Skip to main content

Bureau of Local Government Finance Opinion

Bureau of Local Government Finance Opinion • Bureau of Local Government Finance • Opinions • Jul 25, 2000

Full text

Hulyo 25, 2000 BUREAU OF LOCAL GOVERNMENT FINANCE OPINION Gng . Teresita Y. Montero Tago, Surigao del Sur G i n a n g : Ito po ay bilang tugon sa inyong liham sa ating Pangulong Joseph Ejercito Estrada, na inilipat sa aming tanggapan para sa karampatang aksiyon, na humihiling ng "tax amnesty" para sa 20-ektarya ng lupa na pag-aari ng pamilya ng inyong asawa. Ukol po dito, tinatawagan namin ang inyong pansin sa Sections 276 at 277 ng Republic Act No. 7160, kilala rin bilang "Local Government Code of 1991" na nagsasaad ng mga sumusunod: "SEC. 276. Condonation or Reduction of Real Property Tax and Interest . In case of a general failure of crops or substantial decrease in the price of agricultural or agribased products, or calamity in any province, city or municipality, the sanggunian concerned, upon recommendation of the Local Disaster Coordinating Council, may condone or reduce, wholly or partially, the taxes and interest thereon for the succeeding year or years in the city or municipality affected by the calamity. IDcTEA "SEC. 277. Condonation or Reduction of Tax by the President of the Philippines . The President of the Philippines may, when public interest so requires, condone or reduce the real property tax and interest for any year in any province or city or a municipality within Metropolitan Manila Area." Maliwanag po, na sa pagkakataon na laganap ang paghina ng ani o pagbaba ng halaga ng mga produktong pang-agrikultura o kalamidad sa alinmang probinsiya, siyudad o munisipyo, ang nakatalagang sanggunian ay maaaring magpatawad o magbawas, buo o bahagi, ng buwis sa lupa pati na ang kasamang tubo nito para sa susunod o mga susunod na taon sa siyudad o munisipyo na naapektuhan ng nasabing kalamidad. Sa kabilang dako, ang atin pong Pangulo ng Pilipinas, sa pagkakataon ng pangkalahatang pangangailangan ay maaari ring magpatawad o magbawas ng buwis sa lupa pati na ang kasamang tubo nito para sa ano mang taon sa kahit sa alinmang probinsiya, siyudad o munisipyo na nasa loob ng Metropolitan Manila Area. Magkagayon man, tinatawagan din po namin ang inyong pansin sa nakalakip na ika-5 paglilipat ng liham na may petsang Marso 29, 2000 ng Municipal Assessor ng Tago, Surigao del Sur, na ipinagbibigay alam na ang Pamahalaang Probinsiya ng nasabing lugar, sa pamamagitan ng Ordinansa Blg. 24-99 ay nagbigay ng pagpapatawad ng buwis sa mga nagmamay-ari ng ari-ariang di natitinag mula Abril 1, 1999 hanggang Setyembre 30, 1999 at naurong hanggang Disyembre 31, 1999. Sa pangyayaring ito, inaasahan po ng aming tanggapan na kayo ay isa sa mga nabigyan ng tulong ng programang ito. Sumasainyo, (SGD.) ANGELINA M. MAGSINO Deputy Executive Director Officer-in-Charge

Ask what this means for your situation

The assistant quotes the passage it relies on and links the source, so you can check every figure it gives you.