Proklamasyon Blg. 19Aug 12, 1986Presidential Issuances

Proklamasyon Blg. 19, na inilabas noong Agosto 12, 1986, ay nagtatakda ng Linggo ng Wikang Pambansa na ipagdiriwang tuwing Agosto 13-19. Ang proklamasyon ay kinikilala ang halaga ng katutubong wika bilang simbolo ng pambansang pagkakaisa at kasangkapan sa pag-unlad. Itinuturing na mahalaga ang Wikang Pambansa sa kasaysayan ng Pilipinas, lalo na sa mga kaganapan ng himagsikan na nagbigay daan sa bagong pamahalaan. Ang pagdiriwang ay hinihikayat para sa lahat ng mamamayan, kasama ang mga institusyon ng pamahalaan at edukasyon.

August 12, 1986

PROKLAMASYON BLG. 19

NA NAGPAPAHAYAG NG PAGDIRIWANG NG LINGGO NG WIKANG PAMBANSA TUWING AGOSTO 13-19 TAUN-TAON

SAPAGKAT ang isang katutubong wikang panlahat ay buklod ng pambansang pagkakaisa, sagisag ng karangalang panlahi, at mabisang kasangkapan sa pag-unlad ng isang bansang nagsasarili at malaya; at cd

SAPAGKAT ang Wikang Pambansang Pilipino ay gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan ng nagbunsod ng bagong pamahalaan.

DAHIL DITO, AKO, si CORAZON C. AQUINO, Pangulo ng Republika ng Pilipinas, sa bisa ng kapangyarihang kaloob sa akin ng batas, ay nagpapahayag na taun-taon, ang panahong mula Agosto 13 hanggang 19, araw ng pagsilang ng naging Pangulong Manuel L. Quezon, itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, ay Linggo ng Wikang Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga mamamayan sa buong bansa, sa pangugnuna ng mga nasa pamahalaan at mga paaralan at gayundin ng mga lider ng iba't ibang larangan ng buhay.

BILANG KATUNAYAN, lumagda ako rito at ikinintal ang tatak ng Republika ng Pilipinas. aisa dc

ISINAGAWA sa Lungsod ng Maynila, ngayong ika 12 araw ng Agosto, Labinsiyam na Raa't Walumpu't Anim; at ng kasarinlan ng Pilipinas, ikawalumpu't walo.