagsusuri ng akdang pampanitikan, alinsunod sa uri, wika, teorya, at iba pa. Mga modelo ng pagsasalin. Mga teknik sa paglilipat ng salita mulang Mulaang Tektong [Source Text] tungo sa Tunguhang Teksto [Target Text].

Baker, Mona. In Other Words: a Coursebook on Translation, London: Routledge, 1992.

Fawcett, Peter. Translation and Language: Linguistic Theories Explained, Manchester: St. Jerome Publishing, 1997.

Nord, Christiane. Text Analysis in Translation: Theory, Methodology, and Didactic Application of a Model for Translation-Oriented Text Analysis, Second Edition. Rodopi: Amsterdam-New York: 2005.

Nord, Christiane. Translating as a Purposeful Activity. Functionalist Approaches Explained. New York: Routledge, 2014.

Reiss, Katharina, Hans Josef Vermeer, at Christiane Nord. Towards a General Theory of Translational Action: Skopos Theory Explained. New York. 2013.

Santos, Paz Verdades M. at Marifa Borja-Prado. Obras Maestras: A Manual for Teaching Bikol Literature: Naga City: Ateneo de Naga University Press, 2014.

3. Ebalwasyon ng salin. Kantitatibo at kalitatibong pagsusuri ng salin. Pagdulog na pragmatiko at ayon sa gamit, at pagdulog ayon sa target na wika. Pagtatakda ng estandard, gaya sa itinatadhana ng Pilipinas Institute of Translation (FIT), Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), Unyon ng mga Tagasalin ng Pilipinas (UNTAP), atbp.

Evaluating Translations as Scholarship: Guidelines for Peer Review. Hinango sa Modern Language Association noong 9 Mayo 2016, at matatagpuan sa https://www.mla.org/About-Us/Governance/Executive-Council/Executive-Council-Actions/2011/Evaluating-Translations-as-Scholarship-Guidelines-for-Peer-Review

House, Juliane. A Model for Translation Quality Assessment, Tübingen: Gunter Narr, 1977.

Nord, Christiane. Translating as a Purposeful Activity. Functionalist Approaches Explained. New York: Routledge, 2014.

4. Mga halimbawa ng iba't ibang akdang pampanitikan o prosang isinalin sa Filipino mulang banyagang wika at/o katutubong wika.

Agana, Marcelino. "New Yorker sa Tondo." Salin sa Filipino ng "New Yorker in Tondo" at iniangkop para sa telebisyon ni Mauro R. Avena. W.I., w.p. 15 p. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1993. Ang nasabing dula, na may bersiyong onlayn, ay matutunghayan sa https: //sirmikko.files.wordpress.com/2011/10/new-yorker-in-tondo.pdf.

Almario, Virgilio S., editor at katagasalin. Makabagong Tinig ng Siglo, Quezon City: Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas, 1989.

Almario, Virgilio S. at Michael M. Coroza, mga tagasalin. Konseho ng mga Diyoses at Sa may Ilog Pasig, salin ng El consejo de los dioses at Junto al Pasig. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2016.

Añonuevo, Roberto T. at Giancarlo Lauro Abrahan V, mga editor. SaPrága. Mga Tula ni Jaroslav Seifert. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2015.

Almario, Virgilio S. Jovita Fuentes: Dakilang Tinig ng Dakilang Awit, salin sa Filipino ng Jovita Fuentes: A Lifetime of Music ni Lilia Hernandez Chung, Quezon City: Foundation for Nationalist Studies, 1995.

Almario, Virgilio S. Editor at katagasalin. Salamisim, salin sa Filipino ng Sentimiento: A Collection of Fiction and Essays ni Gemma Guerrero Cruz. Pasig City: Anvil Publishing Inc., 1995.

Derain, Allan. Ang Kuwintas at iba pang kuwento. Salin ng mga kuwento ni Guy de Maupassant. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2015.

Duque, Reynaldo A., Jose A. Bragado, at Linda T. Lingbaoan. Kurditan: Mga Kuwentong Iluko. Makati: GUMIL Metro Manila, 1988.

Eugenio, Damiana L., editor. The Proverbs. Quezon City: University of the Philippines Press, 2002.

Li, Iris G. The Boy Who Touched Heaven/Ang Batang Humipo sa Langit, salin sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Quezon City: Adarna Books, 2007.

Lucente, Iluminado. Mga Retrato han Akon Bungto at iba pang Akda. Bilingguwal na edisyon ng tula at dulang Waray. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2014.

