THIRD DIVISION
[G.R. No. 205868. September 16, 2013.]
ROBERTO DELA CRUZ, petitioner, vs. PERMAC METAL CRAFT, respondent.
NOTICE
Sirs/Mesdames :
Please take notice that the Court, Third Division, issued a Resolution dated September 16, 2013, which reads as follows:
"G.R. No. 205868 (Roberto Dela Cruz vs. Permac Metal Craft). — Napagpasyahan ng Kataas-taasang Hukuman na ITALA NGUNIT HINDI PAGTIBAYIN ang Compliance na inihain ng nagpepetisyon na si Roberto Dela Cruz noong ika-8 ng Hulyo, 2013. Ipinagpasya rin ng Kataas-taasang Hukuman na IPAHAYAG na WAKAS at TAPOS na ang kasong ito at IPAGBIGAY-ALAM sa mga partido na ang Desisyon ay pinal na. Maaari na itong isakatuparan.
Sa Resolusyon na may petsang Marso 20, 2013, tinanggihan ng Kataas-taasang Hukuman ang Petisyon dahil walang naipakitang pagkakamali na nararapat ituwid sa hinahamong Desisyon at Resolusyon para magamit ng Kataas-taasang Hukuman ang kapangyarihan nitong dinggin ang mga inaapelang kaso. Dahil sa hindi inihain ng nagpepetisyon ang Motion for Reconsideration sa takdang panahon, ang Resolusyon ng Kataas-taasang Hukuman, na may petsang Marso 20, 2013, ay naging pinal at maaari nang ipatupad noong ika-28 ng Mayo, 2013. TAHIED
Noong ika-8 ng Hulyo, 2013, ang nagpepetisyon ay naghain ng Compliance sa wikang ito. Nakasaad sa ikatlong taludtod nito ang sumusunod:
xxx xxx xxx
3. Ang tanging hinihingi ko po dito sa aking motion for reconsideration ay bigyan po ninyo ng oras at pansin na ang aking position paper, reply, appeal at motion for reconsideration doon po sa arbitration branch at sa commission ay inyo po sana bigyan ng pansin. [Pagsasalungguhit mula sa Hukuman]
Gayunpaman, noong inihain ng nagpepetisyon ang kanyang Compliance, ang Resolusyon ng Kataas-taasang Hukuman noong Marso 20, 2013 ay nauna nang naging pinal. Maaari na itong isakatuparan. Dahil dito, minarapat ng Kataas-taasang Hukuman na huwag nang aksyunan ang nasabing Compliance.
DAHIL SA MGA NABANGGIT, pinagpasyahan ng Kataas-taasang Hukuman na ITALA NGUNIT HINDI PAGTIBAYIN ang Compliance na inihain ng nagpepetisyon na si Roberto Dela Cruz noong ika-8 ng Hulyo, 2013. Bukod dito, pinagpasyahan ng Kataas-taasang Hukuman na IPAHAYAG na WAKAS AT TAPOS NA ang kasong ito at IPAGBIGAY-ALAM sa mga partido na ang Desisyon ay pinal na. Maaari na itong isakatuparan.
IPINAG-UUTOS." AIHaCc
Very truly yours,
(SGD.) LUCITA ABJELINA SORIANODivision Clerk of Court
Footnotes
*Associate Justice Mariano C. Del Castillo was designated as Acting Member of the Third Division, vice Associate Justice Diosdado M. Peralta, per Special Order No. 1541 dated September 9, 2013.