Skip to main content

Na Nagtatakda ng Singilin sa Pagparada/Paghimpil Sa Parking Area ng Bago at Lumang Gusali ng Pamahalaang Bayan ng Navotas, Kalakhang Maynila

Navotas Pambayang Ordinansa Blg. 015-04 • Local Tax Ordinances • Navotas City • Dec 23, 2005

Full text

December 23, 2005 NAVOTAS PAMBAYANG ORDINANSA BLG. 015-04 NA NAGTATAKDA NG SINGILIN SA PAGPARADA/PAGHIMPIL SA PARKING AREA NG BAGO AT LUMANG GUSALI NG PAMAHALAANG BAYAN NG NAVOTAS, KALAKHANG MAYNILA Ipinalad ng Komite ng Ways and Means Tagapangulo: Kon. Perfecto C. Cruz, Jr. Pangalawang Tagapangulo: Kon. Eduardo M. Chu Mga Kaanib: Kon. Arnel S. Lupisan, Kon. Cesar P. Santos at Kon. Enrico P. GinoGino SAPAGKAT, ayon sa itinatakda ng Seksiyon 129 ng Batas ng Pamahalaang Lokal ng 1991, ang bawat yunit ng pamahalaang local ay gagamit ng kanyang kapangyarihang lumikha ng panggagalingan ng kita, at ng pagpapataw ng buwis, kabayaran at mga singilin, sa ilalim ng mga tadhanain dito, na naaayon sa pangunahing patakaran ng awtonomiyang local. Ang nasabing mga buwis, kabayaran at singilin ay tanging say unit ng pamahalaang lokal matutungo; SAPAGKAT, ayon pa rin sa nasabing batas, pamamahalaan din ang mga garahe; itatakda ang lugar na maaaring okupahin ng mga sasakyang pampubliko kung ang mga ito ay hindi ginagamit; SAPAGKAT, ang kikitain ng parking area ay ipapasok sa kabang-yaman ng Navotas na makatutulong sa pagpapanatili ng kaayusan nito, at makatutulong din sa mga proyektong pangkaunlaran ng bayan; DAHIL DITO, ang Sangguniang Bayan ng Navotas ay nagsasabatas ng mga sumusunod: SEKSIYON 1. Pagtatakda ng Lugar na Maaaring Paradahan/Himpilan na may Bayad . Ang mga sumusunod ang mga takdang lugar na maaaring paradahan/himpilan; a.) Harapan ng Gusali ng Pamahalaang Bayan na may 21 slot b.) Gawing likuran ng Gusali ng Pamahalaang Bayan na may 14 slot c.) Gawing tagiliran ng Gusali ng Pamahalaang Bayan na may 5 slot d.) Paligid ng Lumang Gusali ng Pamahalaang Bayan na may 20 slot SEKSIYON 2. Mga Sasakyang Maaaring Pumarada/Humimpil: EcSCAD a.) Vans (L-300) b.) Kotse, Revo (private) c.) Owner Type Jeep d.) Hopper SEKSIYON 3. Mga Sasakyang Hindi Maaaring Pumarada/Humimpil: a.) Container Van b.) Water Tank c.) Ten Wheeler Truck at Six Wheeler Truck d.) Garbage Truck e.) PUJ f.) Tricycle de Motor at De Padyak g.) Delivery Truck h.) Taxi, Tamaraw FX i.) School Services SEKSIYON 4. Takdang Bayarin sa Pagparada/Paghimpil (DAYTIME 8:00 am - 5:00 pm) a.) Vans (L-300) P20.00 para sa unang apat (4) na oras at P10.00 bawat karagdagang oras. b.) Kotse, REVO (private) P20.00 para sa unang apat (4) na oras at P10.00 bawat karagdagang oras. c.) Owner Type Jeep P20.00 para sa unang apat (4) na oras at P10.00 bawat karagdagang oras. d.) Hopper P10.00 para sa unang apat (4) na oras at P5.00 bawat karagdagang oras. SEKSIYON 5. Takdang Bayarin Para sa Overnight Parking (9:00 PM - 6:00 AM) a.) Vans (L-300) - P40.00 b.) Kotse, REVO (private) - P40.00 c.) Owner Type Jeep - P40.00 d.) Hopper - P40.00 SEKSIYON 5.A. Kaparusahan sa Paglabag sa itinatakda ng oras ng Seksiyon 5: a.) Vans (L-300) - P100.00 b.) Kotse, REVO (private) - P100.00 c.) Owner Type Jeep - P100.00 d.) Hopper - P100.00 SEKSIYON 6. Pamamaraan ng Pagparada/Paghimpil a.) Ang lahat ng sasakyang papasok sa parking area ay iisyuhan ng parking ticket. b.) Ang parking ticket ay muling ibibigay bago lumabas upang malaman ang halaga ng bayarin sa pagparada/paghimpil. c.) Ang halaga ng bayarin ay babayaran ng may-ari ng sasakyan sa nakatalagang tauhan para dito. d.) Ang mga taong magbabayad ng buwis (taxpayers) ay maaaring pumarada/humimpil ng libre sa loob lamang ng apat (4) na oras, matapos maipakita ang parking ticket na may lagda ng Pinuno ng Tanggapan ng kanyang pinuntahan o sinumang awtorisadong tauhan sa nasabing tanggapan. e.) Sakaling