Skip to main content

Bureau of Local Government Finance Opinion

Bureau of Local Government Finance Opinion • Bureau of Local Government Finance • Opinions • Nov 12, 2003

Full text

November 12, 2003 BUREAU OF LOCAL GOVERNMENT FINANCE OPINION Gng. Socorro H. Olivar Barangay Malusak Boac, Marinduque G i n a n g : Ito po ay bilang tugon sa inyong liham na ipinadala sa Komisyon ng Serbisyo Sibil, na pinadala naman sa aming tanggapan ng Pangasiwaan sa Patalaan ng Lupain para sa karampatang aksyon, na kung saan ay nagtatanong kayo kung tama ang ginawa nina G. Lino Mapacpac, Tagatayang Pambayan ng Boac, Marinduque at G. Angel Palomares, Tagatayang Panlalawigan ng nasabing lalawigan sa pagka-kansela ng Tax Declaration (T.D.) No. 14638 (s-1980) na nasa pangalan ng isang Petra Nepomuceno at pagkaka-isyu ng T.D. No. 25541 (s-1983) sa pangalan ng isang G. Tomas Mogol para sa paglilipat ng kabahagi ng lupaing sakop ng nasabing T.D. No. 14638. Lumilitaw po na ang inyong pagtatanong ay sa dahilang kayo ay naniniwala na ang lupain na nasa Brgy. Pawa, nasabing munisipyo at tinutukoy sa naturang T.D. No. 14638 ay solong pag-aari ni Petra Nepomuceno. Sa amin pong pagsusuri ng inyong mga inilakip na sipi ng mga dokumento, aming nakalap ang mga sumusunod na mahahalagang impormasyon at pangyayari: 1. Noong June 24, 1983 po ninyo unang idinulog ang usaping ito sa tanggapan ng Panlalawigang Tasador ng Marinduque; 2. Setyembre 27, 1983 ng kayo ay humiling ng pamamagitan sa tanggapan ng isang Fiscal Ricardo Barba, nasabing lalawigan; 3. Nagkaroon kayo ng kaso (Criminal Case No. 23-84) na Qualified Theft ng taong 1984 kaugnay pa rin po ng nasabing lupain; 4. Nagbigay impormasyon ang Bureau of Lands noong Marso 30, 1994 na ang sinasabi ninyong lupain ay nasa pangalan ng isang Marta Jinang; 5. Sa kanyang liham na may petsang Hulyo 19, 1994, ang Tagatayang Pambayan ng Boac ay nagpahayag na hindi nila mabigyan katuparan ang inyong kahilingan na kanselahin ang T.D. No. 01-17569 (s-1994) sa pangalan ni G. Mogol at ang pag-iisyu ng panibagong tax declaration sa pangalan ng "Hrs. of Petra Nepomuceno." Ito umano ay sa dahilang ayon sa kanilang talaan o records, ang lupang tinutukoy ninyo ay ang Lot No. 14881 ay nasa pangalan na ni G. Mogol mula pa ng paglilipat nito noong Hulyo 5, 1983; 6. Sa inyo po namang liham na may petsang Hulyo 20, 1994 ay humiling kayo sa Tagatayang Panlalawigan ng Marinduque ng sipi ng anumang dokumento na isinumite ni G. Mogol na naging daan para sa nasabing pag-iisyu sa kanya ng T.D. No. 25541 bilang paglilipat sa kanya ng kabahagi ng T.D. No. 14638; 7. Sa isa pang liham ng Tagatayang Pambayan ng Boac (walang petsa), ipinagbibigay alam nito na ayon pa rin sa kanilang talaan ng List of claimants ang "LOT NO. 14881 CAD 544-D of the Boac Cadastre" ay nasa pangalan ng isang Marta Jinang; 8. Ang Tagatayang Panlalawigan naman po, sa kanyang liham na may petsang Agosto 17, 1994 ay nagpahayag ng mga sumusunod: a) "The land presently covered by Tax Declaration No. 01-17569 in the name of Tomas Mogol under Cad. Lot No. 14681 was transferred to his name by virtue of a notarized document executed before Notary Public Restituto Opis on June 14, 1983." AIHDcC b) "The basis for the above-mentioned document is a deed of sale executed by one Maximo Napomuceno in favor of Tomas Mogol on September 3, 1985." c) "Please take note also that the property you are questioning is Lot No. 14881 of the Boac Cadastre while that of Petra Nepomuceno is Lot No. 14882 of the same Cadastre." 