Lucero, Rosario Cruz at Ricardo Oebanda Jr. Dulaang Hiligaynon. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Medina, Buenaventura S., tagasalin. Mga Maikling Kuwento Mula sa Southeast Asia. Manila: Solidaridad Publishing, 1986.

Legasto, Priscelina P., tagasalin. Sarswelang Pangasinan. Ateneo de Manila University Press, 2005.

Tabag, Ariel. Don Calixfofano a Panagsalisal: Mga Dula ni Mena Pecson Crisologo. Bilingguwal na edisyon ng mga dulang Ilokano. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2014.

Tinio, Ergo. Frankenstein. Salin sa Filipino ng nobelang Frankenstein ni Mary W. Shelley. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2016.

Largo, Labor. Dr. Jekyll and G. Hyde. Salin ng Dr. Jekyll and Mr. Hyde ni Roberto Louis Stevenson. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2016.

Teodoro, John Iremil E., editor. Pagdakëp sa Iláhas: Koleksiyon ng mga Bagong Akda sa Kinaray-a. Maynila: Komisyon sa wikang Filipino, 2015.

Unabia, Carmen C. at Victoria Saway. Tula at Kuwento ng Katutubong Bukidnon. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1996.

Walang awtor. Mga Katutubong Awiting Pangasinan/Cancasion na Pangasinan. Komisyon sa Wikang Filipino at Pangasinan State University: Maynila, 2002.

Mga mungkahing babasahin

:

(Nakatala na sa nilalaman ng kurso)

 

Pamagat ng kurso

:

Kalakaran at Tunguhin sa Pag-aaral ng Wika

Paglalarawan ng kurso

:

Pagsusuri sa iba't ibang isyu at kalakaran sa pag-aaral ng wika sa kalahatan at sa wikang pambansa at iba pang wika sa Pilipinas sa partikular

Mga layunin ng kurso

:

1. Nalilinaw ang mga disiplina na sangkot sa pag-aaral ng wika

2. Natutukoy ang mga kalakaran/lapit/pananaw sa pag-aaral ng wika

3. Nasusuri ang mga isyung pangwika sa Pilipinas

4. Nakabubuo ng pag-aaral-pananaliksik sa isang partikular na isyung pangwika at magmungkahi ng (mga) pamaraan ng pagresolba sa naturang isyu.

Bilang ng yunit

:

3

Bilang ng oras bawat linggo

:

3

Paunang kursong kailangan

:

Wala

Nilalaman ng kurso at Mga Mungkahing Babasahin

:

I. Panimula

Oryentasyon sa Kurso

Mga Kailanganin

Batayan ng Grado

II. Mga Depinisyon

Lapit-Interdisiplinaryo

Multilingguwalismo

Wikang pambansa/opisyal/midyum ng pagtuturo/rehiyunal

Linggwa franca

Globalisasyon

MTB-MLE

III. Mga Kalakaran sa Pag-aaral

A. Disiplinal na Lapit

1. Lingguwistika (Gramatika)

2. Pragmatiks (pagpapakahulugan)

3. Semiyotika (senyas, simbolo)

4. Semantika (kahulugan)

B. Interdisiplinaryong Lapit

1. Sikolohiya ng Wika (wika at pag-iisip)

2. Sosyolingguwistika (gamit ng wika sa lipunan)

3. Lingguwistikong Antropolohiya (wika at kultura)

4. Edukasyon (wika at pagkatuto)

5. Kompyutasyunal na Lingguwistika (istatistika ng gamit ng wika)

6. Pilosopiya ng wika (wika at realidad, wika at kahulugan ng salita)

7. Pulitika ng Wika (wika at identidad/etnisidad)

8. Forensic/Legal lingguwistika (wika at batas)

IV. Mga Isyung Pangwika

A. Papel ng Wika sa Lipunan

1. Bilang Wikang pambansa

2. Bilang Wikang panturo

3. Bilang Wikang opisyal (gob., batas)

B. Papel ng Wika Sa Panahon ng Globalisasyon

1. Kaugnay ng pagkamatay ng wika/pag-etsa-pwera sa katutubong wika kapalit ng banyaga

2. Kaugnay ng pagbabago ng kurikulum/wika sa edukasyon (MTB-MLE, K+12)

3. Kaugnay ng mga batas ng pamahalaan (Konstitusyon, DepEd, CHED, R.A. )

4. Kaugnay ng istatus sa midya (mass media, social media, new media)

5. Kaugnay ng istatus sa Bisnes

6. Kaugnay ng Pagbabago sa Gamit ng Wika/Komunikasyon

C. Gamit ng Wika sa Media

1. Mass media — TV, radio, teatro, sine, komiks, atbp

2. Social media — Youtube, twitter, facebook

3. New Media

V. Sintesis

VI. Reperensiya

Mga mungkahing babasahin

:

Clemente, Dennis, "The Good, Bad of PH As World Social Networking Capital". Inquirier Opinion/Philippine News For Filipinos, 3 Disyembre 2011.

