Skip to main content

Re: Dividends

SEC-OGC Opinion No. 10-08 • Securities and Exchange Commission • Opinions • Mar 27, 2008

Full text

March 27, 2008 SEC-OGC OPINION NO. 10-08 Re: Dividends Ginoong Vicente C. Ramirez Unidad, Cagwait 8304 Surigao del Sur G. Ramirez : Ito ay sagot sa inyong sulat na may petsang Nobyembre 19, 2007 kung saan kayo ay nagtatanong kung maari kayong makatanggap ng dividend mula sa Aras-Asan Timber Company, Inc. Kung inyong natatandaan, ang sulat ay inyong ipinadala sa Department of Justice (DOJ) ngunit ito ay inindorso dito sa amin sa Securities and Exchange Commission (SEC). Ayon sa inyong salaysay, noong Disyembre 1972, binigyan kayo ng naturang kompanya ng shares na pinapatunayan ng inilakip ninyo sa inyong sulat na kopya ng Stock Certificate No. 2400. Noong taong 1973, nakatanggap kayo ng dividend na nagkakahalaga ng Tatlumpu't Siyam na Piso at Labimpitung Sentimo (Php 39.17) kada buwan. Sa taon ding iyon, binabawi ng kompanya ang nasabing Stock Certificate subalit hindi ninyo ito isinurender. Mula noon, hindi na kayo nakatanggap ng dividend. Ayon sa ating batas, ang pwede lang pong tumanggap ng dividend mula sa isang korporasyon ay iyong mga stockholders of record. Ikaw ay isang stockholder of record pag ang iyong pangalan ay nakatala sa Stock and Transfer Book ng korporasyon bilang isa sa mga stockholders nito. Kung hindi, sa mata ng korporasyon, hindi ka nito stockholder at wala kang karapatang tumanggap ng dividend mula rito. cEAHSC Batay sa inyong kuwento, kayo ay stockholder of record ng nabanggit na korporasyon noong 1973 dahil binigyan kayo ng dividend noong mga panahong iyon. Ngunit hindi na tayo nakasisiguro kung kayo ay kinikilala pa ng kompanya bilang stockholder of record, lalu pa't nagkaroon kayo ng problema tungkol sa pag- surrender ng inyong Stock Certificate. Sa katunayan nga ay hindi na kayo binigyan pa ng dividend simula noon. Bunsod nito, nararapat ninyong buksan at siyasatin ang Stock and Transfer Book ng Aras-Asan Timber Company, Inc. upang malaman kung kayo ay nakatala pa doon bilang stockholder. Kung hindi na kayo nakalista sa Stock and Transfer Book bilang stockholder ngunit may pinanghahawakan kayong dokumento o ebidensya ng karapatan, dapat inyo nang idulog sa korte ang problema. Sa kabilang banda, kapag ang pangalan ninyo ay nandoon pa sa Stock and Transfer Book, kayo ay pwede pang tumanggap ng dividend. Pero dapat po nating tandaan na hindi dahil ang isang tao ay isang stockholder of record ay automatic na siyang makakatanggap ng dividend. Ito ay sa dahilang kailangan munang magdeklara ng dividend ang Board of Directors ng isang korporasyon. IHaSED Ayon sa Seksyon 43 ng Batas Pambansa Blg. 68 o ang ating Corporation Code, nakasalalay sa desisyon at diskresyon ng Board of Directors ang pagdeklara ng dividend na maaari lamang gawin kung may sapat na kita ang korporasyon o ang tinatawag na unrestricted retained earnings. Samakatwid, ang deklarasyon ng dividend ay posibleng hindi taon-taun magawa. Ngunit isinasaad din sa naturang Seksyon 43 na kapag ang kita ng isang korporasyon ay lumagpas ng higit sa isang daang porsiyento ng paid-up capital nito, nararapat magdeklara ng dividend ang Board of Directors. Kung hindi, pwede ninyong ireklamo dito sa SEC ang korporasyon para sa pagpapataw ng karampatang parusa o multa. Nawa'y natugunan namin ang inyong tanung. Gumagalang, (SGD.) VERNETTE G. UMALI-PACO General Counsel

Ask what this means for your situation

The assistant quotes the passage it relies on and links the source, so you can check every figure it gives you.