Year 2002 as Philippine Centennial of Labor Organizations

Proklamasyon BLG. 174Presidential Issuances

Proklamasyon Blg. 174, na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Abril 12, 2002, ay nagtatakda sa taong 2002 bilang Sentenaryo ng Pambansang Kilusan ng mga Manggagawa ng Pilipinas. Layunin nitong gunitain ang mahahalagang kontribusyon ng mga manggagawa sa bansa, simula sa pagkakatatag ng Unyon Obrero Democratica noong 1902. Itinataguyod ang pagdiriwang mula Mayo 1, 2002 hanggang Abril 30, 2003, kung saan inaatasan ang Kalihim ng Kagawaran ng Paggawa at Hanapbuhay na mangasiwa sa mga aktibidad. Isang pondo na tatlong milyong piso ang ilalaan mula sa "President's Contingent Fund" para sa mga kinakailangang programa. Ang proklamasyon ay agad na magkakabisa.

Abril 12, 2002

PROKLAMASYON BLG. 174

NAGTATAKDA SA TAONG 2002 BILANG SENTENARYO NG PAMBANSANG KILUSAN NG MGA MANGGAGAWA NG PILIPINAS

SAPAGKAT, ang pakikipaglaban ng manggagawang Filipino para sa kasarinlang, katarungan at pagkakapantay-pantay ang naging inspirasyon upang malikha ang kauna-unahang pambansang kilusan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng Unyon Obrero Democratica noong Pebrero 2, 1902;

SAPAGKAT, makalipas ang isang siglo at nararapat na gunitain ng bansa ang pagkalikha ng Union Obrera Democratica at ang ginampanan ng kilusan ng mga unyon ng mga manggagawa at sa pagbuo ng bansa at sa pagsulong ng nasyonalismo;

DAHIL DITO, AKO, SI GLORIA MACAPAGAL-ARROYO, Pangulo ng Pilipinas, sa bisa ng kapangyarihang pinagkaloob sa akin ng batas ay nagpapahayag na ang taong Mayo 1, 2002 hanggang Abril 30, 2003 ay "Sentenaryo ng Pambansang Kilusan ng Mga Manggagawa ng Filipinas".

SEKSIYON 1. Tagapamahala. — Ang Kalihim ng Kagawaran ng Paggawa at Hanapbuhay ay inaatasan na bumuo, mangasiwa, at makipag-ugnayan sa pagsasagawa ng programa para sa isantaong pagdiriwang mula Mayo 1, 2002 hanggang Abril 30, 2003.

SEKSIYON 2. Inisyal na Pondo. — Ang halagang tatlung milyong piso (P3,000,000.00) na kukunin sa "President's Contingent Fund" (PCF) ay palalabasin upang ipatupad ang mga probisyon ng Proklamasyong ito. DTEAHI

SEKSIYON 3. Pagkabisa. — Ang deklarasyong ito ay agad na magkakabisa.

NILAGDAAN sa Lungsod ng Maynila, ngayong ika-12 ng Abril, sa taon ng ating Panginoon, Dalawang Libo at Dalawa.