ang inisyung parking ticket ay mawala, ang may-ari ng sasakyang pumarada ay magbabayad pa rin ng parking fee, at Dalawang Daang Piso (P200.00) para sa nawalang ticket kasabay ng pagpapakita ng 'proof of ownership' o dili kaya'y Official Receipt/Certificate of Registration ng kanilang sasakyan. SEKSIYON 7. Iba Pang Tadhanain ng Ordinansa: 1. Na ang parking area sa ilalim ng Gusali ng Pamahalaang Bayan ay laang paradahan/himpilan ng mga halal na pinuno ng bayan at para sa existing services vehicle ng bawat tanggapan na walang bayad. Ang kaukulang detalye/bilang ng slots ay itatakda ng General Services Officer sa IRR . 2. Ang mga department heads ng Pamahalaang Bayan na may sariling sasakyan ay maaaring pumarada ng walang bayad sa gawing likuran ng gusali sa loob ng walong (8) oras sa araw na may pasok lamang depende pa rin kung may bakante pang puwesto para dito. Kung sakaling lumagpas sa walong (8) oras, ang department heads ay magbabayad ng regular rates, ayon sa itinatakda ng Seksiyon 4 ng ordinansang ito. Ang kaukulang detalye/bilang ng slots ay itatakda ng General Services Officer sa IRR . 3. Mahigpit na ipinagbabawal ang paglilinis (car wash), pagkukumpuni ng mga sasakyan sa itinakdang parking area. 4. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagparada o paghimpil ng mga sasakyang may kargadang isda o kauri nito. 5. Itinatakda rin ng ordinansang ito na ang namamahala ng parking area ay hindi responsable sa anumang gamit o kasangkapan ng sasakyan o nasa loob nito na mawala, masira sa panahon ng paghimpil nito. 6. Itinatakda rin ng ordinansang ito na ang 20 parking slot ay ilalaan ng walang bayad sa sinumang aarkila para sa isang 'function room' at 40 parking slot para sa dalawang 'function room' na makikita sa 4th floor. SEKSIYON 8. Pamamahala ng Parking Area. Ang parking area ay sasailalim ng pamamahala ng mga sumusunod na tanggapan na magtatalaga ng mga tauhan sa pamamagitan ng pagpapalitan (shifting). a.) Tanggapan ng Pambayang Ingat Yaman mamamahala sa paniningil ng bayarin sa parking area. b.) Public Order and Safety Office mangangalaga sa kapayapaan at kaayusan ng parking area. c.) General Services Office mangangalaga sa kalinisan ng parking area. SEKSIYON 9. Paghihiwalay. Kung alinman sa bahagi ng ordinansang ito ang ipahayag ng hukuman na may sadyang kapangyarihan dito na salungat sa Saligang Batas, ang bahagi na hindi ipinahayag na gayon ay hindi masasaklaw at mananatiling umiiral. SEKSIYON 10. Pagsasaisang-tabi. anumang ordinansang umiiral na salungat sa itinatakda ng ordinansang ito ay ipinahahayag na isinasa-isang tabi, binabago o sinususugan. SEKSIYON 11. Pagkakabisa. Ang ordinansang ito ay magkakabisa matapos na mapagtibay. CSTcEI Ginawa ngayong ika 23 ng Disyembre, 2005 sa panahon ng tanging pulong ng Sangguniang Bayan ng Navotas. PINAGTIBAY: (SGD.) ARNEL S. LUPISAN Konsehal (SGD.) JOSE RONNIE I. SALVADOR Konsehal (SGD.) GERARDO T. SANTIAGO Konsehal (SGD.) CESAR P. SANTOS Konsehal (SGD.) ERLINDA S. RAMIREZ Konsehal (SGD.) PERFECTO C. CRUZ, JR. Konsehal (SGD.) EDUARDO M. CHU Konsehal (SGD.) ROMEO C. GINOGINO Konsehal (SGD.) ALFREDO R. PEA Konsehal (SGD.) ENRICO P. GINOGINO Konsehal (SGD.) DOMINGO L. ELAPE Konsehal (SGD.) ALFREDO N. LIZAN Konsehal (SGD.) ALFREDO R. VICENCIO Konsehal (SGD.) CLINT NICOLAS B. GERONIMO Konsehal Pinatutunayan ko ang katumpakan ng nakasaad sa Pambayang Ordinansang ito. (SGD.) MARLON S. SERRANO Kalihim Sangguniang Bayan PINATOTOHANAN AT PINATUTUNAYANG PINAGTIBAY: (SGD.) PATRICK JOSEPH A. JAVIER Pangalawang Punong Bayan Tagapangulo, Sangguniang Bayan PINAGTIBAY ngayong ika 4 ng Enero, 2005. (SGD.) TOBIAS M. TIANGCO Punong Bayan

Ask what this means for your situation

The assistant quotes the passage it relies on and links the source, so you can check every figure it gives you.