Constantino, Pamela. Katutubo vs. Banyaga: Pagtalunton Sa Usapang Pangwika sa Pilipinas, 1898-1946. Q.c. :UPSWF, 2014.

Fairclough, Norman. Language and Globalization. N.Y.: Routledge, 2006.

Lycan, William. Philosophy of Language. 2nd ed. N.Y. Routledge, 2000.

O'Barr, William at J.O'Barr. Language and Politics

The Hague: Mouton, 1976.

Salazar, Zeus, ed. Sikolohiyang Panlipunan-at-Kalinangan. Q.C.: Palimbagan ng Lahi, 2004.

Tan, Peter K.w. at Rubdy, eds. Language As Commodity. London, N.Y.: Continuum, 2008

Tupas, T. Ruanni ed. (Re) making Society: The Politics of Language, Discourse, and Identity In the Philippines Q.C.: UP Press, 2007.

Wong, Amanda. "Top Languages Used on Facebook." One Sky 03 October 2013. Web 17 May 2016

 

Pamagat ng Kurso

:

Ponolohiya at Morpolohiya ng Wikang Filipino

Paglalarawan ng Kurso

:

Ang kursong ito ay tumatalakay sa mga tunog at paraan ng pagkakabuo ng mga salita sa Filipino.

Mga Layunin ng Kurso

:

1. Nasusuri ang mga pangunahing tunog ng Filipino

2. Napag-aaralan ang mga paraan ng pagbubuo ng salita.

3. Nakasusulat ng isang pananaliksik lingguwistika

Bilang ng Yunit

:

3

Paunang kursong kailangan

:

Wala

Nilalaman ng Kurso at Mga Babasahin

:

I. Ponolohiya

a. Kahulugan ng Ponolohiya, Ponetika at Ponema

b. Ponetikang Alpabeto

c. Punto ng Artikulasyon

i. patinig

ii. katinig

d. Paraan ng Artikulasyon

e. Klaster, Diptonggo at Pares Minimal

f. Dim (Syllabic Time at Stressed Time)

g. Komplementaryong Distribusyon

h. Prosodic na Ponolohiya

i. Syllable Structure

ii. Word Stress

iii. Sentence and Phrase Stress

iv. Intonasyon

i. Leksikal na Gap

II. Sign Language ng Ponetika

III. Morpolohiya

a. Morpemang Pangnilalaman at Kayarian

i. panlapi (unlapi, gitlapi, kabilaan, laguhan)

ii. circumfixes

b. Tuntunin sa Pagbubuo ng Morpolohiya

i. derivational

ii. inflectional

iii. hierarchal structure of words

A. Sign Language na Morpolohiya

Mga Mungkahing Babasahin

:

Fromkin,Victoria, Rodman, Robert, & Hyam, Nina An introduction to language. Canada: Cengage learning, 2011.

Santiago, Alfonso O. Panimulang Lingguwistika. Rex Publishing House Manila, 1979.

Schachter, Paul at Otanes, Fe T. Tagalog Reference Grammar. California, 1972.

Yap, Fe Aldave. The sounds of Filipino a descriptive analysis. Manila: United Publishing Co, 1970.

 

Pamagat ng Kurso

:

Kritikal na Pagbasa at Pagsulat sa Disiplina

Paglalarawan ng Kurso

:

Sumasaklaw ang kurso sa kritikal na pag-aaral sa mga pangunahin at limbag na pananaliksik sa disiplinang Filipino na nagbigay-daan sa higit na malaking espasyo ng Filipino bilang isang disiplina. Saklaw din ng kurso ang pagsulat ng kritikal at mapanaliksik na pag-aaral na ambag sa produksyon at korpus ng karunungan sa disiplinang Filipino.

Mga Layunin ng Kurso

:

1. Natutukoy nang may ganap na pag-unawa ang mga batayang simulain at paninindigan sa paggigiit sa pag-aaral at pagpapayabong sa disiplinang Filipino sa pamamagitan ng mga itinakdang babasahin.

2. Nagagamit ang mga batayang kaalaman/teorya sa wika, pagsulat at pananaliksik tungo sa masinop at matalas na pag-aaral at talakayan ukol sa disiplinang Filipino.

