BIR Ruling
BIR Ruling • Bureau of Internal Revenue (BIR) Issuances • Rulings (Unnumbered) • Aug 26, 2015
Full text
Septiembre 21, 1971 "Action Line", c/o Taliba P. O. Box 775, Maynila Mga Ginoo : Ito ay tungkol sa liham ni R. S. Cobangon ng Alabat, Quezon, na nagtatanong kung siya, nakaempleyo bilang isang Nursing Aide sa Alabat Emergency Hospital, ay dapat magbayad ng tinatawag na "professional tax". Bilang tugon ay ikinararangal naming ipaalam na ang batayan kung ang isang "professional" na empleyado sa pamahalaan ay dapat na magbayad ng "professional tax" ay kung sa kanyang pagkakaempleyo ay ginagamit niya ang kaalaman ng kanyang propesiyon. Inaakala ng tanggapang ito na sa pagkakaempleyo ni R. S. Cobangon bilang isang nursing Aide ay ginagamit niya ang kaalaman ng kanyang propesiyon bilang isang "Midwife." Samakatuwid, siya ay dapat magbayad ng tinatawag na "professional tax" ayon sa Seksiyon 182(B) ng "Tax Code". Lubos na sumasainyo, MISAEL P. VERA Komisyonado ng Rentas Internas
Ask what this means for your situation
The assistant quotes the passage it relies on and links the source, so you can check every figure it gives you.