Skip to main content

Na Nagtatakda ng Terminal Fees sa Bagong Tayong Navotas Transport Terminal sa Panulukan Ng C-4 At R-10, Barangay Bagumbayan North at Nagtatadhana ng Mga Alituntunin sa Operasyon at Pangangasiwa Nito

Navotas Pambayang Ordinansa Blg. 005-01 • Local Tax Ordinances • Navotas City • Sep 24, 2001

Full text

September 24, 2001 NAVOTAS PAMBAYANG ORDINANSA BLG. 005-01 NA NAGTATAKDA NG TERMINAL FEES SA BAGONG TAYONG NAVOTAS TRANSPORT TERMINAL SA PANULUKAN NG C-4 AT R-10, BARANGAY BAGUMBAYAN NORTH AT NAGTATADHANA NG MGA ALITUNTUNIN SA OPERASYON AT PANGANGASIWA NITO SAPAGKAT, ang bagong tayong Navotas Transport Terminal sa panulukan ng C-4 at R-10, sa barangay Bagumbayan North ay maaari nang mag-'operate' anumang oras; SAPAGKAT, sa pagsisimula ng operasyon ng nasabing terminal ay kinakailangang magtakda ang Pamahalaang Bayan ng mga alituntunin na gagamitin sa maayos na pangangasiwa at pagpapatakbo nito; SAPAGKAT, ang kikitain ng nasabing terminal ay papasok sa kabang-yaman ng Pamahalaang Bayan, na maaaring magamit sa iba't-ibang proyektong pangkaunlaran ng Navotas; DAHIL DITO, ang Sangguniang Bayan ng Navotas, Kalakhang Maynila ay nagsasabatas ng mga sumusunod: SEKSIYON 1. Pamagat. Ang ordinansang ito ay makikilala bilang "Ordinansa na nagtatakda ng Terminal Fees sa bagong tayong Navotas Transport Terminal sa panukulan ng C-4 at R-10, Barangay Bagumbayan North at nagtatadhana ng mga alituntunin sa operasyon at pangangasiwa nito". SEKSIYON 2. Mga Sasakyang Maaaring Humimpil. Ang mga sasakyang panghanap-buhay na naghahatid ng tao at mga kalakal tulad ng bus, taxi (pangkaraniwang kotse) mega taxi (Tamaraw FX at kauri), PUJ at tricycle de motor ay maaring humimpil dito. SEKSIYON 3. Mga Sasakyang Hindi Maaaring Humimpil. Ang mga container van, water tank, garbage truck, ten wheeler at tricycle de padyak ay hindi pahihintulutang dito ay humimpil. SEKSIYON 4. Taunang Membership Fee. Ang mga may-ari ng mga sasakyang nais humimpil ay magbabayad ng halagang Dalawang Daang Piso (P200.00) bilang membership fee para sa mga bus, Isang Daang Piso (P100.00) para sa mga mega taxi (Tamaraw FX at kauri), taxi (karaniwang kotse, at PUJ, at Limampung Piso (P50.00) para sa mga tricycle de motor, pagkatapos sila ay bibigyan ng membership sticker na siyang pagkakakilanlan (membership identification) na may bisa sa loob ng isang taon. SEKSIYON 5. Mga Takdang Bayarin (Terminal Fees). 5.A Para sa mga Bus, sa bawat paghahatid o paglabas mula sa terminal P30.00 5.B Para sa mga mega taxi, pangkaraniwang taxi, at Public Utility Jeepney sa bawat pag- hahatid o paglabas mula sa terminal P5.00 5.K Para sa mga tricycle de motor sa bawat paghahatid o paglabas mula sa terminal P1.00 5.D Itinatakda rin ng ordinansang ito ang pagbabayad ng multang Isang Daang Piso (P100.00) para sa naiwalang sticker para sa itinatakda ng 5.A t 5.B at Limampung Piso (P50.00) para sa 5.K. SEKSIYON 6. Bilang ng mga Sasakyan na Maaaring Humimpil. ang bilang ng mga sasakyang maaaring humimpil sa terminal sa isang takdang oras (at a given time) o panahon ay ayon sa mga sumusunod: SEAHcT Bus 7 Taxi (pangkaraniwang o mega) 10 PUJ o kauri 12 Tricycle de motor 15 Ang paghimpil ay ayon sa "first come, first serve basis", at ang mga sasakyan na labis sa itinatakdang bilang sa seksiyong ito ay maaring pansamantalang humimpil sa parking area na nasa gawing kaliwa ng terminal, habang hinihintay na mabakante ang mga lugar (designated place) na dapat paghimpilan nito sa loob ng terminal. SEKSIYON 7. Itinatakda rin ng ordinansang ito ang pagbabawal ng pagkukumpuni ng mga sirang sasakyan, paglilinis ng mga sasakyan, at paggamit ng terminal bilang parking area. SEKSIYON 8. Pagtatakda ng mga Tao para sa Implementasyon at Seguridad ng Terminal. 