Skip to main content

Batayan Kung Journal at Ledger o Simplified Set of Bookkeeping Records

BIR Ruling No. 120-60 • Bureau of Internal Revenue (BIR) Issuances • Rulings (Numbered) • Mar 14, 1960

Full text

Marso 14, 1960 BIR RULING NO. 120-60 G. Severino Garcia Pangulo, National Market Vendor's Association, Inc. De Dios Building P. Paterno, Quiapo M a n i l a G i n o o : Bilang tugon sa inyong liham na walang petsa, ay karangalan kong ipabatid sa inyo ang mga sumusunod: cdta Ang batayan kung journal at ledger o simplified set of bookkeeping records ang dapat gamitin ng isang tao ay ang kaniyang pinagbibilhan sa loob ng tatlong buwan o isang tremestre , at hindi sa loob ng isang taon. Kung ang nabanggit na pinagbibilhan ay hindi humihigit sa halagang P5,000.00, ang nararapat na gamitin ay simplified set of bookkeeping records at kung humihigit naman ay journal at ledger . Ang humigit o hindi sa halagang P20,000.00 ang pinabibilhan sa alin mang tremestre sa isang taon upang kailanganin ang gumamit ng journal at ledger . Hindi po tumpak sabihin na ang mga nagtitinda sa pamilihang bayan ng baboy, manok isda, bungang-kahoy, gulay at mga pagkain ay hindi kailangan gumamit ng ano mang adlat dahil sa sila ay walang dapat pabayarang business tax , sa kabilang dako, sila ay maaaring mayroong dapat pagbayarang income tax at additional residence tax (Class B). Samakatuwid, and mga nasabing nagsisipagtinda ay may tungkuling maingat o gumamit ng simplified set o journal at ledger , sa ngayon sa halaga ng kanilang pinagbibilhan sa loob ng tatlong buwan, sangayon sa itinatadhana ng articulo 334 ng Codigo de Rentas Internas . Ang mga tao na ang itinitinda sa loob ng pamilihang bayan ay sapatos, yaring damit, pinggan at iba pa, subalit hindi hilaw o lutong pagkain, ay kailangang gumamit ng invoice or receipt , bagaman at ang kanilang binabayarang business tax ay taong "C-13" lamang at hindi sila nagbabayad ng ano mang percentage tax , sangayon sa articulo 204 ng nasabing Codigo de Rentas Internas. Tila po nakaligtaan ninyong basahin ang pangatlong parafo ng articulo 14 ng Revenue Regulations No . V-1 (Bookkeeping Regulations), na nagsasabing ang mga taong nagbabayad ng ibang rentas internas kaysa percentage tax ay dapat ding gumamit ng invoice or receip t. Samakatuwid, hindi po tama, tulad ng inyong sabi, na sangayon sa Revenue Regulations No . V-1 , and magbabayad lamang ng percentage tax ang dapat gumamit ng invoice . Lubos na sumasa-inyo MELECIO R. DOMINGO Commissioner of Internal Revenue

Ask what this means for your situation

The assistant quotes the passage it relies on and links the source, so you can check every figure it gives you.