Skip to main content

Isang Ordinansa sa Nag-Aamyenda sa Seksiyon 119 (Rate Of Charges-Parking) na Pambayang Ordinansa Blg. 92-12 na Kilala Bilang Kodigo ng Pagkakakitaan ng Navotas

Navotas Pambayang Ordinansa Blg. 002-01 • Local Tax Ordinances • Navotas City • Oct 20, 2001

Full text

October 20, 2001 NAVOTAS PAMBAYANG ORDINANSA BLG. 002-01 ISANG ORDINANSA NA NAG-AAMYENDA SA SEKSIYON 119 (RATE OF CHARGES-PARKING) NA PAMBAYANG ORDINANSA BLG. 9 2-12 NA KILALA BILANG KODIGO NG PAGKAKA KITAAN NG NAVOTAS SAPAGKAT, may bagong tayong parking area sa panulukan ng C-4 at R-10, Barangay Bagumbayan North na maari ng magbukas ng operasyon sa anumang oras; SAPAGKAT, upang maging maayos ang pagpapatakbo o operasyon nito ay kinakailangan magsabatas ng mga alituntunin dito; SAPAGKAT, ang kikitain ng nasabing parking area ay ipapasok sa kabang-yaman ng Navotas na makatutulong ng malaki sa mga proyektong pangkaunlaran; DAHIL DITO, ang Sangguniang Bayan ng Navotas ay nagsasabatas ng mga sumusunod: SEKSIYON 1. Pamagat. Ang Ordinansang ito ay makikilala bilang "Isang ordinansa na nag-aamyenda sa Seksyon 119 (Rate of Charges-Parking) ng Pambayang Ordinansa Blg. 92-12, na kilala bilang kodigo ng Pagkakakitaan ng Navotas. SEKSIYON 2. Mga Sasakyang Maaring Humimpil. Ang mga sasakyang panghanapbuhay na naghahatid ng tao o kalakal tulad ng bus, six wheeler truck, taxi (pangkaraniwan tulad ng kotse) mega taxi (Tamaraw FX), PUJ (Public Utility Jeepneys), tricycle de motor, at mga pribadong sasakyan tulad ng kotse, owner type jeep, van, at iba pang kauri nito, ay maaring humimpil dito. SEKSIYON 3. Mga Sasakyang Hindi Maaring Humimpil. Ang mga container van, water tank, at garbage truck at ten wheeler truck ay hindi pinahihintulutan ang paghimpil dito, maliban kung ito ay nahila (towed) dahil sa paglabag sa Towing Ordinance. SEKSIYON 4. Mga Takdang Bayarin (Parking Fees). 4.A Para sa mga bus, six wheeler P20.00 para sa unang truck tatlong (3) oras 4.B Sa bawat karagdagang oras ng P4.00 kada oras pahimpil ng mga sasakyan ayon sa itinatakda ng Seksyon 4.A ng ordinansang ito. 4.K Para sa mga taxi, kotse, van, P10.00 para sa unang PUJ, owner type jeep, taxi, tatlong (3) oras mega taxi (FX) ng paghimpil. 4.D Sa bawat karagdagang oras ng P2.00 kada oras paghimpil ng mga sasakyang ayon sa itinatakdang Seksiyon 4.K ng ordinansang ito. 4.E Para sa mga tricycle de motor P5.00 para sa unang tatlong (3) oras ng paghimpil. 4.G Sa bawat karagdagang oras ng P1.00 kada oras paghimpil ng mga sasakyang ayon sa itinatakda ng Seksiyon 4.E ng ordinansang ito. 4.H Na ang limampung puwesto (slots) ay igagawad/ibibigay sa sinumang may gusto sa terminong buwanang upa sa halagang Apat na Raang Piso (P400.00). Ito ay pagkakalooban ng sticker bilang pagkakakilanlan na may bisa sa loob ng isang taon sa halagang P50.00. 4.I Na ang naglalabing slots ay pauupahan ayon sa isinasaad ng Seksiyon 4.A hangang 4.G. SEKSIYON 5. Takdang bayarin (parking fee) para sa nahilang (towed) sasakyan, tulad ng container van, water tank, garbage truck at ten wheeler truck. P100.00 kada oras matapos ang 24 oras na pagkakahuli. SEKSIYON 6. Pagtatakda ng mga Tao para sa Implementasyon at Seguridad ng Parking Area. 1) Ang Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman ang magtatalaga ng mga taong siyang tatanggap ng mga bayarin sa parking area na itatalaga sa pamagitan ng pagpapalitan (shifting) ayon sa pagkakasunod-sunod na oras: 6:00 AM 12:00 NN 12:00 NN 6:00 PM 2) Ang Public Order & Safety Office (POSO) ang magtatalaga ng mga taong magpapanatili ng katahimikan at seguridad sa parking area, sa pamamagitan din ng pagpapalitan (shifting) ayon sa itinakda ng oras ng Sesiyon 6.1 ng ordinansang ito. 6:00 AM 12:00 NN 12:00 NN 6:00 PM 6:00 PM 12:00 PM 12:00 PM 6:00 AM PINAGTIBAY: (SGD.) ARNEL S. LUPISAN Konsehal (SGD.) JOSE RONNIE I. SALVADOR Konsehal (SGD.) CESAR P. SANTOS Konsehal (SGD.) GERARDO A. PLAMENCO Konsehal (SGD.) ERLINDA S. RAMIREZ Konsehal (SGD.) ALFREDO R. PEA Konsehal (SGD.) GERARDO T. SANTIAGO Konsehal (SGD.) ROMEO C. GINOGINO Konsehal ALFREDO N. LIZAN Konsehal (SGD.) EDUARDO M. CHU Konsehal (SGD.) EDGARDO S. SANTIAGO Konsehal (SGD.) PERFECTO C. CRUZ, JR. Konsehal (SGD.) REYNALDO DL. TAN Konsehal (SGD.) JENNIFER G. VERGARA-SERRANO Konsehal Pinatutunayan ko ang katumpakan ng nakasaad sa Pambayang Ordinansang ito. (SGD.) MARLON S. SERRANO Kalihim Sangguniang Bayan PINATOTOHANAN AT PINATUTUNAYANG PINAGTIBAY: (SGD.) LUTGARDO V. CRUZ Pangalawang Punong Bayan Tagapangulo, Sangguniang Bayan PINAGTIBAY ngayong ika-20 ng Oktubre, 2001. (SGD.) TOBIAS M. TIANGCO Punong Bayan

Ask what this means for your situation

The assistant quotes the passage it relies on and links the source, so you can check every figure it gives you.