3. Nakasusulat ng iskolarli o mapananaliksik na papel na nakatuon sa disiplinang Filipino at Filipino sa ilang piling disiplina.

Bilang ng Yunit

:

3

Paunang kursong kailangan

:

Wala

Nilalaman ng Kurso at Mga Babasahin

:

1. Mga Batayang Kaalaman sa

a) Wika — kalikasan, kahulugan, katangian, pagbabago

b) Pananaliksik — kalikasan, layunin at etika

c) Pagsulat-sangkap, proseso, at estilo

2. Pagbasa at Pagsusuri ng mga Kritikal na Pag-aaral sa Disiplinang Filipino

Gonzales, (et al.), Readings in Philippine Linguistics, Manueli, "Pagkukumpara ng Estruktura ng mga Pangungusap at Tanong sa mga Wikang Tagalog, Hiligaynon, Bikol at Kinaray-a" nasa Lagda, Agosto 2005

Gaitan, "Isang Pagsusuri sa Gradability ng mga Adjectiv" nasa Lagda, 2005.

Perez at Santiago. Language Policy and Language Development of Asian Countries, 1999.

Sibayan, The Intellectualization of Filipino. 1999.

Sibayan, Evaluating Bilingual Education in the Philippines, 1988.

Thompson, Filipino English and Taglish, 2003.

Paz, et al., Ang Pag-aaral ng Wika, 2003

Iba pang Disiplina

Almario, Kung Sino ang Kumatha Kina Bagongbanta, Ossorio, Herrera, Aquino de Belen, Balagtas, atbp., 1992.

Chua, "Panimulang Pagsusuri sa Ilang Produksyong Kultural ng mga Kilisang Manggagawa, Hukbalahap at ng Sigwa ng Unang Kuwarto, "nasa Nationalist Literature, 2001

Gonzalez, Language and Nationalism: The Philippine Experience thus far, 1980

Lumbera, "Philippine Literature and the Filipino Personality" nasa Nationalist Literature, 2001

Quindoza-Santiago, "Ang Manggagawa ng Wika, Ang Musa Insurekta at ang Tula sa Dekada Sitenta," nasa Panunuring Pampanitikan II

Santos, Tinging Pahapyaw sa Kasaysayan ng Panitikang Tagalog

Reyes, Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular, Piling Sanaysay, 1976-1996

3. Pananaliksik:

a) Pag-aaral Tekstuwal

Greetham, "Textual Scholarship," nasa Introduction to Scholarship in Modern Languages and Literatures, 2nd edition, ed. Joseph Gibaldi

Cruz, "Is Literary Criticism in the Philippines Futile?" nasa Beyond Futility

b) Awtor at Pagmamay-ari

Scott. "The Contributions of Jose E. Mercado to Philippine Historiography, "nasa Pre-Hispanic Source Materials for the Study of Philippine History

May, Inventing a Hero: The Posthumous recreation of Andres Bonifacio

4. Pagsulat ng Kritikal at Mapanaliksik na Pag-aaral sa disiplinang Filipino at/o Filipino at kaugnay na disiplina

Mga Mungkahing Babasahin

:

Antonio, Lilia at Rubin, Ligaya T. Sikolohiya ng Wikang Filipino. Quezon City. E. Publications, 2003.

Catacataca, Pamfilo D., et al. Punla ng Lingguwistikang Pilipino. Makati City: Grandwater Publications and Research Corporation, 2001.

Edwards, A.D. 1976. Language in Culture and Class. London: Hernimarn Educ. Books Ltd, 1976.

Gregory, Michael and Susan Carrol. Language and Situation: Language Varieties and their Social Contexts. London: Routledge and Kegan Pau, 1978.

Halliday, M.A.K. and Ruqaiya Hasan. Language, Context and Text: Aspects of Language in a Social Semiotic Perspective. Oxford University Press, Walton Street, Oxford, New York, 1989.

Lopez, Cecilio. The Language Situation in the Philipppines. Inihanda para sa Institute of Pacific Relations. Manila, 1931.

Santos, Lope K. Makabagong Balarila, Mga Puna at Payo sa "Sariling Wika" ni Cirio Panganiban. Manila, 1951.

Van Dijk, Teun. Handbook of Discourse Analysis, Volume 1 Disciplines of Discourse. Britain: Academic Press Limited, 1992.

