Amendment to Fees and Taxes for the 'Buy and Sell' of Fish Inside the Philippine Fishport Authority in Navotas
Navotas Pambayang Ordinansa Blg. 004-98 • Local Tax Ordinances • Navotas City • Dec 17, 1998
Full text
December 17, 1998 NAVOTAS PAMBAYANG ORDINANSA BLG. 004-98 NA MAHIGPIT NA IPINATUTUPAD ANG MGA TAKDANG SINGILIN/BUWIS SA MGA 'BUY AND SELL' NG ISDA SA LOOB NG PHILIPPINE FISHPORT AUTHORITY, NAVOTAS KALAKHANG MAYNILA AT NAGTATAKDA NG MGA KAPARUSAHAN SA MGA LALABAG NITO SAPAGKAT, isinasaad sa Seksiyon 447 (2) ii ng Batas Republika Blg. 7160 o ng "Batas ng Pamahalaang Lokal ng 1991" na ang bawat pamahalaang lokal ay binibigyang kapangyarihan na gumawa ng sarili nitong pagkukunan ng pagkakakitaan o maghanap ng paraan kung papaano mapalalaki ang kita ng Pamahalaan; SAPAGKAT, sa ilalim pa rin ng batas na isinasaad sa taas, Seksiyon 447 (3) na "ang Pamahalaang Lokal ay may kapangyarihang gumawa ng mga ordinansang magpapataw ng buwis, mga butaw at iba pang mga singilin sa ilalim ng mga kondisyon at mga layuning inilalaan sa pagpapaunlad ng kapakanang panlahat"; SAPAGKAT, matapos ang mahabang pandinig (public hearing) na isinagawa ng Komite ng "Ways and Means" at batay na rin sa isinasaad ng Pambayang Resolusyon Blg. 98-13, napagpasyahan na magtatakda ng mga kaukulang kabayaran o buwis sa mga "buy and sell" sa loob ng PFDA gayon din ang pagtatakda ng mga kaparusahan sa mga lalabag sa itinatadhana nito; SAPAGKAT, marapat lamang na magbigay ng takdang buwis ang mga "buy and sell", sa loob ng Fishery Port sapagkat sila'y nagsisipaghanapbuhay sa loob ng bayan ng Navotas; Dahil dito, PAGTIBAYIN na tulad ngayo'y PINAGTITIBAY ng Sangguniang Bayan ng Navotas, Kalakhang Maynila ang mga sumusunod: SEKSIYON 1. Pamagat. Ito ay makikilala sa pamagat na "Ordinansa na mahigpit na ipinatutupad ang mga takdang singilin/buwis sa mga "buy and sell" ng isda sa loob ng Philippine Fishport Authority, Navotas, Kalakhang Maynila at nagtatakda ng mga kaparusahan sa mga lalabag nito." SEKSIYON 2. Pakahulugan ng mga Salita. BUY AND SELL tagapakyaw at tagabenta ng isda mula sa 'consignacion' tungo sa mga tindera. SEKSIYON 3. Pagtatakda ng Buwis o Singilin. ang buwis/singilin ay ibabatay sa mga sumusunod na klasipikasyon: CLASS A: May kapital na P750,000.00 pataas P2,000.00 mayor's permit 50.00 sanitary permit 100.00 garbage fee 30.00 food handler P2,180.00 kabuuang halaga ng bayarin aTIAES ======= CLASS B: May kapital na P600,000.00 pataas ngunit hindi hihigit sa P750,000.00 P1,500.00 mayor's permit 50.00 sanitary permit 100.00 garbage fee 30.00 food handler P1,680.00 kabuuang halaga ng bayarin ======= CLASS C: May kapital na mas mababa sa P600,000.00. P1,120.00 mayor's permit 50.00 sanitary permit 100.00 garbage fee 30.00 food handler P1,300.00 kabuuang halaga ng bayarin ======= Ang bayaring ito ay para sa isang (1) taon. SEKSIYON 4. Lugar ng Pagbabayaran ng mga Takdang Singilin o Buwis. Ang Tanggapan ng "Business Permit and Licensing Office" ay magtatasa/magkukuwenta ng karampatang buwis/singilin at babayaran sa Tanggapan ng Ingat-Yaman. SEKSIYON 5. Multa sa Paglabag. ang sinumang "buy and sell" na lalabag sa itinatadhana ng Seksiyon 3 ng ordinansang ito ay papatawan ng karampatang multa ayon sa isinasaad ng Seksiyon 223, Title 8, Chapter 42 ng Pambayang Ordinansa Blg. 92-12 (Local Revenue Code) at 25% surcharge + 1% per month of the unpaid taxes. SEKSIYON 6. Pagkakabisa. Ang Ordinansang ito ay magkakabisa sa sandali na ito ay mapagtibay at maipaskil sa mga hayag na pook at matapos na ito ay maipalathala sa isang pahayagan na may malawak na pamamahagi. SEKSIYON 7. Paghihiwalay. Kung ang alinman sa bahagi nito ay ipinahayag ng hukuman na may sadyang kapangyarihan dito na salungat sa Saligang Batas, ang bahagi na hindi ipinahayag na gayon ay hindi masasaklaw at manatiling umiiral. SEKSIYON 8. Pagsasaisang-Tabi. Anumang Ordinansang umiiral na hindi kaisa o sumasang-ayon sa Ordinansang ito ay ipinapahayag na isinaisang-tabi, binago o isinasaayos ayon sa pangangailangan. Ginawa ngayong ika-17 ng Disyembre, 1998 sa panahon ng pangkaraniwang pulong ng Sangguniang Bayan ng Navotas, Kalakhang Maynila. PINAGTIBAY: (SGD.) ANTONIO S. TEODORO Konsehal (SGD.) ARMANDO T. ALMOCERA Konsehal (SGD.) CESAR P. SANTOS Konsehal ULYSSES A. ALONZO Konsehal (SGD.) ROMEO C. GINO-GINO Konsehal (SGD.) DOMINGO L. ELAPE Konsehal (SGD.) ALFREDO R. PEA Konsehal GERARDO A. PLAMENCO Konsehal (SGD.) ALFREDO N. LIZAN Konsehal (SGD.) EDGARDO S. SANTIAGO Konsehal REYNALDO L. TAN Konsehal JENNIFER G. VERGARA Konsehal Pinatutunayan ko ang katumpakan ng nakasaad sa Pambayang Ordinansang ito. (SGD.) MARLON S. SERRANO Kalihim Sangguniang Bayan
Ask what this means for your situation
The assistant quotes the passage it relies on and links the source, so you can check every figure it gives you.