Skip to main content

Amendment to Chapter 32, Section 156-C (Market Entrance Fee) of the Revenue Code of Navotas

Navotas Pambayang Ordinansa Blg. 002-95 • Local Tax Ordinances • Navotas City • Nov 2, 1995

Full text

November 2, 1995 NAVOTAS PAMBAYANG ORDINANSA BLG. 002-95 NA NAG-AAMYENDA SA SECTION 156-C MARKET ENTRANCE FEE NG CHAPTER 32 PUBLIC UTILITY CHARGE NG PAMBAYANG ORDINANSA BLG. 92-12 (REVENUE CODE) AT NAGTATAKDA NG BAGONG ESKALA NG BUTAW (MARKET FEE) SA LAHAT NG PALENGKE SA BUONG NAVOTAS SAPAGKAT, and lahat ng nagbababa ng isda sa Market I, II at III ng Philippine Fishery Port Development Authority (PFDA) ay nagbabayad lamang ng P1.25 bilang renta nila sa PFDA sa paggamit ng mga pasilidad nito; SAPAGKAT, ang P2.00 sinisingil ng Munisipyo bilang butaw o buwis sa bawat lalagyan ng isda sa Market I, II at III ng PFDA ay labis pa sa sinisingil na renta ng PFDA; SAPAGKAT, ang Industriya ng Pangisdaan (Fishing Industry) ay labis na ang pahirap na tinatanggap katulad ng pagdagsa ng "Imported Fish" sa lahat ng palengke sa buong Navotas, pagtaas ng langis at iba pa. DAHIL DITO, PINAGTIBAY na tulad ngayon ay PINAGTITIBAY ang Ordinansa na nag-aamyenda sa Section 156 C Market Entrance Fee ng Chapter 32 Public Utility Charge ng Pambayang Ordinansa Blg. 92-12 (Revenue Code). aEcADH PAGPASIYAHAN din na tulad ngayon ay PINAGPAPASIYAHAN ang pagtatakda ng Bagong Eskala ng Butaw (Market Fee) sa lahat ng palengke sa buong Navotas tulad ng sumusunod: P0.60 sa bawat lalagyan na nagkakarga ng isda na may kabuuang bigat na 35 kilo pataas. P0.40 sa bawat lalagyan na nagkakarga ng isda na may kabuuang bigat na bababa sa 35 kilo. P0.50 sa bawat piraso ng isda ng may timbang ng 15 kilo pataas. P0.05 sa bawat kilo ng isda na ang sistema ng pagbebenta ay tingi (retail basis). PINAGPASIYAHAN at PINAGTIBAY ngayong ika 02 ng Nobyembre, 1995, sa pangkaraniwang pulong ng Sangguniang Bayan ng Navotas, Kalakhang Maynila. PINAGTIBAY: (SGD.) JAIME A. DELOS SANTOS Pangalawang Punong Bayan/Tagapangulo (SGD.) ANTONIO S. TEODORO Kagawad GERARDO A. PLAMENCO Kagawad (SGD.) REYNALDO M. ABLOLA Kagawad ULYSSES A. ALONZO Kagawad (SGD.) EDWIN M. PALOMATA Kagawad (SGD.) ARMANDO T. ALMOCERA Kagawad (SGD.) DAVID S. PASCUAL Kagawad (SGD.) EDUARDO P. JAVIER Kagawad (SGD.) JOSE C. PROVIDO Kagawad (SGD.) ALBERTO P. SENGCO Kagawad (SGD.) ARNEL S. LUPISAN Kagawad AMADO G. LUCIO Kagawad (SGD.) REYNALDO L. TAN Kagawad (SGD.) JOSE RONNIE I. SALVADOR Kagawad Pinatutunayan ko and katumpakan na nakasaad sa Pambayang Ordinansang ito. (SGD.) MARLON S. SERRANO Kalihim Sangguniang Bayan PINAGTIBAY ngayong ika 13 ng Nobyembre, 1995. (SGD.) FELIPE C. DEL ROSARIO, JR. Punong Bayan

Ask what this means for your situation

The assistant quotes the passage it relies on and links the source, so you can check every figure it gives you.