 

Mga Deskripsiyon ng Kurso HESIcT

Mga Batayang Kurso

 

Mga Teorya sa Pag-aaral ng Wika

Ang kursong ito ay pag-aaral ng mga teorya sa wika. Magiging batayan ito ng pag-aaral at pagkatuto ng wikang Filipino at ng iba't ibang wika sa Pilipinas.

Metodo at Pananaliksik ng Wikang Filipino

Ang kursong ito ay tatalakay sa mga pangunahing isyu kaugnay ng pundasyon ng pamamaraan ng pananaliksik sa/ng Wikang Filipino

Kasaysayan ng Wikang Pambansa mula sa Iba't Ibang Perspektiba

Ang kursong ito ay pagsusuri sa pinagdaanan at daynamik ng wikang pambansa mula sa iba't ibang lente at papel ng mga pangunahing institusyong mga kinalaman dito.

 

Mga Kurso sa Disiplina

 

Historikal na Pag-unlad ng Pag-aaral ng Wikang Filipino

Saklaw ng kurso ang pagtalakay sa Filipino bilang wikang pambansa alinsunod sa daloy ng kasaysayan, at ang kritikal na pagsusuri sa ebolusyon nito sa kasalukuyang panahon. Magiging sanggunian ang mga pambansa at panlokal na patakarang pangwika na lumitaw sa bawat administrasyon, bukod sa mga batas, regulasyon, at iba pang kaugnay na bagay na humuhubog sa sistema ng edukasyon at siyang nakaaapekto sa Filipino bilang isa sa mga opisyal na wika ng gobyerno.

Wika, Lipunan at Kultura

Ang kursong ito ay kritikal na pag-aaral sa ugnayan ng wika, lipunan at kulturang Pilipino at kung paanong hinuhubog nito ang pagkabansa. Pangunahing batayan ng pag-aaral ang mga kritikal na babasahing inakda ng mga impluwensyal na iskolar ng bansa na tumuon sa wika, lipunan, at kultura.

Pagsasaling Teknikal

Saklaw ng kursong ito ang mga pag-aaral ukol sa mga pagsasaling teknikal, at nagtutuon sa mga teorya at praktika ng pagsasalin. Umuugnay ito sa mga espesyalisadong larang, gaya sa agham, agrikultura, batas, inhenyeriya, at iba pa. Magiging bahagi ng kurso ang paglinang ng kahusayan sa pagsasalin, at ang paghubog sa mga kakayahang may kaugnayan sa paggagap sa wika.

Pagsasaling Pangmidya

Nakatuon ang kursong ito sa pag-aaral na pagsasaling pangmidya — teorya at praktika ng pagsasalin. Magiging bahagi ng kurso ang paglinang sa kahusayan sa pagsasalin na napakapartikular sa larangang midya na huhubog sa mga tagapagsaling makapag-aambag sa pagbubuo ng leksikong pangmidya sa Filipino.

Berbal at Di-Berbal na Komunikasyon sa Filipino

Ang kursong ito ay nakatuon sa mga anyo ng berbal at di-berbal na komunikasyon sa Filipino. Susuriin din ng kurso ang ugnayan ng mga anyong ito ng komunikasyon sa kulturang Pilipino partikular na sa pakikipagkapwa at pakikipag-ugnayan.

Mga Barayti at Baryasyon ng Wikang Filipino

Ang kursong ito ay pagsusuri sa iba't ibang barayti at baryasyon ng wikang Filipino kaugnay ng konsepto nito bilang wikang pambansa na may batayang multilingguwal.

Sintaks at Semantiks ng Wikang Filipino

Ang kurso ay tumatalakay sa mga paraan ng pagbuo ng mga pangungusap sa Filipino at sa mga pananaw at teoryang semantika

Diskurso

Saklaw ng kurso ang pagsusuri sa diskurso na naglalayong bigyan ng kasanayan ang mga mag-aaral sa paghihimay ng mga diskurso — sa katotohanan sa hindi katotohanan; sa may katibayan at walang katibayan, kahulugan at iba pa. Bahagi rin ng kurso ang pag-aaral sa metodolohiya ng aktwal na argumentasyon.

Leksikograpiya

Ang kurso ay pag-aaral sa mga leksikon at gamit at kahulugan ng mga salita sa mga tiyak na larangan tungo sa pagbuo ng glosaryo at/o diksyunaryo.

Tawid-Bansang Pag-aaral ng Filipino

Saklaw ng kurso ang pag-aaral sa teorya at praktika ng pag-aaral ng Filipino sa loob at labas ng bansa. Sakop nito ang talakayan at pagsusuri hindi lamang ng wika kundi maging ang kultura ng bansang Pilipinas at ibang bansa.