Skip to main content

Isang Kautusan na Naggagawad at Nagbibigay ng Kaluwagan o' Amnestiya (Tax Amnesty) sa mga Mamamayan sa Kanilang Pagbabayad ng mga Takdang Singilin sa mga Ari-Ariang Di-Natitinag (Real Property) sa Pamamagitan ng Pag-alis ng Pagbabayad ng Multa o' Tubo (Penalty, Interest and/or Surcharges)

Kautusang Panlungsod ng Malolos Blg. 076-18 • Local Tax Ordinances • Bulacan • Nov 29, 2018

Full text

November 29, 2018 Hango sa Katitikan ng Karaniwang Pulong ng Sangguniang Panlungsod ng Malolos na Ginanap sa Bulwagang Don Ramon G. De Leon ng Pamahalaang Panlungsod Noong ika-29 ng Nobyembre, 2018. KAUTUSANG PANLUNGSOD NG MALOLOS BLG. 076-18 ISANG KAUTUSAN NA NAGGAGAWAD AT NAGBIBIGAY NG KALUWAGAN O' AMNESTIYA (TAX AMNESTY) SA MGA MAMAMAYAN SA KANILANG PAGBABAYAD NG MGA TAKDANG SINGILIN SA MGA ARI-ARIANG DI-NATITINAG (REAL PROPERTY) SA PAMAMAGITAN NG PAG-ALIS NG PAGBABAYAD NG MULTA O' TUBO (PENALTY, INTEREST AND/OR SURCHARGES) Pangunahing May Akda: Igg. Noel G. Pineda Kamay-akda: Bumubuo ng Sangguniang Panlungsod ng Malolos Ang Sangguniang Panlungsod ng Malolos ay itinatadhana ang sumusunod na may bisa ng batas, na: HTcADC TUNTUNIN 1. Nagbibigay ng kaluwagan (tax amnesty) sa mga mamamayan sa kanilang pagbabayad ng mga takdang singilin sa mga ari-ariang di-natitinag (real property) sa pamamagitan ng pag-aalis ng pagbabayad ng mga multa o' tubo (penalty, interest and/or surcharges) sa Lungsod ng Malolos. TUNTUNIN 2. Ang lahat ng napabayaang bayarin sa buwis sa mga ari-ariang di natitinag ay ipapatawad ang lahat ng multa o' tubo (penalty, interest and/or surcharges) para sa taong 2017 pababa kapag nabayaran mula ika-03 ng Disyembre, 2018 hanggang ika-31 ng Marso, 2019. TUNTUNIN 3. Ang lahat ng buwis na di-nabayaran sa nabanggit na petsa ay mababalik sa dating kalagayan na mayroong multa o' tubo (penalty, interest and/or surcharges) na 2% bawat buwan o' higit pa pagkaraan ng Marso 31, 2019. TUNTUNIN 4. Ang lahat ng pag-aaring mananatiling may pagkukulang sa kabayaran ng buwis (delinquent accounts) ay mapapasailalim sa pagsusubasta upang ang halagang mapagbibilhan nito ang siyang mananagot sa pagkakautang sa buwis. TUNTUNIN 5. Ang tanggapang ng Panlungsod na Ingat-yaman ay inaatasan na isagawa ang lahat ng pangangasiwa upang maisakatuparan ang kautusang ito. TUNTUNIN 6. Ang kautusang ito ay magkakabisa ay ipatutupad simula sa araw ng pagkakapatibay. PINAGTIBAY. CAIHTE (SGD.) KGG. FRANCISCO J. CASTRO Kasangguni (SGD.) KGG. NOEL G. PINEDA Kasangguni hindi nakadalo KGG. EMMANUEL R. SACAY Kasangguni (SGD.) KGG. ALMA A. GATCHALIAN Kasangguni (SGD.) KGG. ENRICO C. CAPULE Kasangguni (SGD.) KGG. MICHAEL M. AQUINO Kasangguni (SGD.) KGG. NINO CARLO C. BAUTISTA Kasangguni (SGD.) KGG. YOLANDA B. AZADA Kasangguni hindi nakadalo KGG. BERNARDO B. OPLE, JR. Kasangguni (SGD.) KGG. CHRISTIAN P.C. BAUTISTA Kasangguni hindi nakadalo KGG. DIONISIO C. MENDOZA Kasangguni ABC President (SGD.) KGG. MARK PAOLO SD. MANAYSAY Kasangguni SK President PINATUTUNAYAN ko ang kawastuan ng Kautusang Panlungsod na binabanggit sa dakong itaas nito. aScITE (SGD.) MA. ROSALIE SP. CRUZ Local Legislative Staff Officer III Pansamantalang Kalihim ng Sangguniang Panlungsod PINATUTUNAYAN: (SGD) INH. GILBERT T. GATCHALIAN Pang. Punong Lungsod Tagapangulo PINAGTITIBAY: December 3, 2018 (SGD.) ABGDO. CHRISTIAN D. NATIVIDAD Punong Lungsod Footnotes ** n wala sa panahon na pinagtibay ang nasabing Kautusang Panlungsod. n Note from the Publisher: Copied verbatim from the official copy. Missing footnote reference.

Ask what this means for your situation

The assistant quotes the passage it relies on and links the source, so you can check every figure it gives you.