Month of August of Every Year as "Buwan ng Wikang Pambansa"
Proklamasyon Blg. 1041, na inilabas noong Hulyo 15, 1997, ay nagtatakda ng Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa sa Pilipinas. Ang proklamasyon ay naglalayong ipaalala ang kahalagahan ng katutubong wika sa komunikasyon, pagkakaisa, at kaunlaran ng bansa, na nakaugat sa mga probisyon ng Saligang Batas. Itinatampok din nito ang papel ni dating Pangulong Manuel L. Quezon bilang Ama ng Wikang Pambansa, na ipinanganak noong Agosto 19. Ang pagdiriwang ay inaasahang isasagawa ng iba't ibang sektor, kabilang ang pamahalaan, edukasyon, at mga NGO.
Law Information
- Reference Number
- Proklamasyon Blg. 1041
- Date Enacted
- Category
- Presidential Issuances
- Subcategory
- Presidential Proclamations
- Jurisdiction
- Philippines
- Enacting Body
- Congress of the Philippines
Full Law Text
Hulyo 15, 1997
PROKLAMASYON BLG. 1041
NAGPAPAHAYAG NG TAUNANG PAGDIRIWANG TUWING AGOSTO 1-31 BILANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA
SAPAGKAT, ang pagpapahalaga sa isang katutubong wikang pambansa ay pinatunayan ng pagkakaroon ng kaukulang probisyon sa Saligang Batas ng 1898, 1935, 1973, at 1987;
SAPAGKAT, ang isang katutubong wikang panlahat ay mahalagang kasangkapan sa komunikasyon, unawaan, kaisahan at kaunlaran ng bansa;
SAPAGKAT, ang katutubong wikang nagsisilbing batayan ng nililinang, pinauunlad at pinagyayaman pang wikang pambansang Filipino ayon sa itinatakda ng Saligang Batas ng 1987, ay gumanap ng mahalagang tungkulin sa Himagsikan ng 1896 tungo sa pagkakamit ng Kasarinlan na ang Ika-100 Taon ay kasalukuyang ipinagdiriwang at ginugunita ng sambayanang Pilipino;
SAPAGKAT, ang dating Pangulong Manuel Luis Quezon, ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, ay isinilang noong Agosto 19, 1878;
DAHIL DITO, AKO, si FIDEL V. RAMOS, Pangulo ng Republika ng Pilipinas, sa bisa ng kapangyarihang kaloob sa akin ng batas, ay nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa, sa pangunguna ng mga pinuno at kawani sa sektor ng pamahalaan, mga pinuno at guro sa sektor ng edukasyon, mga kinatawan ng pakikipagugnayang pang-madla, mga pinuno at miyembro ng iba't ibang organisasyong pangwika, pang-edukasyon, pangkultura at sibiko, at mga organisasyong di-pampamahalaan.
BILANG KATUNAYAN, lumagda ako rito at ipinakintal ang tatak ng Republika ng Pilipinas.
GINAWA sa Lungsod ng Maynila, ngayong ika 15 ng Hulyo, sa taon ng Ating Panginoon, Labinsiyam na Raan at Siyamnapu't Pito.
Cite This Law
Month of August of Every Year as "Buwan ng Wikang Pambansa", Proklamasyon Blg. 1041, Jul 15, 1997 (Philippines)
Month of August of Every Year as "Buwan ng Wikang Pambansa", Proklamasyon Blg. 1041 (Phil. 1997)
Related Laws
- Declaring August of Every Year as "National Electrification Awareness Month"Proclamation No. 1743 • Mar 16, 2009 • Presidential Issuances
- Amending Proclamation No. 1008 (s. 1997) to Declare the Month of August of Every Year as "ASEAN Month"Proclamation No. 282 • Jul 31, 2017 • Presidential Issuances
- Declaring the Month of March of Every Year as "National Women's Heart Health Month"Proclamation No. 1675 • Nov 20, 2008 • Presidential Issuances
- Declaring the Month of June of Every Year as "Scoliosis Awareness Month"Proclamation No. 620 • Nov 8, 2018 • Presidential Issuances
- Declaring the Month of October of Every Year as "National Indigenous Peoples Month"Proclamation No. 1906 • Oct 5, 2009 • Presidential Issuances
- Declaring the Month of September of Every Year as "Philippine Bamboo Month"Proclamation No. 1401 • Jun 27, 2022 • Presidential Issuances
Browse More Presidential Issuances
Explore other laws in the Presidential Issuances category.
View All Presidential IssuancesNeed Help Understanding This Law?
Ask our AI assistant to explain provisions, implications, or related laws.
Ask AI About This Law