9. Sa isa pang "COMMENTS AND RECOMMENDATIONS" ng nasabing Tagatayang Panlalawigan (wala ring petsa), nakasaad ang mga sumusunod: (a) "The complaint of Mrs. Socorro H. Olivar . . . was already resolved by the Regional Office wherein she was advised to bring the matter in a court of law. It was pointed out that since the issue involved is a question of ownership, it is not within the province or authority of the assessor to settle the same, and that only the courts are clothed with the prerogative to determine ownership cases." (b) "that even the Citizens Legal Assistance Office (CLAO) of Marinduque turned down her case for lack of merit." (c) "there is no proof that the alleged project of partition was approved by the court and that an order of final adjudication was issued." (d) "It appears from the . . . information and criminal complaint . . . filed by the provincial Fiscal and the INP Station Commander, that Mrs. Olivar is being accused of stealing coconuts from the land she is claiming for another person." (e) "In view of the foregoing, it is respectfully recommended . . . that the case of Mrs. Olivar be considered closed and that further requests for reconsideration be denied for lack of merit." 10. At sa kasalukuyan, ay mayroon kayong kasong nakahain sa korte (RTC-Branch 94) ng Marinduque sa ilalim ng Civil Case No. 97-21 para sa " Cancellation of Tax Declaration with Damages ." TEDHaA Batay po dito, at ayon sa mga impormasyon at mga pangyayaring nailahad, palagay po ng aming tanggapan na ang inyong problema ay nabigyan ng karampatang pagtugon mula sa aming mga Tagatayang Pambayan ng Boac, Marinduque, Tagatayang Panlalawigan ng nasabing lalawigan maging ng aming tanggapang pang-rehiyon. At datapwa't gusto nila kayong matulungan ay wala naman po silang mapagbasehang legal upang mabigyan katuparan ang inyong naunang kahilingan na ma-kansela ang T.D. No. 25541 maging ang sumunod dito na T.D. No. 01-17569, at nag-isyu ng panibago para sa Hrs. of Petra Nepomuceno. At sa ganang amin po dito, amin ding ikinalulungkot na sa puntong ito ay hindi muna makapagbigay opinyon sa inyong katanungan kung tama ba o mali ang sinasabi ninyong ginawa ng mga tinurang opisyal sa pagka-kansela ng T.D. No. 14638 sa pangalan ni Petra Nepomuceno at pagkaka-isyu ng nasabing T.D. No. 25541 para kay Tomas Mogol, bilang pagbibigay respeto sa Regional Trial Court ng Marinduque (Branch 94) na kung saan inyong binanggit na may kasalukuyang dinidinig na kaso hinggil sa usaping ito. Nais po rin naming ipagbigay-alam sa inyo na hindi po kami pinahihintulutan ng batas na magbigay ng anumang opinion o aksyon sa anumang kaso na kasalukuyang dinidinig ng hukuman, ayon sa prinsipyo ng "sub-judice." Maari po kaming kasuhan kung kami ay lalabag sa prinsipyong nasabi. Makabubuti po para sa lahat ng kasali sa usaping ito na hintayin muna ang desisyon ng korte at maresolba ang isyu tungkol sa kung sino ang tama at tunay na nagmamay-ari ng naturang lupain na tumutukoy sa mga nasabing tax declarations. Sumasainyo, (SGD.) MA. PRESENTACION R. MONTESA Executive Director

Ask what this means for your situation

The assistant quotes the passage it relies on and links the source, so you can check every figure it gives you.