Skip to main content

Bureau of Local Government Finance Opinion

Bureau of Local Government Finance Opinion • Bureau of Local Government Finance • Opinions • Dec 6, 2000

Full text

December 6, 2000 BUREAU OF LOCAL GOVERNMENT FINANCE OPINION Gng. Clarita D. Melloria Presidente, Asosasyon ng Nagkakaisang Mag-uuma Sa Mankilan (NAMAMA) Purok Capitol, Mankilam Tagum City Ginang : Ito po ay bilang tugon sa inyong liham na may petsang Mayo 29, 2000, na ipinaaabot sa kaalaman ng Kalihim ng Kagawaran ng Pananalapi ang inyong mga sumusunod na karaingan at kahilingan: 1. Na kayo ay pinaaalis sa lupang kinatatayuan ng inyong mga bahay na sinasabing pag-aari ng isang Ginoong Alexis Almendras; 2. Na kayo ay humihingi ng tulong upang ang nasabing lupain ay maibigay sa inyo ng pamahalaan; at 3. Ang hindi pagbabayad ng buwis sa ari-ariang di natitinag ng isang nagngangalang Thelma Still/Richie Aala para sa lupaing pang-agrikultura na may sukat na higit kumulang na 47.9536 ektarya. AEHTIC Ukol po dito, tinatawagan po namin ang inyong pansin sa nakalakip sa Ikalawang Paglilipat na may petsang Setyembre 13, 2000 ng Tagatayang Panlungsod ng Lungsod ng Tagum na nagbibigay-alam na walang hakbang na magagawa ang nasabing tanggapan ukol dito sa kadahilanang ang mga nasabing isyu ay tungkol sa pag-uukupa sa lupa, at dahil dito ay hindi sakop ng kanilang tanggapan. Idinagdag pa, na ang nasabing mga isyu ay nasa tanggapan na ng Provincial Agrarian Reform at ng Provincial Governor. Sa pagsusuri po ng inyong nasabing liham, maliwanag din po na nabanggit na rin na ang nasabing isyu ay naipaabot na rin ninyo sa kaalaman ng Kagawaran ng Reporma sa Lupa. Magkagayon po, at sang ayon sa mga nabanggit na mga kadahilanan, minamabuti po ng aming Kawanihan na huwag munang magbigay ng ano mang opinyon habang ang nasabing isyu ay kasalukuyan pang tinatalakay sa nasabing Kagawaran ng Reporma sa Lupa, para sa ikabubuti ng nakakarami. cSHIaA Lubos na gumagalang, (SGD.) BENJAMIN A. GERONIMO Executive Director

Ask what this means for your situation

The assistant quotes the passage it relies on and links the source, so you can check every figure it gives you.