Skip to main content

"Identification Card" of an Internal Revenue Agent or Examiner

BIR Ruling No. 640-59 • Bureau of Internal Revenue (BIR) Issuances • Rulings (Numbered) • Dec 14, 1959

Full text

Disyembre 14, 1959 BIR RULING NO. 640-59 Ginoong Anito Arante 1071 96th Street Makati, Rizal Ginoo : Bilang tugon sa inyong liham na walang petsa ay karangalan kong ipabatid sa inyo na, upang matiyak kung ang isang tao ay tunay na agente o examinador ng Rentas Internas (Internal Revenue agent or examiner), ay walang maaring pagkakalilanlan liban sa tinatawag na "Identification Card". Ang Identification card ay may lagda ng Puno ng Rentas Internas (Commissioner of Internal Revenue); gayundin, yaon ay may lagda at larawan ng agente o examinador na ipinakikilala ruon. Samakatuwid, upang maiwasan ang malinlang ng mga nagpapanggap, bago makitungo sa isang tao ay nararapat na hilingin muna na ipakita niya ang kanyang identification card, bukod sa maari ring hilingin na siya ay lumagda upang itulad sa lagdang nasa sa identification card . Karangalan ko pa ring ipagbigay-alam sa inyo na ang aming mga agente at examinador ay walang karapatang magsiyasat ng mga aklat at ibang mga talaan na may kinalaman sa pinagkakakitaan ng isang tao o mga tao (books of accounts and other accounting records) nang walang dalang "Letter of Authority", o isang sulat na hinihiling na and dala niyong agente o examinador ay pahintulutang makapagsiyasat sa mga nasabing aklat at ibang talaan at may lagda ng alin man sa Commissioner of Internal Revenue, Deputy Commissioner of Internal Revenue, Chief, Investigation Division, or ng Regional Director, Assistant Regional Director o Provincial Revenue Officer ng kinauukulang sangay ng tanggapang ito. Sa Bayan ng Makati, ang nakakasakop ng sangay namin ay yaong Regional District No . 4 na ang tanggapan ay nasa lunsod ng Quezon. Kung ang pagsisiyasat ay sa ibang lugar gagawin o, sa ibang salita, ang mga naturang aklat at ibang talaan ay dadalhin ng agente o examinador , ang may-ari ng mga iyon, o ang ibang tao para sa kaniya, ay may karapatang humingi ng recibo , o katibayan ng pagkakatanggap ng mga aklat at ibang talaan. cdtech Lubos na sumasa-inyo (SGD.) MELECIO R. DOMINGO Comisionado ng Rentas Internas

Ask what this means for your situation

The assistant quotes the passage it relies on and links the source, so you can check every figure it gives you.