Mag-ingat sa Scam
SEC-EIPD Advisory • Securities and Exchange Commission Departments • Enforcement and Investor Protection Department (EIPD)
Full text
2020 ENFORCEMENT AND INVESTOR PROTECTION DEPARTMENT SEC ADVISORY MAG-INGAT SA SCAM Patuloy na kumakalat ang scams na nambibiktima sa publiko na sumali sa anumang negosyo o pagkakakitaan na may pangakong tubo na saklaw ng produktong pinansyal na tinatawag na investment/securities. Para 'wag maloko ng INVESTMENT SCAM, tandaan ang mga sumusunod: A. MAG-RESEARCH, MAGING MAPANURI AT MAGTANONG. 1. KILALANIN ANG KAUSAP O ANG NAG-AALOK. a. Alamin ang kanyang pangalan, saan siya nagtatrabaho at kung ano kanyang posisyon. Kuhanin ang mga importanteng detalye tulad ng company I.D., government I.D., contact number at e-mail address. b. Kung ang iyong kausap ay 'di mo kilala, isang kamag-anak o kaibigan, siya ba ay isang ahenteng lisensyado ng SEC upang mangalap ng investment o manghikayat ng pamumuhunan sa pamamagitan ng securities? I-verify sa: http://cmprs.sec.gov.ph/ 'Wag basta magtiwala kahit sa taong kilala mo. 2. ALAMIN ANG KUMPANYA. a. Ang kumpanya ba na nag-aalok ng investment ay lisensiyado ng SEC? Tandaan, ' di sapat ang rehistrayon sa SEC bilang isang korporasyon o sa ibang ahensiya ng pamahalaan gaya ng Department of Trade and Industry (DTI), Cooperative Development Authority at Bureau of Internal Revenue (BIR) para masabing ito ay legal at may kaukulang lisensyang mag-alok ng "investment opportunities /securities." Ang pag-aalok ng pamumuhunan o investment ay isang gawaing pinangangasiwaan ng gobyerno kaya dapat may permit o lisensya sa SEC (maaaring Permit to Offer and Sell Securities o Securities Broker) ang korporasyon . Ang negosyong maaring pasukin ng isang kumpanya ay dapat alinsunod sa rehistrasyong ipinagkaloob ng SEC na makikita sa primary purpose sa Articles of Incorporation, lalo na kung ito ay tungkol sa pangangalakal ng pera, pagpapautang, pagbebenta ng mga instrumento ng pananalapi o kapital at iba pang uri ng negosyo. b. Ito ba ay may inaalok na produktong pang-konsyumer? Ang produkto ba ay naka-rehistro sa kaukulang ahensya ng pamahalaan? Bilang halimbawa: PRODUKTO AHENSYA WEBSITE Food, food supplements, drugs, cosmetics househould hazardous, pesticides, medical devices, diagnostics and veterinary products. Food and Drugs Authority n www.fda.gov.ph Livestocks, poultry and allied industries Bureau of Animal Industry https://www.bai.gov.ph/ Condominium projects and Housing and Urban Development Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) https://dhsud.gov.ph/ Crypto or Virtual Currencies BSP http://www.bsp.gov.ph/ Virtual Currency (VC) Exchanges c. Ito ba ay may "direct selling" o "multi-level marketing scheme"? Alamin kung ang scheme ay isang "pyramiding" sa pamamagitan ng mga sumusunod: Filename Link a. Anti-Pyramiding Videos https://www.dsap.ph/anti-pyramiding-video/ b. 8-point test https://www.dsap.ph/wp-content/uploads/2018/08/8-Point-Test-POSTER-HIRES-FILE-WFDSA-edited.jpg d. Ito ba ay may opisina na maaring bisitahin? Alamin kung ito talaga ang kanilang opisina sa pamamagitan ng pagtatanong sa barangay, building administrator o sa Business Permits and Licensing Office ng Lungsod/Munisipyo kung saan matatagpuan ang nasabing kumpanya. Kung wala, mag-ingat sa mga ganitong kumpanya. e. Ito ba ay may kaso o reklamo sa SEC? Nakasama ba ito sa Advisory o Cease and Desist Order (CDO) na inisyu ng SEC? Bisitahin ang aming website sa www.sec.gov.ph o opisyal na Facebook page https://www.facebook.com/PhilippineSEC/ o sa pamamagitan ng pag-click sa link: Link Listahan ng "Advisory" https://www.sec.gov.ph/investors-education-and-information/advisories/ Listahan ng "Cease and Desist Order" https://www.sec.gov.ph/sec-issuances/cease-and-desist-orders/ Listahan ng kompanyang may "Revocation Order" https://www.sec.gov.ph/sec-issuances/other-orders/order-of-revocation/ 3. MAGTANONG AT KUMONSULTA Kumonsulta sa mga propesyunal, lehitimo o kilalang stock broker/dealer/agents (mga ahente na lisensyadong bumili or magbenta ng mga produktong pinansyal gaya ng securities) at sa mga tamang ahensiya ng pamahalaan bago magdesisyong mamuhunan. 