Proklamason Blg. 5Apr 1, 1986Presidential Issuances

Proklamasyon Blg. 5, na nilagdaan noong Abril 1, 1986, ay nagtatadhana ng taunang pagdiriwang ng Araw ni Balagtas tuwing ika-2 ng Abril. Ito ay bilang pagkilala kay Francisco Baltazar, isang pangunahing makatang Pilipino, na isinilang sa nasabing araw noong 1788. Ang kanyang mga akda, tulad ng "Florante at Laura," ay mahalaga sa paghubog ng nasyonalismong Pilipino. Ang araw na ito ay itinatakdang isang tanging araw na pangilin sa lalawigan ng Bulacan. Ang proklamasyon ay nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino bilang patunay sa kanyang pag-aatas.

April 1, 1986

PROKLAMASYON BLG. 5

NAGTATADHANA NG TAUNANG PAGDIRIWANG NG ARAW NI BALAGTAS TUWING IKA-2 NG ABRIL

SAPAGKAT, si Francisco (Balagtas) Baltazar, pangunahing makatang Pilipino at isa sa mga dakilang bayani ng lahi, ay isinilang noong Abril 2, 1788; at

SAPAGKAT, sa pamamagitan ng kanyang Florante at Laura at iba pang mga akda ay nauna siya kaysa maraming pambansang mga bayaning naghawan sa landas ng nasyonalismong Pilipino; aisa dc

DAHIL DITO, AKO, SI CORAZON C. AQUINO, Pangulo ng Republika ng Pilipinas, ay nagpapahayag at nag-aatas ng taunang pambansang pagdiriwang ng Araw ni Balagtas tuwing ika-2 ng Abril. Ang araw na ito ay pinapahayag na isang tanging araw na pangilin sa lalawigan ng Bulacan.

BILANG KATUNAYAN NITO, lumagda ako rito at ikinintal ang tatak ng Republika ng Pilipinas.

ISINAGAWA sa Lungsod ng Maynila, ngayong ika-isang araw ng Abril, sa taon ng Ating Panginoon, Labinsiyam na Raan at Walumpu't Anim.