SEC Advisory on Advance Fee Scams
SEC Advisory • Securities and Exchange Commission • Advisories
Full text
2024 SEC ADVISORY SEC ADVISORY ON ADVANCE FEE SCAMS Pinagiingat ang publiko sa mga nagpapanggap na registered Lending o Financing Company na nag-aalok magpautang pero manghihingi muna ng deposito (advance fee) sa borrower. AIDSTE Pagkatapos makakuha ang "advance fee" galing sa borrower, ay ibo-block o tatakbuhan na sila ng mga nagpapangap na Lending at Financing Company. Ang panloloko ay madalas nagaganap sa "Telegram" at sa iba pang social media platform. Ang biktima ay isasali sa isang group chat (GC) kasama ang mga nagpapangap na borrowers na nakatanggap ng loan sa tulong ng pekeng Lending o Financing company. Madalas, ang mga makakausap sa GC ay hindi Pilipino o tunog banyaga magsalita. Ipinapaalala namin na ang mga lehitimong lending o financing company ay hindi humihingi ng deposito, processing fee or advance fees mula sa mga borrowers bago magpautang. Pinapayuhan ang publiko na maging mapanuri, mapagmatyag at umiwas sa mga ganitong klaseng modus operandi . Huwag umutang o makipag-transaction sa mga ganitong kumpanya.
Ask what this means for your situation
The assistant quotes the passage it relies on and links the source, so you can check every figure it gives you.