1) Ang Tanggapan ng Ingat Yaman ay magtatalaga ng taong siyang tatanggap ng mga bayarin, at magbibigay ng 'Official Receipt' bilang katibayan ng pagbabayad. Itatalaga sa pamamagitan ng pagpapalitan (shifting) ayon sa pagkakasunod-sunod na oras: 6:00 AM 12:00 NN 12:00 NN 6:00 PM 6:00 PM 12:00 PM 12:00 PM 6:00 AM 2) Ang Public Order and Safety Office (POSO) ang magtatalaga ng mga taong magpapanatili ng katahinikan at seguridad sa terminal, sa pamamagitan din ng pagpapalitan (shifting), ayon sa pagkakasunod-sunod: 6:00 AM 12:00 NN 12:00 NN 6:00 PM 6:00 PM 12:00 PM 12:00 PM 6:00 AM SEKSIYON 9. Comfort Rooms. Upang tiyak na mapangangalagaan ang kalinisan ng mga comfort rooms, ang pamamahala nito ay dadan din sa isang 'public bidding'. Ang sinumang mananalo ay dapat sumunod sa patakaran tulad ng: 9.A Ang upa ng paggamit nito ay Dalawang Piso (P2.00) lamang 9.B Ang mamamahala sa mga comfort rooms ang siyang responsable sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan nito. SEKSIYON 10. Mga Nakatayong Stalls. 10.A Ang halaga ng upa (rental fee) sa mga nakatayong stalls ay alinsunod sa mga patakaran ng public bidding. 10.B Ang mga mag-mamay-ari o uupa sa mga nakatayong stalls ang siyang responsable sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran ng mga stalls. SEKSIYON 11. Itinatakda rin ng ordinansang ito na ang namamahala ng terminal na ito ay hindi responsable sa anumang kagamitan, kasangkapan, ng sasakyan o nasa loob nito ang mawala o masira sa panahon ng paghimpil ng mga sasakyan. THAICD SEKSIYON 12. Paghihiwalay. Ang alinmang ordinansa ng Navotas na umiiral hinggil dito ay itinuturing na isinasaisang tabi at pinawawalang bisa nito. Kung alinmang bahagi nito ay ipahayag ng hukuman na salungat sa Saligang Batas, ang bahagi na hindi saklaw ay mananatiling umiiral. SEKSIYON 13. Pagkakabisa. Ang ordinansang ito ay magkakabisa matapos na pagtibayin sa Sangguniang Bayan at ng Punong Bayan sampaung araw (10) matapos na mapaskil sa mga hayag na lugar sa bayan ng Navotas, at maipalathala sa pahayagang may malawak na sirkulasyon. Ginawa ngayong ika 24 ng Setyembre, 2001, sa panahon ng pangkaraniwang pulong ng Sangguniang Bayan ng Navotas, Kalakhang Maynila. PINAGTIBAY: ARNEL S. LUPISAN Konsehal (SGD.) JOSE RONNIE I. SALVADOR Konsehal (SGD.) CESAR P. SANTOS Konsehal (SGD.) GERARDO A. PLAMENCO Konsehal (SGD.) ERLINDA S. RAMIREZ Konsehal (SGD.) ALFREDO R. PEA Konsehal (SGD.) GERARDO T. SANTIAGO Konsehal (SGD.) ROMEO C. GINOGINO Konsehal ALFREDO N. LIZAN Konsehal (SGD.) EDUARDO M. CHU Konsehal (SGD.) EDGARDO S. SANTIAGO Konsehal (SGD.) PERFECTO C. CRUZ, JR. Konsehal (SGD.) REYNALDO DL. TAN Konsehal (SGD.) JENNIFER G. VERGARA-SERRANO Konsehal Pinatutunayan ko ang katumpakan ng nakasaad sa Pambayang Ordinansang ito. (SGD.) MARLON S. SERRANO Kalihim Sangguniang Bayan PINATOTOHANAN AT PINATUTUNAYANG PINAGTIBAY: (SGD.) LUTGARDO V. CRUZ Pangalawang Punong Bayan Tagapangulo, Sangguniang Bayan PINAGTIBAY ngayong ika-20 ng Oktubre, 2001 (SGD.) TOBIAS M. TIANGCO Punong Bayan

Ask what this means for your situation

The assistant quotes the passage it relies on and links the source, so you can check every figure it gives you.