Progressive Development Corporation laban kay Komisyonado Ng Rentas Internas
H.P.B. USAPIN Blg. 1404 • Court of Tax Appeals • Decisions • Oct 13, 1965
Full text
[H.P.B. USAPIN Blg. 1404. Ika-13 ng Oktubre, 1965.] PROGRESSIVE DEVELOPMENT CORPORATION , may-kahilingan , laban kay KOMISYONADO NG RENTAS INTERNAS , nananagutan . P A S I Y A Ito ay isang paghahabol ng May-kahilingan sa pasiya ng Nananagutan na pinananagot ang nauna ng mga kakulangang bayad sa buwis sa kita (income tax) ng mga halagang P3,151.70, P2,213.68, P10,987.86, P5,252.94, at P24,276.96 para sa mga taong 1957, 1958, 1959, 1960 at 1961 ayon sa kanilang pagkakasunod-sunod. Ang May-kahilingan ay isang katutubong korporasyon na itinatag sa ilalim ng mga batas ng Republika ng Pilipinas, samantalang ang Nananagutan ay ang Komisyonado ng Rentas Internas. Nang dinggin ang usaping ito nuong ika-16 ng Agosto, 1965, ang abogado ng May-kahilingan ay nagpahayag na matapos ang pakikipanayam sa manananggol ng Nananagutan ay kanyang tinanggap ang ilan sa mga bagay na pinaguusapan. Iniharap ang iksaminador na si Pedro P. Yadao ng Rentas Internas at pinatotohanan nito ang mga sinabi ng abogado ng May-kahilingan. Dahil dito ay pinagkaisahan na ang nabanggit na iksaminador ay magharap ng isang bagong tasasyon (revised assessment). Nuong ika-11 ng Oktubre, 1965, ang magkabilang panig ay nagharap ng isang paliwanag (manifestation) na may kasamang bagong tasasyon (Annex "A"), at alinsunod dito ang mga kakulangang bayad sa buwis sa kita ay ang sumusunod: 1957 P3,151.78; 1958 P2,213.68; 1959 P10,216.44; 1960 wala; 1961 P14,306.24. Kabuuan P29,887.14. DAHIL DITO, ang pasiya ng Komisyonado ng Rentas Internas ay binabago nang alinsunod sa bagong tasasyon at ang May-kahilingan ay inuutusan na mag-bayad ng halagang P29,887.14 kasama na ang tubo. Walang kostas. cdtech INIUUTOS. TEOFILO D. REYES, AMA Tagapangulong Hukom (hindi lumahok) ROMAN M. UMALI Kasamang Hukom SUMASANG-AYON AKO: ALEJANDRO B. AFURONG Kasamang Hukom
Ask what this means for your situation
The assistant quotes the passage it relies on and links the source, so you can check every figure it gives you.