4. HUMINGI NG KOPYA NG MGA DOKUMENTO. a. Bago sumali sa isang negosyo, humingi ng mga "Certificate of Incorporation," "Articles of Incorporation," "prospectus," katalogo, legal na dokumento at kasulatan tungkol sa pinansyal na kalagayan ng kompanya. Bago pirmahan ang anumang kasulatan, kailangang may kasunduan na maari ninyong bawiin ang inyong pera na naaayon sa inyong kagustuhan. b. May pinapakita ba silang Audited Financial Statements na pina-receive sa BIR o sa SEC? c. Humingi ng opisyal na resibo (Official Receipt) mula sa kumpanya at tao na inyong naka-transaksyon sa negosyo. Mahalaga ang mga impormasyon upang ang mga "investor" ay magkaroon ng "informed decision" kung saan at paano ginagamit ang perang ipinagkatiwala at ang mga panganib o "investment risks" na kaakibat ng negosyo. B. MGA RED FLAGS o SENYALES NG ISANG SCAM 1. Ang nanghihikayat pumasok sa investment ay walang permit sa SEC (iba pa ang rehistrasyon bilang korporasyon) at ang mga produkto ay walang kaukulang lisensya galing sa tamang ahensya ng gobyerno. 2. "Sounds too good to be true" o ang interest o tubong pinapangako ay napakalaki o ang kita ay umaasa sa "invite" o "recruitment" ng ibang tao. 3. May mga mali (typos o grammar) sa kanilang "advertisements" o "posts." 4. Nanghihikayat at nakikipag-usap lamang gamit ang social media o messaging app at hindi personal na sinasabi kung saan matatagpuan ang kanilang opisina o ito ay hindi makita sa kanilang "website" o "social media account." 5. Paggamit ng pekeng "social media accounts" at "websites." Kung magiging mapanuri, makikita na hindi totoo ang kanilang pangalan, phone numbers, credentials, testimonials, larawan at gumagamit ng piktyur ng mga sikat o prominenteng tao upang makapanghikayat. 6. Nang-eenganyong sumali sa nasabing investment sa pamamagitan ng "PM me for details" o "PM is the key." Tinatago nila ang kanilang totoong aktibidad o kung paano nila pinapatakbo ang kanilang operasyon. 7. Hindi nagbibigay ng kopya ng kontrata, prospectus, katalogo, legal na dokumento at kasulutan. 8. Hindi mo maintindihan kung paano ka kikita. Gumagamit ng mga "technical explanations" at nakalilitong paliwanag. 'Wag mag-invest sa mga bagay na di mo maiintindihan. 9. Kapag bayaran na ang usapan, ipinadedeposito ang pera sa isang "account" na nakapangalan sa isang indibidwal at hindi sa korporasyon. 10. Nagpo-post ng piktyur ng malaking halaga ng salapi, tseke o resibo na kumakatawan sa kinita diumano o larawan ng mga mamahaling kotse o kagamitang nakamit upang masabi na sila ay kumikita ng malaki sa nasabing programa. 11. Nangangako ng "guaranteed investment returns" o "high investment returns" sa mga "trivial tasks" tulad ng "click and earn," "watch and earn" o "solve puzzles/math problems." 12. 'Wag mabulag o sumugal sa mga katagang "encoding pa lang tayo," "law of firsts," "double your money," "only for the risk takers" at iba pa. 13. Sa mga nag-aalok ng investment sa cryptocurrency, mag-ingat sa mga scheme na may garantiyang kikita, kailangang mag-recruit para kumita at gumagamit ng "autobot" o "automated trading system." 14. Umiwas sa mga nag-aalok ng investment sa foreign currency na may inisyal na deposito o "margin deposit" at "maintenance margin." Ang ganitong klaseng investment ay tinatawag na "commodity futures contract" o "leveraged foreign currency trading" at ang pag-aalok at trading nito ay kasalukuyang ipinagbabawal sa batas. Para sa ibang impormasyon, maaring bisitahin ang Investment Scam checklist sa link na ito: http://www.sec.gov.ph/public-information-2/investors-education-and-information/investment-scam-checklist/ Ang sinumang "salesmen," "brokers," "dealers," o "agents" na nakikibahagi sa pag-aalok, pagbebenta at pangangalap ng pamumuhunan sa publiko ay maaaring maharap sa paglabag ng Securities Regulation Code na may penalty na aabot hanggang Php5,000,000.00 at pagkakakulong ng 21 taon. Maging ang mga nahikayat na mamuhunan o recruit na namuhunan at nag-aalok din ng nabanggit na investment contract o securities sa publiko ay maaaring mapatawan ng kasong kriminal o kaparehas na parusang nabanggit. Muling pinapaalalahan ang publiko na HUWAG O TIGILANG MAMUHUNAN O MAKIBAHAGI sa kahit anong produkto o gawain na inaalok ng nasabing mga kaduda-dudang indibidwal o pangkat ng indibidwal at maging mapanuri sa pakikipagtransaksyon sa kanila. Kung kayo ay may nalalaman o karagdagang impormasyon sa mga nagsasagawa ng scam, maaaring makipag-ugnayan sa Enforcement and Investor Protection Department (EIPD), sa pamamagitan ng email address: [emailprotected] n Note from the Publisher: Written as "Authority" in the official document.
Ask what this means for your situation
The assistant quotes the passage it relies on and links the source, so you can check every figure it gives you.