Buwis ng mga Mananahi (tailor)
BIR Ruling No. 404-58 • Bureau of Internal Revenue (BIR) Issuances • Rulings (Numbered) • Jul 21, 2015
Full text
Ika 21 ng Hulyo, 1958 BIR RULING NO. 404-58 G. T. M. Quiogue Calaung, Quezon G i n o o : Bilang sagot sa inyong sulat ng ika 10 ng buwang kasalukuyan, ay karangalan kong ipabatid sa inyo ang mga sumusunod: cdt Ang isang mananahi (tailor) na tulad ninyo ay dapat magbayad ng buwis (tax) na P0.03 sa bawat P1.00 ng inyong kinikita (gross receipts) sa pananahi, sangayon sa itina-tadhana ng Articulo 191 ng Codigo de Rentas Internas . Ang salitang "gross receipts" ay tumutukoy sa kabuuang kita na walang ano mang halagang babawasin duon. Kung ang pagawa ay sa nagpapagawa ang tela, ang gross receipts ay yaong halaga ng bayad lamang sa tahi. Hindi maaaring bawasin sa halagang ito ang, isang halimbawa, halagang ibinayad ninyo sa inyong mananahi. Sa kabilang dako, kung ang pagawa ay hecho derecho o sa inyo ang tela, ang gr oss receipts ay yaong kabuuan ng bayad sa tela at bayad sa tahi. Kagaya ng una, wala ring masaring alisin sa halagang ito. Samakatuwid, sa halimbawang inyong ibinigay, na ang halaga ng tela ay P7.00 at P3.00 naman ang bayad sa pagkaka-tahi, ang pagbabayad ng buwis na tatlong (3) por ciento ay dapat kuwentahin sa kabuuan ng P7.00 at P3.00 o P10.00. Ang panahon ng pagbabayad ng nasabing buwis ay hindi na ngayon tuwing tatlong buwan (tremestre), bagkus ay buwanan na bago lumampas ang ika 20 ng buwang sumusunod. Isang halimbawa, ang panahon ng pagbabayad ng buwis ukol sa kinita sa buwan ng Hulyo ay sa o bago dumating ang ika 20 ng Agosto. Bukod sa buwis na nabanggit sa itaas, ay dapat din kayong magbayad ng P10.00 bilang annual fixed tax , sang-ayong sa Articulo 182(A) (1) ng nasabing Codigo. Ang pagbabayad ng buwis na ito ay minsan lamang isang taon at tiyak ang halaga, gaano man kaliit sa pananahi. Hinggil sa ibang mga itinatanong ninyo, tulad ng pagbabayad ng mga halagang P6.00, P10.00, at P12.50 sa inyong hanap-buhay, ay ipinagbibigay alam ko sa inyo na hindi namin maaring sagutin ang mga iyon, sapagkat ang mga nasabing halaga ay sinisingil sa inyo ng Bayan ng Calauag bilang licensia municipal at hindi bilang rentas internas . Dahil dito, ay iminu-mungkahi namin sa inyo na isangguni ang bagay na iyon sa ingat-yaman (municipal treasurer) ng nasabing bayan. Lubos na sumasa-inyo, MELECIO R. DOMINGO Pansamantalang Commisionado ng Rentas Internas
Ask what this means for your situation
The assistant quotes the passage it relies on and links the source, so you can check every figure it gives you.